Nagising ako na medyo naiinitan at malagkit ang pawis. Wala akong saplot at normal naman ang aircon pero naiinitan talaga ako. Kaya bumango ako para makapagbihis at makapag-ayos ng sarili.
Pagkapasok ko sa banyo ay agad kong inalis ang saplot ko at natigilan sa nakita.
'MERON AKO NGAYON?'
"I-ibig sabihin...'di ako b-buntis?" Pabulong na tanong ko sa'king sarili.
'Three months akong hindi dinatnan ng menstruation. Delayed lang ba ako? Akala ko buntis na ako pero... HINDI?'
Biglang kumirot ang dibdib ko nang maalala ang sinabi ng doctor kaninang umaga. Nasa bahay na ako ngayon at hindi mapatali dahil sa nervousness at pag-aalala sa maaaring mangyari kapag nalaman ito ni Kane.
"I'm sorry, Misis. Ikinalulungkot kong sabihin na... you can't be pregnant because of some complications." Muntik na akong maluha sa sinabi ng doctor pero pilit kong pinagaan ang loob ko.
"B-bakit po, D-doc?" Kinakabahan kong tanong. 'Anong complications? May sakit ba ako? Malala ba?
"I'm sorry to tell this but... Misis, mababa po ang inyong matris at hindi rin regular ang inyong menstruations. Tama po ba?" Napatango na lang ako.
Pagkatapos ng check-up ay agad akong umuwi. Maagang uuwi si Kane. Kailangang mauna ako sa kanya para hindi sya magtanong kung saan ako nanggaling.
"I bought you apples and mangoes. Want me to prepare some?" Paunang bati nya nang maabutan akong matamlay na nakaupo sa sofa.
Tumango lang ako at inilipat sa ibang channel ang Tv. Hinayaan ko syang magtungo sa kusina. Maya-maya pa ay bumalik sya dala ang binalatang mangga...at bagoong?
Hindi na lang ako nagtanong. Kumuha ako ng isa at agad iyong kinain.
Habang ngumunguya napansin kong nakangiti sya habang nakatitig sa'kin."M-may problema ba?"
"Wala," and then he smiles at me.
Matamlay akong ngumiti sa kanya.
Siguro iniisip nya na buntis na ako at ngayon ay naglilihi na ako.Paano ko ba sasabihin na 'di iyon mangyayari? Pa'no ko sisimulang sabihin?
Or the worst thing is... Masisimulan ko ba?People are fond of loving. People seeks love and attention wherever they go. And I'm one of those who greeds of love. I want attentions and love a lot. To the point that whatever it takes, I'll do everything in exchange of it.
At ngayon, natatakot akong iwan nya. Takot akong mawala ang atensyon nya, ang lahat. Takot akong mawala sya dahil kasabay noon ay ang pagkawala ng kompanya ni Daddy.
Iyon nga lang ba ang dahilan ko? Takot lang ba akong mawala ang atensyon nya? Takot lang ba akong mawala ang company?
O takot ako dahil sa mas malalim pang rason?
"May pupuntahan ka ba?" Tanong nya habang nag-aayos ng kanyang necktie.
Papasok na sya sa kompanya.
And I don't really care at all.
I'm happy, I don't need to communicate with him all day long.Nakatingin lang ako sa glass wall ng aming kwarto. Nasa 5th floor ang condominium nya at tanaw mula rito ang maasul na swimming pool sa ibaba.
Kita rin ang mga magkakaibigan, magkapamilya at mga magkakasintahan na ginugugol ang oras sa pagtatampisan sa mababang parte ng swimming pool.
Kusa akong napangiti nang matuon amg pansin ko sa magkasintahang tahimik at nakangiting pinapanood ang mga tao sa gitna ng pool. Masayang naka-akbay sa kanya ang boyfriend nya habang sya naman ay nakahilig sa dibdib nito.
"Kung may pupuntahan ka, Azaleah Ruzztia?" Tanong nya sa'kin.
'Gusto kong mag-mall! Gusto kong mag-window shopping!' Gusto kong isigaw sa mukha nya 'lyon dahil bagot na bagot na ako sa condo nya. Pero nalito ako dahil sa pagtawad nya sa akin ng buong first name ko.
"Don't you ever call me at my complete first name." Inirapan ko sya bago muling bumalik sa pagtitig sa mga tao sa swimming pool.
Naiinis ako dahil sa kanya. Pero kinakabahan ako dahil hindi ko kailanman sya kinausap ng ganoon. We only fucked then cuddle.
"I'm sorry..." Sincere nyang pagkasabi bago dinampot ang kanyang attaché case na nakapatong sa kama.
"Use this wherever you need to buy something," sabay abot ng isang card na may pangalang Azaleah Ruzztia Monte Sylverio in a gold italic bold letters.
Tiningnan ko lang iyon at tsaka bumaling sa kanya.
"Lunch ng 11:30, shopping ng dalawang oras at umuwi ng 6:00 ng hapon." Iyon lang at tuluyan na syang umalis.
BINABASA MO ANG
The Company series 1; Faithfully Fixed
Teen FictionAzaleah Ruzztia Monte, a careful daughter of a businessman who's been experiencing a greatest and heavy day from her own family. Every time she tries impressing her family, it turns out bad. Laging sya iyong naghahanap ng pagmamahal mula sa kanyang...