073

382 17 6
                                    

— art's.

pagdating namin sa campground, may mga nakatayo ng tents dun sa spot na napili namin. kaya nag tulong tulong nalang kami mag tayo ng table, mag ayos ng food na lulutuin, and also mag tayo ng bonfire.

busy ang lahat, habang si adley naman ay pinagpahinga na ni ethan at tinulungan pang ipasok sa loob ng tent. hindi ko talaga alam kung matulunging tao lang ba si heeseung or?

iling iling.

wag ko nalang siguro masyadong isipin, tutal hindi naman nila 'to kwento. kwento namin 'to ni jay, so bale lilinaw ang lahat sa next book.

pero hindi ko parin mapigilan ang mapatitig kay heeseung, pinipilit kong isipin yung reason kung bakit biglang ganon? and base narin sa kwento sakin ni jay kanina.

busy lang ako sa pagtitig dito sa gedli, nang biglang may umakbay sakin.

"narealize mo na bang si ethan talaga ang type mo at hindi si jay?" bahagyang tumawa si sunghoon. nag fake laugh naman ako, at inirapan siya. saka binalik ang tingin kay hee, na busy sa pag tulong kay jake.

"may napapansin ka ba kay heeseung lately, hoon?"

"wala naman? pake ko dyan." sabay kaming tumawa, bago ko siya sikuhin.

"kailan ka kaya titino kausap—" hahampasin ko pa sana si sunghoon nang bigla siyang lumipad at nawala sa tabi ko. dahil tinulak siya ni jongseong.

fly high benjamin?

"aray! pota, jongseong!" napaupo naman si sunghoon sa damuhan. shuta, pisikalan?

"ay, sorry pre. sadya." jay said bago niya ako tignan ng masama. luh?

"pwede naman kasing mag usap nang hindi nakaakbay." hinila ako ni jay at pinaupo dun sa upuan, sa may harapan ng bonfire.

di niya ako pinansin, tapos pinagpatuloy lang paglalagay ng kahoy sa apoy. haba na naman ng nguso, naka kunot pa noo ni jongseong ko. pogi parin hihi

"love." tawag ko. nilingon naman niya ako, pero masama parin ang tingin sakin. inaano ko ba 'to? natatawa ako mga mare.

"what?" sungit amp. medyo mataas boses niya, halata mong iritable si tatang jay.

"susi ka ba?" mas lalong kumunot noo niya, gulong gulo na sa buhay.

ngumisi ako.

"pwede pa-keys?" nag wink ako, sabay tawa. pinilit niya pa pigilan tawa niya but he ended laughing, much louder than mine.

"di ako natutuwa sayo, artemis." sabi niya pa habang ngiting ngiti. tumawa naman ako saka tumayo para lumipat ng pwesto, at naupo sa tabi niya.

niyakap ko ang braso niya saka sumandal dun.

"i know that you and hoon are close, and that's fine with me." mahinahon na ulit boses niya, compare kanina. sabi na dahil na naman kay sunghoon.

"but stop letting him be so clingy with you. things are different now, love." tumango tango naman ako, kasi tama naman siya. always siyang may point.

"i know, jay. don't worry." tumingala ako sa kanya, and gave him a smile. he smiled back, saka ako binigyan ng soft kiss sa noo.

sarap mabuhay, tapos ganto jowa mo. hay

"sa harapan talaga namin?" tanong bigla ni phoebe habang may hawak na tong.

"ay, nakaharap ka na ba?" tawang tawa naman si jake sa sagot ni calli.

"tawang tawa jake ah? alam ba 'yan ni ethan?" napailing nalang kaming dalawa ni jay sa nangyayari.

"let's eat!!" inalalayan ako ni jay tumayo saka kami sabay nagpunta sa kanila, para sabay sabay kami kumain after tawagin ni ethan si adley na medyo umayos ayos na pakiramdam.

hee gave her water to drink. tahimik akong kumakain, habang pinapanuod silang dalawa.

bigla naman akong sinilip ni jay, kaya agad nalipat sa gwapo kong jowa ang tingin ko.

"mamaya ka na maki chismis, love. eat first." ayoko talagang inuutusan ako pero since ikaw 'yan, shuUuURR hihi

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon