PART TWO

425 23 1
                                    

UOIEA'S SECRETS

-

PART TWO

.

"Uoiea!"

Hinihingal kong hinablot ang braso niya. Tinitigan ko lang siya ng ilang minuto saka ko siya hinila ulit papasok ng elevator. Kakalabas niya lang kase kanina doon ng abutan ko. Mabuti nalang ay dalawa ang elevator sa building na ito.

"Ah..."

"Ssh." Sagot ko para matahimik siya.

Hinihingal pa rin ako dahil sa pagmamadali. Mahigpit rin ang pagkakahawak ko sakaniyang braso. I'm scared that she'll run away.

Tahimik naming binaybay ang daan pabalik ng condo unit ko.

Pagkapasok ay hinila ko muli siya paupo sa kung na saan ang pwesto namin kanina.

"Diyan ka lang. Huwag kang aalis." Pagbabanta ko.

Mamaya ko nalang siya kakausapin, after I cook. I know that she's hungry too.

Habang nagluluto, pasilip silip ako sa sala at baka umalis siya ng hindi ko namamalayan. Pero kada silip ko ngumingiti lang siya sa akin na kinaiinis ko lang lalo.

"Ano bang problema ng batang iyon? Tsk."

Hindi na muli ako nag tangkang sumilip pa, tinapos ko nalang ang niluluto para makakain na. Kailangan ko ito para umayos ang takbo ng utak ko. Baka gutom lang ito kaya kung ano ano na nagagawa kong katarantaduhan.

Matapos kong mailagay ng maayos iyon sa lamesa ay nilapitan ko siya.

"Kumain muna tayo." Seryoso kong sabi. Pero titig niya lang ang kaniyang sagot. "Hey, I said let's eat. Gutom na ako at wala ng energy para makipagtalo pa sayo."

"Ah... Okay." Sagot niya saka tumayo at sumunod sa akin.

Tahimik kaming kumain, hindi na ako nag aksaya pa ng oras para tingnan siya. Gutom ako.

Ininom ko ang isang basong tubig ng matapos kumain. Doon lang ako nagkaron ng lakas ng loob para tingnan siya. Nagulat ako ng hindi niya pa nakakalahati iyong kakarampot na pagkaing sinandok niya.

Nabubusog ba siya diyan? Kaya ang payat niya siguro kase kakarampot kung kumain.

Nang mapansin niyang nakatingin ako, ngumiti ulit siya saka sumubo ng makakain.

"Okay, let me clear something. Tinanggap kita dito hindi dahil sa inaalok mo. Tinanggap kita kase naawa ako. As a person, I don't want to put you in danger. Konsensya ko pa kung tinanggihan kita tapos mapunta ka sa mga halang ang kaluluwang sasamantalahin iyang inaalok mo." Inabutan ko siya ng tubig ng makita kong tapos na siya. "And to make you stop from pursuing your proposal, may nagugustuhan na ako okay? Ilang taon ko na siyang nililigawan at ayokong masira iyon dahil lang sa batang katulad mo. I'm already 27 years old for god's sake!"

Hindi siya nag react. Para lang akong nakikipag usap sa bato.

Nakakainis.

Kakamot kamot ako sa batok na nag aantay ng sasabihin niya. Pero wala. Nakangiti lang siya sa akin.

Napapikit ako sa inis.

Ano ba naman itong napasok kong problema. Ang sakit sa ulo!

"Fine. Wala kang sasabihin?" Pagsuko ko para macontrol ang pagkainis sakaniya.

Umiling lang ito.

"Alright. Maari kang manirahan dito pansamantala kahit kailan mo naisin, kapag ready kana umuwi sa inyo, magsabi ka lang at ihahatid kita. Hindi maganda sa batang kagaya mo na naglalayas sa bahay. Siguro may misunderstanding lang kayo ng magulang mo. Hindi ko tinotolerate ang paglalayas mo pero kung iyon ang mas ikakabuti mo gagawin ko." Tumayo na ako saka muli siyang hinarap. "Marunong ka naman siguro maglinis ng bahay? Iyon nalang siguro kapalit ng pagtira mo dito. Kailangan pagkarating ko galing trabaho, malinis itong buong condo unit ko."

Uoiea's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon