085

304 15 4
                                    

— art's.

tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama ko, silently looking at my phone. kagabi ko pa hindi kinakausap si jay. after ko kasi isend yung last message ko to him, i turned off my phone. hindi ko rin alam kung saan nalaman ni jay yung about dun pero hindi naman na mahalaga kung kanino or saan niya nalaman.

ang mahalaga lang is.. alam na niya.

hindi ko naman talaga gustong iwanan si jay, ayoko, ng buong pagkatao ko. pero sa nakikita ko, at para sa mas ikakabuti naming dalawa, it's more better to let go. mag let go na habang nandito pa ako, malapit sa kanya.

natatakot ako, sobra.. sa lahat ng posibleng mangyari nang nandun ako, at nandito si jay. it's really impossible na mag work yung relationship namin ni jay, nang malayo kami sa isat isa.

desidido na ako sa desisyon ko, but still. i'm not that ready to let him go...

"you literally waited for him for like 2 years, and isusuko mo siya ng dahil lang sa distance? wake up, aretemis! gamitin ang utak, wag mag padala sa takot!" sigaw ng isang art sa isang parte ng utak ko.

"okay, what if she took the risk. she went there, but still chose to stay with him. ldr. things were fine, tapos biglang boom, one day hindi na? what if one day, magising si jay na nahihirapan na siya? na hindi na niya kayang mag hintay kay art? or worse, he woke up na hindi na niya mahal si art, at nahulog na sa mas malapit sa kanya. sige nga? you think she could handle the pain? alone? there?"

dipensa ng isa, sa kabilang parte ng katawan ko.

napailing ako, at mabilis na nahiga sa kama ko. i covered my face ng pillow nang marinig kong bumukas ang pinto ng room ko. tumingin ako sa bandang pinto and saw my mom there.

mom smiled, bago lumapit sakin, at naupo sa kabilang gilid ng kama ko.

"talk to jay, anak. malawak ang pag unawa ng bata na 'yon. ayon ang pagkakakilala ko sa kanya." she knew. ofcourse, she knew.

"alam ko ma.. pero. i don't think i'm ready to let him go." i started crying beside her.

ramdam ko ang pag yakap sakin ni mama ng mahigpit, kaya lalo akong naiyak.

hinimas himas niya ang ulo ko, habang tahimik akong umiiyak sa chest niya.

"if you love someone, let him free. if it comes back, anak.." she looked at me and smiled.

"it is meant to be. remember, love can wait. specially when 2 hearts are meant to grow old together." she smiled again, bago punasan ang pisngi ko na basa dala ng luha.

"kung sa tingin mong ikakabuti niyong dalawa yung gagawin mong desisyon, go for it. but talk to jay about it. consider his opinion, his feelings. he's your partner, hindi lang basta boyfriend."

ngumiti ulit si mama, bago punasan ulit ang pisngi ko. she stood up, habang hawak ang kamay ko.

"talk to him. nasa harapan siya ng bahay." tumango tango pa si mama bago lumakad palayo sakin, at lumabas ng kwarto ko.

ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo dun, pinapakalma ko ang sarili ko hanggang sa makapag decide akong labasin si jay.

pagkalabas ko, nakaupo siya may upuan sa harapan ng main door namin malapit sa mino garden ni mama.

i really want to stay.. but i know, na kapag pinili kong mag stay, nang malayo kami sa isa't isa, mahihirapan kami. habang tumatagal, mas hihirap.

"jay.." i softly called.

mabilis siyang lumingon sa pwesto ko, agad akong nilapitan para yakapin.

mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin, resting his chin on my shoulder.

"bakit ba bigla mo nalang akong hindi kinausap? sobrang nagaalala ako, love. what's wrong ba?" sunod sunod niyang tanong, nang hindi parin umaalis sa pagkakayakap sakin.

hindi naman ako sumagot.

"do you feel guilty ba for not telling me about harvard? kaya hindi mo ako kinakausap?" hindi parin ako sumagot. hindi ko alam sasabihin ko, naba-blangko ako.

"please, magsalita ka naman." hinarap niya ako sa kanya. bakas sa mga mata niya ang pagaalala, at takot.

ang hina rin ng boses niya. ibang jay. at kasalanan ko 'yon.

"love, i understand. i know you had your reasons kung bakit pinili mong wag munang sabihin sakin." muna? hindi ko naman na talaga dapat sasabihin, jay.. ang selfish ko.

"i told you naman diba? na i'll listen to you? basta magsabi ka lang sakin, love. makikinig ako." patuloy parin siya sa pagsasalita, pero patuloy parin ako sa pag tahimik ko.

he pulled me again for hug.

"hindi naman kita pipigilan umalis, love. never. i'll support you, and your decisions—"

"jay, let's.. s-stop this." medyo nag choke pa ako, forcing myself not to cry. not here, infront of him. no

humiwalay ako sa pagkakayakap niya sakin, and straightly look at him sa mga mata niya.

"that's my decision. will you still support me?" i asked. pero nanatili siyang tahimik, looking so confused.

"what do you mean?" umalis ako sa harapan niya, at humarap sa mga bulaklak. i can't even say those words sa face niya. tapos ang lakas ng loob ko na mangiwan.

"m-mag break na tayo, jay—"

"what the hell are you talking about, artemis?" bahagya akong napapapikit, nang bahagyang tumaas ang boses ni jay mula sa likod ko.

"hindi natin kakayanin yung ganong set up, na malayo tayo sa—"

"who told you that we can't? love, we can!"

"no, jay. listen to me—"

"no, you listen to me!" hinarap niya ako sa kanya, pero umiwas parin ako ng tingin.

"ano bang iniisip mo? huh? i'll cheat on you, dahil lang wala ka sa tabi ko?" hindi naman ako sumagot. nanatili akong tahimik ulit, nakaiwas parin ang tingin sa kanya.

"na mag hahanap ako ng iba dahil lang sa malayo ka sakin? is that what you think?" he added.

umiling ako, and this time, tumimgin ako sa kanya. mata sa mata.

"jay, ayokong pipiliin natin na iwan muna ang isat isa kasi nahihirapan na tayo sa sitwasyon natin kapag nandun na ko sa massachusetts. kung kailan malayo ako sayo." i bit my lower lip, kasi feel kong paiyak na talaga ako.

"mas ayoko 'yon, jay. mas mahihirapan tayo kapag ganun yung nangyari." natahimik kaming dalawa.

i sighed.

"kaya nga.. i decided to.. l-let you go, bago ako umalis—"

"ayoko, artemis. that will never happen. i'll stay with you, kahit pa umalis ka, kahit iwanan mo ko. i'll still choose you, us." paninindigan niya. every word na binatawan niya, tumatak sa isip ko.

"so please, do the same thing. piliin mo parin ako, tayo." ayon ang huli niyang sinabi, bago tuluyang umalis sa harapan ko.

leaving me speechless.

napaupo ako, and started crying there alone.

ang sakit naman sa puso

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon