Kahit tanghaling tapat ay bumyahe ako. Galit na galit ako. Hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman mula sa mga nangyari. Gulong-gulo at walang ibang pumapasok sa utak kundi ang imahe ng kapatid ko... iyong mga sinabi nya. 'Yung kay Avery at Kane. Kung papano sya ngitian ni Kane...
Kung papano hawakan ni Avery ang bisig ng asawa ko. Kaya nyang pakalmahin ang asawa ko na minsang di ko naisip kung nakaya ko ba...
At si Caley? Gusto nya si Kane?
Pumikit ako ng mariin at muling napaisip.
Si mama, si papa at si Ate Caley...
A definition of a perfect family.
Masaya sila na wala ako... at mas sasaya sila ngayong 'di na nila ako nakikita.Halos balutin ako ng pagkamuhi at galit ang buong sistema ko. Sugatan ako...
At hindi ko alam kung kaya ko pang lumaban."Miss, nandito na po tayo." Anang taxi driver. Kinuha ko ang wallet ko at nagbayad.
"Keep the change, Manong. Salamat!" Saad ko bago nagpatuloy sa paglalakad papasok ng gate.
"Salamat po, Ma'am!" Pahabol pa nito.
A house with three floors? Magkano naman kaya ang ginastos ni Daddy dito? Kulay white ang mismong gate nito at ang bahay ay medyo light brown.
Pumasok ako sa loob gaming ang susing ibinigay ni Dad. Nakatiles ang buong bahay at may mga gamit na din.
Muli akong napabuntong hininga...
Ano nang gagawin ko?
Nakatulog ako ng 'di pa kumakain kaya naman napabangon ako nang biglang kumalam ang aking sikmura.
"Tsk! 'Di nga pala ako nakapamili ng groceries." Nasapo ko na lang ang mukha ko at nagtiis sa iisang cupnoodles na nabili ko pa kanina sa byahe.
Dead Battery na din ang cellphone ko at ayaw ko rin naman iyong buhayin.
Ayokong magreply sa mga chats nila. Bihira naman siguro ang maghahanap sa akin. May iilan pero 'di lahat.Sigurado naman ako na nagsasaya na sila sa pag-alis ko. Lalo na ang mga Sylverio.
It's because nakuha na nila ang company, nasaktan pa nila ang isang Monte. Papalubog na ang kompanya ni Dad. Tinanggap ni Kane ang proposal dahil alam nya na kayang nyang palaguin iyon at tuluyang makuha.
Sina Dad masaya na din siguro dahil wala ng pabigat sa kanila. Wala na ang imperfect nilang anak.
Ang mga Sylverio paniguradong doble ang saya, except me...
I'm a f:cking Sylverio for busuness.
"They hit two birds in one stone, one day I'll those birds of yours, Kane. You asshole!" Bulong ko sa sarili ko.
Natulog ulit ako.
Nang mag-umaga ay naligo ako at nagbihis. Mamamalengke ako ngayon. Baka magwindow shopping na din.Maraming tinda sa palengke pero hindi katulad ng sa Manila na maraming tao at mga nagtitinda.
This place was peaceful and clean unlike where my happy family and my husband live.
"Miss! Bili ka na." Aya sa'kin ng isang Manang na nagtiyinda ng isda. Naalala ko tuloy si Nanay Amy...
Nag-aalala na siguro sya sa'kin. Sya na ang tumayong ama't ina sa akin. Sya lang ang nagmamahal sa akin kaya paniguradong nag-aalala na iyon.
Five days dies down and there's no Kane knocking on my door.
Susuko na ba ako?
No Kane telling me to come back on his house.
No Kane saying 'i love you'.
Bitterness crept on my lips. Mahal ko talaga...Napangiti na lang ako at muling sumimangot.
Mukhang nasanay na akong bumuntong hininga. Dahil sa tuwing may mabigat akong mararamdaman, iyon lang ang kaya kong gawin para makalma ang sarili.
Nagcharge ako ng phone at may iilang mensahe na lumitaw sa aking screen.
Dad:
Az, nasa bagong bahay ka ba?Dad:
Naiintindihan ko. Ipagpabuti mo muna na dyan na manirahan. Masyadong magulo dito.Dad:
Az, 'wag ka na munang bumalik.Napangiti ako sa mga text ni Daddy. Kahit papaano ay gumagaan ang loob ko. Mas lumalakas ang pag-asa ko na deserve ko ring mahalin kahit hindi na ni Kane basta kay Daddy.
Ilang mensahe pa ang nareceive ko pero hindi ko na binasa pa.
Galing iyon sa office, sa secretary ni Daddy, sa iba kung close friends at sa kanya.
Kane:
Where the fvcking hell are you?Galit kong pinatay ang cellphone ko. Galit ako sa kanya. Sobrang galit.
Galit ako sa panloloko nya sa'kin. Sa pambababae nya at sa panloloko nya sa pamilya ko.
Maybe...it's...
Painful but worth the pain.
BINABASA MO ANG
The Company series 1; Faithfully Fixed
Teen FictionAzaleah Ruzztia Monte, a careful daughter of a businessman who's been experiencing a greatest and heavy day from her own family. Every time she tries impressing her family, it turns out bad. Laging sya iyong naghahanap ng pagmamahal mula sa kanyang...