Immortals [Season 2 - Chapter 3]

123 8 2
                                    


“DITO pala! Diyan pala sila naninirahan,” bulong ni Serpentino sa kanyang sarili. Hindi alam ni Lucid at Kulaw, na hindi talaga lumayo si Serpentino. Nagpapanggap lamang siyang umalis, ngunit nagtago lamang ito.

"Ngunit, hindi ako maaaring makapasok dahil sa enerhiya na bumabalot sa buong bahay. Ngayon kita kailangan, Romuel!" Sabay talikod ni Serpentino at kanyang mga labi ay ngumiti. 

Alam ni Serpentino na may natitira pang pagmamahal sa puso ni Carmencita para kay Romuel. Maaaring totoo ang nilalaman ng isipan ni Serpentino, dahil hindi ganun kadali na itapon ni Carmencita ang lahat ng pinagsamahan nila ni Romuel. Lalo na, si Romuel ang unang pag-ibig ni Carmencita. Isa si Romuel sa mga taong pinapangalagaan ni Carmencita.

Samantala, hindi na nararamdaman ni Lucid ang presensya ni Carmencita. Maski ang tibok ng puso ng dalaga ay hindi niya marinig. Nakatitig naman si Kulaw kay Lucid, pilit nitong binabasa ang nilalaman ng isipan ng kanyang mahal na prinsipe. Hanggang sa malalaking hakbang ang ginawa ng mga paa ni Lucid papasok sa kanilang bahay. Sumunod si Kulaw. Sabay silang napahinto nang makita nilang nakahiga si Carmencita sa malambot nilang sofa at wala itong malay. 

Biglang may lumabas na itim na usok sa katawan ni Lucid. Kumakawala ang kanyang kapangyarihan dahil sa galit na nararamdaman ng kanyang puso. Kanyang mga mata ay nag-aalab sa nakikita niyang lalaking nakaupo sa isang upuan na kalapit sa sofa na kung saan nakahiga si Carmencita. 

"Mabuti na lang mabilis akong kumilos. Alam kong may mga palatandaan o marka kayong dalawa ng babaeng ito sa inyong mga katawan. Marka na nag-uugnay sa inyong dalawa," nagsalita ang lalaki habang ang kanyang mga paa ay nakakrus habang siya ay nakaupo.

"Sino ka? Ano'ng ginawa mo kay Carmencita?" sigaw ni Kulaw. Biglang lumaki ang mga mata ni Kulaw nang biglang haplusin ng lalaki ang pisngi ni Carmencita. Sa gigil ni Lucid, susugurin niya ang lalaki. Subalit, saktong dalawang hakbang lang ang nagawa ng mga paa ni Lucid nang biglang umilaw ang kamay ng lalaki habang nakalapat ito sa pisngi ni Carmencita.

"Mahal mo ang babaeng ito 'di ba? Kaya hindi mo magawang ituloy ang pagsugod mo sa akin," wika muli ng lalaki at siya ay humalakhak.

"Duwag!" sigaw ni Lucid. Nag-iisip naman si Kulaw kung ano ang maaari niyang maitulong sa mahal niyang prinsipe.

"Lumayo ka sa kanya. Ako ang kailangan mo at hindi siya. Sa labas tayo mag-usap at 'wag dito sa loob ng pamamahay namin," galit na sabi ni Lucid. Biglang nawala ang liwanag sa kamay ng lalaki. At pagkatapos ay marahan itong tumayo mula sa pagkakaupo. Hinarap niya si Lucid ng seryoso.

"Sino ang may sabi na sa 'yo na ikaw ang kailangan ko. Ang isang katulad mong anak ng kadiliman ay walang maitutulong sa akin para ako ay maging mas lalong makapangyarihan. Siya! Siya ang kailangan ko!" Sabay turo ng lalaki kay Carmencita. Lalong nabagabag ang damdamin ni Lucid. Sinakmal niya ang kanyang mga kamao. 

"At sa pagkakaalam ko, ako ay hinahanap ninyo?" dugtong pa ng lalaki. Mabilis na lumapit si Kulaw sa tabi ni Lucid. 

"Mahal na prinsipe, siya ba ang sinasabi ng ama ni Carmencita? Iyong imortal na pagala-gala sa mundong ito. Mukhang hindi natin siya kakampi. Isa siyang kalaban," bulong ni Kulaw kay Lucid. Humahalakhak na naman ang lalaki. Naririnig lahat nito kasi ang mga salitang binibigkas ng bibig. 

Biglang lumabas ang sungay ni Kulaw. Gustong magpalit anyo ni Kulaw bilang isang halimaw. Hinawakan ni Lucid ang braso ni Kulaw upang pigilan niya si Kulaw na  ilabas ang tunay na anyo nito. Nakuha naman agad ni Kulaw ang nais na mensahe ni Lucid. Dahan-dahan lumubog ang mga sungay ni Kulaw.

"Hindi mo na kailangan ibalik ang tunay na anyo mo para makipaglaban. Kahit gamit mo ang anyo ng isang tao, nandiyan pa rin ang iyong kapangyarihan," wika ni Lucid kay Kulaw.

"O, paano? Inimbitahan ko muna ang magandang binibini na ito sa aking tahanan at--"

"Huwag kang magkakamali na hawakan si Carmencita!" sigaw ni Lucid. Hindi na niya hinayaan pa ang lalaki na makapagsalita. Subalit, pilyong ngiti lang ang binitawan ng lalaki. Itinutok niya ang kanyang palad sa katawan ni Carmencita habang siya ay nakatayo at ang kanyang paningin ay na kay Lucid.

"Patunayan mo sa akin kung karapat-dapat akong sumanib sa inyo. Sa ngayon, akin na muna ang babaeng ito," wika ng lalaki. Biglang nagliwanag ang katawan nito at nasilaw ang mga mata nina Lucid at Kulaw. Nang nawala ang liwanag, nawala din ang lalaki kasama si Carmecita.

"Aahhh!!!" malakas na sigaw ni Lucid. Gumalaw ang kanyang kanang kamay at sa bawat wagayway ay may mga kagamitan na nasisira. Pinigilan siya ni Kulaw sa pagwawala. Kung hindi gagawin ni Kulaw na harangan si Lucid, baka maguho ang kanilang tirahan. 

"Tama na, mahal na prinsipe!" sigaw ni Kulaw. Hindi lang kasi galit si Lucid doon sa lalaki na tumangay kay Carmencita. Maski sa kanyang sarili ay galit siya dahil hindi niya nagawa na protektahan si Carmencita. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya kay Taos. Ngunit, ang tumatakbo na lang sa isipan ni Lucid ngayon ay ang makaharap o makausap si Taos para malaman niya kung sino at ano klaseng nilalang ang dumukot kay Carmencita.

ITUTULOY….

*****
Note: No edit. No proofread. Read at your own risk. Photo credit to the owner. No plagiarism!

Thank you!
MysteriousCharm27 💙🖤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Immortals - CARMENCITA (Season 1)Where stories live. Discover now