PART FIVE

439 40 17
                                    

PART FIVE

-

"What?"

Hindi na ako magtataka kung bakit gulat na gulat siya. Well, if ever I'm in his position, shock is all over my face too.

"Pre, hindi ko alam kung matino pa ba iyang pag iisip mo o ano e. Bakit mo naman naisipang pumayag na dalhin iyang bata sa pamamahay mo? Hindi yan kuting na para bang basta mo nalang amponin." Muli nitong dagdag.

"I know, I know." Napahawak ako sa ulo at napapikit. "Pero kase andyan na e. Naawa rin ako sa kakalagyan niya if incase hindi ako yong naofferan niya."

"Alam kong naawa ka, na tao ka lang din at maawain. Pero hindi mo ba naisip na dalhin siya police station? Or DSWD? Or whatever na makakatulong sakaniya? Hindi mo naman kase siya kamag anak para sa bahay mo mismo itira Ali." Bumuntong hininga ito saka sumandal sa sariling swivel chair. "I'm not against with you being a hero, but I'm just concerned to you Ali. Paano kung nakalabas ito sa ibang tao? And what? 16 years old kid na nasa poder ng stranger, I'm sure, you will be in jail pre."

Silence reigned over us. He kept his eye all over me, while, I'm holding on to my senses and troubled by the stress.

"Ugh..." Inis kong ginulo ang aking buhok saka siya hinarap. Sumandal rin sa aking swivel chair. "Then, if you will be in my situation, what you will do?"

Gusto kong makarinig ng maaring solusyon. And Piolo's answer might be a help for me to get over this problem.

"Simple. Think of someone important to me."

Naguluhan ko siyang tiningnan. "What? Can you elaborate it, kase hindi ko maintindihan pre." Inis kong sabi sakaniya.

"Sino bang tingin mong importante sayo? Diba si Shanine? So, kung malaman ito ni Shanine, ano nalang sasabihin niya sayo? Ano nalang iisipin niya sayo? Just think of it pre."

Fuck. I always forget Shanine. Tama naman siya. Kapag ba nalaman ni Shanine ito, mukha bang matutuwa iyon? Hindi. Mukha bang sasagotin niya ako? Hindi. At masasaktan ba siya? Of course, Alixer!

"Habang maaga pa, pagisip isipan mo na yan. Ako, bilang matalik mong kaibigan, hindi magsasalita kahit kanino man. Pero always remember pre, na kapag may nakakita at nakaalam niyan, ang chismis may pakpak, mabilis kumalat. At madalas nag e-evolve pa, may halo na sa kwento na malayo sa original."

Bumuntong hininga muna ako bago muling napatiningin sa screen ng computer. "Sa tingin mo ba..." Humarap muli ako sakaniya. "Maiintindihan ni Shanine kapag sinabi ko iyong totoo?" Seryoso kong tanong.

"Kung babasehan iyong personality niya, maybe yes pre?" Patanong niyang sagot. "Kase sobrang bait ni Shanine, pero hindi kase natin masasabe e. Malay na natin if ayaw niya ng ganon or what diba."

"You have a point. " Tatango tango kong sagot. "Pagiisipan ko muna ito bago ako magdedesisyon. Thank you pre." Sabi ko dito saka tinapik siya sa balikat.

"Basta ba libre mo e, solve na." Biglang pagbibiro nito.

"Palagi ka nalang nagpapalibre, saan ba napupunta iyang sinasahod mo at palaging para kang namumulubi?" Pang aasar ko rin.

"Wow? Baka gusto mong i-chismis ko sa kompanyang ito, iyang nililihim mo ha Mr. Villaruel?"

"Is that blackmailing?" Masama ang tingin kong pagbibiro. Malakas na tawa lang ang isinagot nito na kinasita sa amin ng iba pang empleyado roon.

"Ligalig mo Alixer, libreng coffee lang e, napakadamot." Mahina at simangot nitong sabi sa akin.

"Mayaman ka naman hooman, kaya mo bumili." Sabi ko nalang at muling pinagpatuloy ang pagtitipa. Medyo gumaan rin ang kalooban ko dahil may napagsabihan.

Uoiea's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon