086

308 14 1
                                    

— art's.

"NAKIPAG BREAK KA TALAGA KAY JAY? SERYOSO KA?" hindi ka na dapat magulat sa mga magiging reaction nila, artemis. ihanda mo ang dalawang tenga mo. pati pala katawan mo.

kumuha ako ng unan, for protection purposes.

"hindi ko talaga alam kung paano i-convert ang puot into words so hindi nalang siguro ako magsasalita." tinignan ko si calli, nang magtama ang mga tingin namin ay agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko bago ako baligin ng unan.

"SAAN BA KAMI NAGKULANG SA PAALALA SAYO NUNG NAKARAAN? LAHAT NA SINABI NAMIN, NA PAG ISIPAN MONG MABUTI!!" napakamot naman ng bongga si calli sa ulo niya habang masama parin tingin sakin.

"NAGAGALIT PATI MGA BALAKUBAK KO SAYO, ART. LUMAYO LAYO KA LANG SAKIN." gusto kong tumawa pero wag nalang. wala akong gana.

"wag kang tatawa, phoebe." warning ni adley kay phoebe na ready na sana ilabas malakas niyang tawa pero nvm, wag nalang daw.

"art, seryosong tanong ha? masaya ka ba sa mga desisyon mong 'yan?" seryosong tanong ni adley. natahimik ako, saka yumuko. i can't even look at her.

"hindi." mahina kong sagot, pero sapat na para marinig nila.

"wag na wag mong lang subukang gawing excuse samin yung quote na "it's okay to feel sad after making the right decision", ha?" sayang, naunahan ako. sigh.

"i told you na try putting yourself sa shoes ni jay, diba? try putting yourself sa situation niya. yung siya gagawa nyan sayo, at ikaw 'tong ayaw pumayag sa desisyon niya." i already tried putting myself on his shoe.

and tama sila, hindi nga tama yung desisyon na ganon.. kahit pwede namang ilaban, nang malayo kami sa isa't isa. pero.. natatakot ako. na masaktan kami..

"art, consider his feelings! oo, natatakot ka. but did you asked yourself na baka si jay, ganon rin naffeel?" natahimik ako.

"exactly. alam niya rin kung gaano kahirap yung magiging situation niyo after mo umalis." singit ni phoebe, na mukhang seryoso na sa situation namin.

"alam niya rin na mahihirapan siya, teh. pero sa kabila 'non, pinili ka parin niya." tahimik parin ako. wala akong masagot, kasi lahat ng sinasabi nila, it makes sense.

"take the risk, art. i'm telling you. it's more better na mag take ng risk, kesa mag regret." napa buntong hininga lang ako.

"ikaw narin naman na nagsabi diba? na gusto mo rin mag stay? sa kanya, sa inyo?"

"stop saying "but" sa every end ng sentence mo. no buts, art. choose hardvard, and still choose jay." adley suddenly held my hand, kaya napatingin ako sa kanya.

"i told you, that you can always choose both. without leaving one behind."

she smiled.

nafeel ko naman ang pag upo nung dalawa sa tabi ko.

"we're not mad. sinisigurado lang namin na hindi ka mag sisisi sa pinipili mong desisyon." tinignan ko si calli.

"kasi once you decide, tapos nagsisisi ka sa dulo, paano ka? wala naman kami dun, art. malayo na kami sayo, unlike ngayon na isang tawag lang, nandito na kami agad."

"saka ano naman kung masaktan after mo mag take ng risk? that's normal. hindi mo naman matatawag na love 'yon, kung walang pain." yumakap si phoebe sa braso ko, saka sumandal sakin.

"nakakatulong pa nga 'yon, mas natututo kayo, mas nag g-grow kayo. atleast sa kada pain, may lesson na maia-apply niyo sa mga problems, sa mga conflicts." tinanguan ni adley at calli yung mga sinasabi ni phoebe. 

"sabi nga nila, strong and healthy relationships are created, not found."

"so aasa akong bubuoin niyo 'yon ni fafi jay, nang magkasama, kahit malayo kayo sa isa't isa." phoebe looked at me bago mag smile.

"you still have a year to think about it carefully, art. so choose the right decision, without having a sad and regretful heart after." these three eggs gave me a hug, kaya gumaan ang pakiramdam ko.

take a risk?

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon