6: Ang Matandang Lalaki

952 41 0
                                    

CARMENCITA
KABANATA 6: ANG MATANDANG LALAKI SA KAGUBATAN

"INENG, gumising ka. Ano ang nangyari sa iyo at paano mo natunton ang lugar na ito?"

Isang tinig ang narinig ni Carmencita mula sa isang matandang lalaki kahit ang kanyang mga mata ay nakapikit. Gusto niyang gumalaw, ngunit parang may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang katawan.

Hinawakan ng matandang lalaki ang kanyang balat. Para malaman nito kung may buhay pa si Carmencita sa pamamagitan ng temperatura ng katawan ng dalaga. Nag-aapoy sa init ang buong kalamnan ni Carmencita. Bahagyang gumalaw din ang ulo nito. Pinilit niyang gumalaw para bigyan ng senyales ang matandang lalaki na siya ay buhay.

"Ano ang nangyari sa iyo, Ineng? Hintayin mo ako diyan may kukunin lang ako para madala kita sa aking mumunting bahay."

Nagmadaling umalis ang matandang lalaki para kumuha ng mga kawayan. Gagawin niya itong higaan para mahila ang katawan ni Carmencita. Samantala, kahit hindi mabuksan ni Carmencita ang kanyang mga mata, tumulo ang luha. Kahit paano, nagkaroon siya ng pag-asa. Nararamdaman ng kanyang puso na mabuting nilalang ang nakakita sa kanya.

SA KABILANG BANDA, narating na ni Romuel ang mental ospital. Makapal na usok na lang ang kanyang nadatnan at ang mga taong nakaligtas. Kabilang ang mga may kapansanan sa pag-iisip. Mga doktor at nurse. Hindi alam ni Romuel kung ano ang kanyang iisipin, dahil hindi makita ng kanyang mga mata si Carmencita.

Hindi niya alam kung buhay o patay ang babaeng iniibig niya. Malalaking hakbang ang ginawa ng mga paa ni Romuel papunta sa mga tao. Bawat daanan niyang mga babae, hinaharap niya sa kanya. Nagbabakasakali siyang naroon lang si Carmencita. Subalit, kahit anino ng dalaga hindi niya nakita.

"Nasaan ka, Carmencita?" bulong ni Romuel sa hangin. Siya ay nanlulumo.

"Siya! Siya ang huling bisita ng babaeng iyon!" sigaw ng doktor na tumingin kay Carmencita sa mga pulis habang tinuturo niya si Romuel.

"Pagkaalis ng binatang 'yan, halos lumipas lang ang trenta minutos, nagwala na ang babaeng iyon. Isang demonyo ang babaeng iyon!" patuloy na sigaw ng doktor. Nagalit si Romuel sa mga katagang binitawan mg doktor patungkol kay Carmencita. Sinugod niya ang doktor.

"Ikaw ang demonyo! Alam mong sa sarili mong hindi baliw si Carmencita. Ginagamit mo lang siya para sa pera at para maging isang tanyag kang doktor. Gagamitin mo si Carmencita na kunwari napagaling mo siya!" sugod ni Romuel sa doktor. Kaagad naman siyang pinigilan ng mga pulis.

"Kilala mo ba talaga ang dalagang sinasabi nila?" tanong ng isang pulis.

"Susugurin ko ba ang doktor na 'yan kung hindi ko kilala ang babaeng pinagbibintangan niya na hindi naman totoong magagawa ni Carmencita ang sunugin ang isang malaking ospital!"

"Iyon ang akala mo! Hindi siya isang ordinaryong tao lamang. Isa siyang demonyo!" paratang pa rin ng doktor.

"Tumigil ka! Baka ikaw ang sunugin ko!" kumakawala si Romuel mula sa mga pulis na nakahawak sa kanya.

"Bitawan niyo ako at tuturuan ko ng leksiyon ang doktor na 'yan!"

"Ikaw ang tumigil binata. Iniimbitahan ka namin sa presinto para sagutin ang aming mga magiging katanungan sa iyo tungkol sa dalaga," suway ng isang pulis kay Romuel.

"Ilayo niyo muna sa akin ang doktor na iyan, bago ako sumama sa inyo. Dapat diyan nilalagay din siya sa likod ng mga rehas!"

Nagbigay ng senyales ang isang pulis sa kasamahan niya para ilayo ang doktor. Mas importante sa mga pulis si Romuel. Gusto nila ng impormasyon. Nang makalayo na ang doktor, sumama na ang binata sa mga pulis.

Immortals - CARMENCITA (Season 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora