Kamangha-mangha Ang KANYANG kapangyarihan

6 0 0
                                    


BIBLE READING JOB CHAPTER 9-12

Scriptures:

Job 9:4-8

4 Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan,
sinong lumaban na sa kanya at nagtagumpay?
5 Walang sabi-sabing inuuga niya ang bundok,
sa tindi ng kanyang galit, ito'y kanyang dinudurog.
6 Ang buong lupa ay kanyang niyayanig,
at inuuga niya ang saligan ng daigdig.
7 Maaari niyang pigilan ang pagsikat ng araw,
pati ang mga bituin sa kalangitan.
8 Mag-isa niyang inilatag ang sangkalangitan,
kanyang tinapakan ang dambuhalang karagatan.

Job 9:10

10 Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan,
ang kanyang mga himala ay hindi mabibilang.

Observation:

Tunay nga ang Diyos ay kamangha-mangha. Walang makakaarok ng lalim at lawak ng kanyang Kapangyarihan. Kung ating pakaiisipan tayo ay parang tuldok lamang sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Kumikilos Siya nang hindi natin nalalaman at nararamdaman. Kaya Niyang baliktarin ang masamang sitwasyon patungo sa tagumpay. Kaya Niyang magbigay ng liwanag sa kadiliman, dahil ang lahat ay posible sa Kanya.

Higit sa lahat ang Diyos lang ang nakakaalam ng bukas. Napahusay at kamangha-mangha wala Siyang katulad.

Application:

Maaring dumadaan tayo sa buhay na tila nagtatanong tayo ng mga bagay bagay na hindi natin maunawaan kung bakit nangyari sa atin, kagaya ni Job.

Gayunman, huwag nating kalilimutan na kahit dumaan man tayo sa mga matitinding pagsubok, hindi tayo nakakalimutan ng Diyos. Bago pa man natin bigkasin ang ating mga panalangin alam na Niya ang ating mga saloobin. Bago pa tayo humiling nakalatag na ang Kanyang solusyon. Kaya't sa ating aplikasyon sa ating binasa. Lubos tayong magtiwala sa Kanya, kahit na hindi natin maunawaan ang kanyang mga kaparaanan.

Prayer:

Amang Banal at Dakila, Makapangyarihan sa lahat, aming Diyos na may gawa ng lahat maging sa langit man at sa lupa. Kami po ay nagpapasalamat at itinataas Ka namin sa mga sandaling kami ay nagkakaisa sa iisang panalangin naming ito.

Maraming salamat po sa lahat ng mga biyaya at mga probisyon na Iyong binibigay sa amin sa araw-araw. Salamat po sa Iyong proteksiyon at pagbibigay Mo sa amin ng kalakasan. Nawa Panginoon loobin Mo po sana na pagalingin na ang mga may sakit at karamdaman. Ipataw mo po sana sa amin ang kapatawaran kung kami man ay nakagawa ng mga bagay na hindi ayon sa Iyong kalooban.

PagalinginMo na po sana ang aming bansa, at patuloy Mo po kaming ingatan. Higit sa lahat Panginoon, bigyan Mo po kami ng kalakasang espirituwal, na sa aming paghakbang patungo sa Iyo ay magawa namin ang mga bagay na gusto Mo para sa amin. At upang hindi kami mahulog sa anumang bitag ng kaaway.

Salamat po Ama, ito po ang aming dalangin sa pangalan ng Panginoong Hesus. Amen.

The Writer's Daily WalkWhere stories live. Discover now