PART ELEVEN

386 22 11
                                    

PART ELEVEN

.

After the day Shanine and Piolo visit my house, also to meet Uoiea, something unexpected happens to Uoiea. She's like, avoiding me for a week now?

Hindi ko maintindihan kung bakit, wala siyang sinasabe, though, sanay naman talaga ako na tahimik siya all the time, pero iba yong ngayon. Hindi niya ako pinapansin, kinakausap o kahit tumingin nalang sakin kapag ka tinatanong ko siya.

This is a punishment, I can't handle it anymore. Damn.

Bumangon ako, after a couple of hours arguing with myself. Kung lalapitan ko ba siya or hayaan ko nalang na ganito. This is what you want right?

Palabas ako ng pinto ng tumunog ang phone ko, a call from my love. Awtomatikong napangiti ako sa nagflash na picture at name sa cellphone ko.

"Hi, good morning my love." Pagsagot ko sa call habang naglalakad sa labas. Nawala naman agad ang ngiti ko ng mabungaran ko sa labas ng pinto si Uoiea na nanonood sa sala.

Ang mga mata ay tutok sa TV, sinusundan ko lang siya ng tingin habang palakad ako palapit. Sinadya ko rin na sa harap nya mismo dumaan para pansinin ako, but nothing. Nag igting ang panga ko sa inis. Nagdere-deretso na lamang ako sa kusina. May mga nakahanda na doong makakain na sa tingin ko'y niluto niya bago siya nanood.

"Hey." Sabi ng nasa kabilang linya at sinabayan pa ng mahinang bungisngis. Kahit ipilit kong ngumiti, hindi na talaga kaya dahil sa inis na nararamdaman.

"Yeah?" Mahinang tanong ko habang nagsasandok. Binaba ko ang phone at nilagay sa loudspeaker para magkarinigan kami ni Shanine. "Are you done with your breakfast?" Tanong ko.

"Yup. Ahm..." Napakunot noo ako sa gusto pa nitong sabihin. "I miss you, Ali."

Mabilis pa sa alas kwatro na pinulot ko ang phone, "what?"

"Wala!" Saka tumawa si Shanine, kay sarap pakinggan sa aking tainga, parang musika na humihele sa akin. Nawala ang inis sa buong katawan ko at bumalik ang masiglang ngiti. "Sige na, see you later sa work." Saka ko narinig ang pagpatay ng call.

I miss you too.

Yon' yong gusto kong sabihin sakanya pero nawalan nako ng chance dahil pinatay niya agad. Napakagat pa ako sa labi habang ini-imagine na magkikita kami mamaya. Nagmamadali na rin akong kumilos para makapasok na agad.

Nag aayos nalang ako ng buhok, pagtapos ay ready na ako. Muli kong tiningnan ang sarili sa salamin bago nagdesisyong umalis ng kwarto. Muling pumasok sa isipin ko si Uoiea, magmula ng marinig ko iyong 'I miss you' galing sa pinaka mamahal ko, parang nabura ang lahat sa isipan ko, kasama siya.

Nilibot ang mga mata ay, wala akong makitang Uoiea sa paligid. Kaya hinagilap ko muna sa bawat sulok ng bahay bago ako umalis. Nang hindi ko makita kahit pa sa kwarto niya, lumabas na ako.

Hindi ko na lang sana papansinin at mali-late na rin naman ako pero nag aalala ako para sa bata. I know something happened last week, but I didn't pay attention because' I don't want to think about her anymore. Akala ko okay na yon, na okay lang kase pake ko naman diba? Pero yong ganitong nagagawa niya na rin lumabas labas ng bahay na hindi nag papaalam, hindi okay yon.

Paano kung may mangyari sakaniya dyan sa labas? Paano kung may dumukot sakaniya? Edi kasalanan ko pa, kargo konsensya ko pa.

Kinamot ko nalang ang noo sa inis. "Bahala na nga siya, bakit ba kailangan ko pang problemahin pati iyon."

Pinindot ko ang ground floor. Pumasok sa loob at pasilip silip ako sa wristwatch ko, maaga pa naman pero gusto ko lang pumasok ng maaga dahil... tangina?

I saw Uoiea, smiling widely, twinkling eyes and her red cheeks shows that she really like that fucking dickhead.

Nagpupuyos sa galit na naglakad ako ng mabilis palapit kila Uoiea at Piolo. "What the fuck are you doing here?" Madiin ang pag kakabigkas na tanong ko rito. Hinila ko rin ang braso ni Uoiea at itinabi sa likod ko.

Patawa tawa naman itong lumingon sa akin. "Hey man, good morning." Nakangiti pa nitong bati. Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang ng madilim. "Chill Ali, ang OA mo tumingin ha. Tingnan mo, tinatakot mo si Uoiea, gago ka." May kasama pang pabirong tawa pero nakikinita ko rin sa mga mata niya na seryoso siya sa mga binibitawang salita.

