078

320 13 3
                                    

— art's.

tinitigan ko ang huling exam paper na sasagutan ko sa huling araw ng examination namin. eto narin ang huling pagkakataon na magsasagot ako ng exam, under enhigh. kasi 2 weeks from now, graduation na namin.

it's crazy how fast time flies.. seryoso.

nilapag ko ang test paper sa table ng watcher namin. i looked at my paper, at bahagyang ngumiti.

"great job, artemis. congratulation." ngumiti ako kay miss, at yumuko bago tuluyang lumabas ng classroom.

"art!" i looked back, at nakitang hinihintay ako nila calli sa harapan ng classroom nila. ni-random kasi kami, kaya magkakahiwalay kami ng classroom.

kumaway ako, at lalapit na sana sa kanila nang mag vibrate ang phone ko ng dalawang beses. i checked the screen of my phone.

isa ay chat from jay, saying na tapos na siya mag exam at nasa studio na ulit para mag practice.

and yung isang notification ay isang email, from enhigh university..

i stopped. nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. ramdam ko rin ang mabilis na pag init nito, kasabay ng mabilis na pag tibok ng puso ko.

i-is this.. for real?

"huy! tulala ka dyan? kain tayo ng— shuta, umiiyak ka ba?" sinilip ako ni calli, habang yung dalawa nakisilip rin.

"next next week pa graduation, art. save mo na 'yang luha mo for that day." tinignan ko sila.

"ano ba 'yon? buntis ka?"

"n-napili ako.." nanginginig yung boses ko. basta, buong katawan ko siguro.

"mag-aaral ako sa harvard.." narealize na siguro nila pinaparating ko, nanlaki narin kasi mga mata nila. calli, and phoebe started jumping habang si adley napatakip lang sa bibig niya.

i held her hand.

"mag-aaral ako sa harvard!!" i hugged her, kasi di ko mayakap yung dalawa panay talon at sigaw. bardagulan.

adley and i started screaming, like because of happiness.

"so it's really happening?!" tumango tango ako, habang umiiyak. tumawa si adley at pinunasan ang basang pisngi ko, bago ako yakapin ulit.

"stop crying! ayan naman talaga goal mo eversince. congrats, artemis.." wag na daw ako umiyak pero paiyak narin siya.

nag yayakapan lang kaming tatlo dito, wala talaga kaming pake sa mga dumadaan or nakakakita samin. basta ang saya, and grateful ng puso ko sa mga oras na 'to.

"let's eat! libre ko." syempre hindi sila tumanggi. bakit naman sila tatanggi sa blessing?

magkakahawak kamay kaming bumaba at lumabas ng building para kumain sa fave naming kainan malapit sa enhigh.

dapat ko bang sabihin kay jay?

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon