Chapter 2

201 7 3
                                    


Xyrene's POV

Kinakabahan na ako sa mga nangyayare, hindi ko na alam ang mga kinikilos nila. Mas lalo akong kinakabahan para sa anak ko. Ang bilis pa ng takbo ng sinasakyan namin, buti nalang nakatulog si calibre sa hita ko.

Si Azu ang nagmamaneho ng sinasakyan namin habang 'yung iba nagmamasid sa labas ng bintana.

"Siguraduhin niyong wala makakasunod sa atin." Utos ni Bryan na nasa tabi ni Azu na tinanguan lang ng lahat at nagngitian.

Anong bang pinagsasabi nila? Bakit naman may susunod sa amin? Buti nalang talaga tulog si calibre dahil ayaw ko siyang matakot, lalo na may dalang baril 'yung mga tito niya. Baka pangarapin na naman ng anak kong matutong humawak ng baril.

Kalahating oras 'din ang inabot ng byahe namin. Ang tagal naman, e mga limang minuto ko lang tinakbo 'yung puntod ni Zayn kanina.

Magtatanong na sana ako pero hindi nalang dahil napakaseryoso ng mga mukha nila. Mamaya nalang total magpapaliwag naman sila sa akin.

Pansin kong bumabagal na ang takbo ng van at napapalagay na 'din ang mga mukha nila. May sumilay na ngiti na 'din sa mukha ni Azi na napakaseryoso kanina.

"Muntik na tayo 'dun, buti nalang talaga naunahan natin sila. Ang lakas ng loob na puntiryahin ang mag-ina ni boss." Sabi ni Bryan na ngumiti sa akin ng bahagya. Talagang nanganganib ang buhay naming mag-ina? Kung totoo man kailangan na pala naming mag-ingat ng anak ko.

"Diyan sila nagkakamali dahil hindi papayag ang mga Z lion. Gagawin natin ang lahat para maprotektahan ang naiwan ni boss." Sabi naman ni Azu na humarap sa akin kaya napangiti nalang ako dahil pinapahalagahan talaga nila ang samahan nila bilang magkaibigan.

Napatingin ako sa relo ko dahil parang ang tagal ng byinahe namin. Nagulat ako ng lumagpas na kami ng isang oras. Magtatanong na sana ako ng huminto na ang van at nagsilabasan na silang lahat.

Kinuha muna ni Josh si Calibre at kinarga sa balikat niya habang inalalayan naman ako ni Azi na bumaba ng van.

Namangha pa ako dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar. Kaya pala lumagpas ng isang oras ang byahe namin. Ang ganda pa ng paligid at ang sarap ng simoy ng hangin.

Nasa harapan ko naman ang malaking bahay na may malaking bakuran. Napapaligiran pa ito ng makukulay na bulaklak. Gusto ko tuloy tumira sa bahay na 'yun. Nagtataka tuloy ako dahil wala ng bahay ang nakatayo bukod sa bahay na nasa harapan ko ngayon.

"Bakit nandito tayo? Anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanila na sana may sumagot.

"Nandito tayo sa batangas. Pagmamay-ari ang lupain na ito ni boss. Balak niya dati na dito kayo manirahan kapag maayos na ang lahat pero nawala nalang sa isang iglap." Sagot naman ni Azu na ngumiti ng mapait. Kaya bumuhay ulit sa puso ko ang sakit ng pagkawala ni Zayn.

"Pinatayo niya itong bahay para sayo. Maraming plano si boss na sinayang ng panahon. Kaya tumira kayo dito Xy, para kahit ganun may natupad si boss sa isa sa mga pangarap niya para sayo." Si Azi naman ang nagsalita. Alam na alam talaga nila ang bawat isa, buti na 'din 'yun dahil kung hindi nila alam. Walang makakaalam na may bahay si Zayn sa batangas na pinatayo para sa amin.

Mahal na mahal talaga ako ni Zayn. Simula pa 'nung una sinubaybayan niya na ako hanggang sa paglaki ko. Walang man lang akong kaalam-alam kaya napakasama ng trato ko sa kaniya dati.

Hindi ko lubos maisip na ang dating lalaki na kinasusuklaman ko ay may koneksiyon na pala sa akin sa simula palang. Ang lalaking mamahalin ako ng walang hinihinging kapalit pero anong ginawa ko sinayang ko lang.

New Life With The Mafia Boss [ONGOING]Where stories live. Discover now