"Ikaw ang gago, what are you doing here?" Iniwas ko ang tingin sakaniya saka lumibot ang tingin sa building na tinatayuan namin. "You have work to attend with, right? Hindi naman mukhang office building to, so bakit dito ka dumeretso?" Pa ismid ko siyang nilingon. "Ang aga mo mambwisit ha."

Mas malawak pa sa langit ang ngiti nito, na siyang kinainit ng ulo ko. "Ay hindi ka na-inform, brother?" Kunot noo ko siyang tiningnan. Hindi ako sumagot kase nabubwisit ako sa pagmumukha niya, ang sarap niyang burahin sa mundo. "To tell you honestly, nag file ako ng vacation leave for a whole week. And kaya ako nandito kase nag promise ako kay Uoiea na ipapasyal ko siya."

"No." Matigas kong sabi saka hinila na ang kamay ni Uoiea pabalik sana ng elevator. Ngunit nag matigas ito at hindi man lang natinag sa pagkakatayo. Hindi siya nakatingin sa akin. Nararamdaman ko rin na gusto niyang bawiin ang kamay sa pagkakahawak ko pero mas malakas ko siyang hinila para mapasunod sa akin.

"Bakit ikaw ang nagdedesisyon para sakaniya? She has a choice, Alixer. I'm not backing down just because you're my friend." Piolo retorted, his hand gripping my arm hard enough to show his veins. The atmosphere crackled with the unspoken rivalry that had been building for a week.

"You know what? Fuck off." Mahina at madidiin kong sabi, huling pasensya ko na ito kaya sumunod siya sa gusto ko kung ayaw niya ng gulo.

"Why should I? Mukha ngang ayaw sumama sayo ni Uoiea. Why don't you ask her first? At saka, may pasok ka pa diba?" Pilit itong tumawa para mawala ang tensyon. "Hinihintay ka na ni Shanine don panigurado."

Bumuntong hininga lang ako na parang walang naririnig. Umiling lang ako saka tinitigan ang braso nyang nakahawak sa akin. "Mind your own business." Saka ko malakas na inalis ang braso niya, nag-iwan pa ng pamumula sa higpit ng hawak niya kanina sa braso ko.

Lalakad na muli sana, ngunit sa gulat ko ay nakalas ni Uoiea ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Tumakbo ito sa likod ni Piolo, na kinangisi nito sa akin.

My jaw clenched, confronted him with a fiery gaze. "You've been trying to win Uoiea over behind my back, huh? but she's not interested, man. Please just back off." Sabi ko na nagtitimpi ng galit, lalapit sana ulit kay Uoiea para makuha siya, ngunit iniharang ni Piolo ang katawan niya sakin.

Napatingala nalang ako sa sobrang pag-iinit ng bunbunan ko. In the past years na kaibigan at kawork ko si Piolo, never kaming nag away ng malala. Ayaw kong nag aaway kami ng ganito, pero inuubos niya ang pasensya ko.

Tinitigan ko siya para alam niyang hindi nako natutuwa, kung ano man ang binabalak niyang pang aasar pa lalo sa akin, makakatikim siya ng kamao. Inilipit ko ang tingin sa bata. Galit at nang hahamon. "Uoiea, let's go."

Wala itong reaksyon na nakatingin lang sa likod ni Piolo. "Wala ka bang tiwala sakin Ali? Ipapasyal ko lang naman yong bata, mukha ba akong gagawa ng hindi mabuti? Oh, come on dude!"

"Sayo meron, pero sakaniya wala." Matigas kong sabi sabay tingin kay Uoiea. "Hindi mo alam ang kwento kung paano ko siya nakilala, kung paano siya napunta sa condo ko, kaya bakit ba ang laki ng tiwala mo diyan? Isang araw mo palang siya nakilala Piolo, kaya gumising ka nga sa katangahan mo!" Nawalan nako ng pasensya. Wala na akong pake kung sino man nasasaktan ko, hindi ko gusto itong galit na nararamdaman ko kaya ipaparamdam ko rin sakaniya, kay Uoiea.

Bigla ay nag-iba ang itsura ng kaharap ko, nawala ang ngiti at walang emosyong nakikita. Hindi ko mawari kung ano ang nasa isip niya. I also looked at her, nothing's changed on her reaction, she's just bowing her head looking straight on the floor.

"Hindi ko alam kung nag aalala kaba talaga sa akin, but I can't help it if she enjoys my company. Maybe you're just not giving her what she needs. Kaya ayaw niya sayo." Piolo shot back, flashing a smirk on his face.

My mind went blank. All I want to do right now is punch his shit face with my fist.

***

Popcorn kayo dyan, mainit init pa. HAHAHAHAHA

Ms. Momo ❤️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Uoiea's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon