GABRIEL
Enero 31, 2013Nakita ko sa iyong mga mata ang pagmamahal mo sa iyong pagguhit. Puno ng admirasyon at walang oras ang nasayang sapagkat dama ko ang iyong saya. Nakatayo mula sa malayong gilid, sumasayaw ang mga dahon ng puno kasabay ng nakasisilaw mong ngiti.
Nakita kitang minsang luhaan kaharap mo ang mamahaling kompyuter at isang libro ang hawak sa kabilang kamay. Ibang-iba sa manghang itsura mo tuwing ika'y gumuguhit.
Kung maaring pagmasdan ka ng walang humpay ay baka ginawa ko na. Kung hindi lang sa hudyat ng kampana nagsimula akong humakbang paatras 'di pa rin inaalis ang titig sa iyo.
Kakayanin mo iyan, iyan ang huling katagang binulong ko sa hangin bago unti-unting tinalikuran ang pigura mong unti-unting lumiliit sa layo ng ating distansya.
YOU ARE READING
Ben and Ben Series #5: Sa Susunod na Habang Buhay
FantasyBen&Ben Series #5: Sa Susunod Na Habang Buhay by 4sterisa Olivia Phoebe Garcia an Archi student who's nothing but a responsible student and daughter, fell inlove with someone who she isn't supposed to. It turned her life into a circus. As she try to...