Kabanata 1

28 4 9
                                    

"Phebie Garcia!" Isang umaalingawngaw na sigaw ang narinig ko mula sa malayo. Napaayos ako ng upo. Narito ako sa kubo, naisipan kong tumambay rito nang nag recess, bukod sa napakaraming plates ang hinabol ko kagabi, hilig ko ang mag procastinate. Minsan tulala sa kawalan, nawawalan ako ng focus.

"Estupida!" dagdag pa niya. Nasapo ko ang noo ko nang narinig ang kaibigan. Inirapan ko siya at sinabit ang bag sa aking balikat bago naglakad palapit sa kung nasaan siya.

Tinaasan ako ng kilay ng bakla kong kaibigan, 'di tulad sa akin na archi student, engineering naman siya. Maganda ang tindig, may itsura pero mas mahilig pa sa mga lalaki kaysa sa akin. Noong una kong nakilala ay akala ko nga totoong lalaki. Nagkagusto nga ako sa kaniya at malamang ay nagpatuloy sana iyon kung 'di ko nalaman na pareho kami ng gusto.

Pero hindi naman siya tulad ng iba na kung umasta ay babae kaya siguro may mga nagaakala na straight siya at hindi "fruity" kung tawagin niya. Umirap ako sa naiisip.


Nasagip ng mga mata ko ang nagkukumpulan na estudyante sa building namin. Ano meron? Katapat lang ng building namin ang Engineering building at mas madalas naman tumambay amg mga estudyante sa building ng Engineering kasi marami raw pogi roon. At isa pa itong kaibigan ko na lagi akong hinihila doon tuwing vacant.


"Anong pinaglukukarets niyo d'yan mga marites," sambit niya sa maarteng boses na parang pinapahiwatig na ayaw niya ang ginagawa nila sa tapat ng building namin.


"Results ng exam ng Engineering and Archi students!" sigaw ng isa.


Pareho na nanlaki ang mata namin at agad na nakipagsiksikan sa kumpulan ng tao. Pero agad na dumapo ang mata ko sa malaking papel kung saan nakatatak ang pangalan ng mga Engineering students 4th year. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo nang nakita ang pangalan niya. "Hermes Gabriel Villegas - 1.0 Passed" kung maipapahiwatig lang ng malinaw ang reaksyon ko. Laglag ang panga hanggang sa sahig na kailangan pang itapat ni Martin ang kamay niya sa mukha ko. Agad ko siyang kinalabit at nginuso ang grade ni Gabriel.


Ngayon ko lang narealize na ang pinunta ng karamihan dito ay para makiusisa sa grade ni niya kaysa sa grade nila. Huminga ako ng malalim bago sinulyapan ang grades ko. "Architecture 3-" bumagsak ang mata ko sa pinakaunang pangalan na nakita.


"Let's go," narinig ko ang kaibigan ko. Hindi ako kumibo. Pinagmasdan ko ang pangalan ko sumunod sa unang pangalan na nakatatak sa papel. "Olivia Phoebe Garcia - 1.50 Passed"


Parang may bumara sa lalamunan ko habang pinagmamasdan ang grades ko. Kinalabit ako ni Martin. "Phoebe." Tumindig ang balahibo ko sa mababang boses niya. Tumango ako.


Pangalawa ako sa highest, pero alam kong hinding-hindi makukuntento ang mga magulang ko doon. Kahit na sigurado akong ginawa ko naman ang lahat para masagot ang lahat ng tanong sa exam parang may kulang pa din. Siguro tama nga si Martin. Mas tinutuon ko ang focus ko sa mga plates ko kaysa sa mga exams. Alam niya namang mahina ako diyan.

Bumuntong-hininga siya sa tabi ko. "You did great," baritonong boses ang narinig ko. Tumaas ang tingin ko sa taong nakasandal sa may poste ng hallway. Nakahalukipkip siya ang specs na suot ay nakapatong sa ulo niya. Isa siya sa mga studyanteng kinamamangha ng mga magulang ko. He's smart, good-looking and good-built body, but... isang disadvantage na nakikita nila ay dahil hindi tanyag ang pamilya nila.


"HERMES Gabriel Villegas." Tumango-tango si Mommy. "Good grades huh. Engineering? Phebie?" tiningnan ako ni Mama sa gitna ng salamin niya. Umangat ang tingin ko sa kaniya mula sa plates ko. "Yes mom," mahina kong sambit. Lagi niyang binabanggit ang pangalan niya dahil palagi niyang hinihingi sa admins ng school namin ang grades ng Engineering and Architecture students. Siguro dahil may-ari kami ng isang Architecture Firm. I used to be so proud about it. But never did I brag about owning a firm.


Ben and Ben Series #5: Sa Susunod na Habang BuhayWhere stories live. Discover now