Chapter 6

143 7 10
                                    

Bryan's POV,

Nandito ako ngayon sa puntod ni boss kasama ang tatlong tauhan namin. Balak kong ipahukay sa kamila ang labi ni boss. Walang sinuman ang nakakaalam sa plano ko dahil hindi ko 'rin naman pinaalam sa kanila lalo na kay boss Xy. Alam kong hindi siya papayag sa gusto kong mangyare kaya ililihim ko muna ito sa kanila.

IpapaDNA ko lang naman dahil malakas ang kutob kong buhay pa si boss at mapapanatag lang ang loob ko kapag nagawa na namin ito.

"Sige, simulan niyo ng maghukay para matapos agad." Utos ko sa kanila na agad 'din namang tumalima. Nagmasid lang ako sa paligid ng may maaninag akong isang lalaking nagmamatyag  sa ginagawa namin.

Itim lahat ng pananamit neto kaya hindi siya gaanong naaaninag sa dilim, pero kahit madilim pa hindi iyon hadlang para hindi ko siya mapansin.

Wala na akong hinintay pa at tinakbo agad ang lalaki kanina. Nagpalinga-linga pa ako dahil ang bills niyang nakawala. Impossible isang tao lang ang alam kong ganun kabilis kumilos. Humakbang pa ako ng may makita akong isang pamilyar na panyo kaya dali-dali ko itong kinuha.

Binuklat ko pa muna at bumungad sa akin ang mukha ng isang mabangis na lion na hindi ko inaasahang makikita ko pa ulit. Isang tao lang naman ang alam kong nagmamay-ari neto, kaya ngayon palang sigurado na ako sa kutob kong buhay pa siya. Lahat kami ay may ganitong klase ng panyo, pero ang kay boss lang ang naiiba dahil lion lang ang sa kaniya habang  sa amin ay may tiger.

Itinago ko muna ang panyo sa bulsa ko at binalikan ang tatlo na ngayon ay nagpapahinga na sa tabi.

"Negative, walang laman ang kabaong." Sabi ni Justin.

"Paano nangyare 'yun?" Si Clark naman habang si Ace ay walang imik napagod siguro sa kakahukay. Siya ang bago naming tauhan halos mag-iisang taon na 'din siya sa organisasyon namin.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan na buhay pa si boss, marami na akong patunay na malaki ang posibilidad na buhay nga siya. Gusto kong tayo lang muna ang makakaalam sa bagay natu. Wag niyo munang ibalita sa iba hanggang hindi pa natin nakikita si boss. Yun ang  gagawin natin ngayon ang hanapin siya at ibalik sa organisasyon. Kaya kong maaari magiging lihim muna ito sa ating apat." Sabi ko sa kanila na sinagot lang ng tango.

Pinauna ko na silang umalis dahil alam kong napagod sila sa paghuhukay na ginawa nila kanina. Bakit ngayon ko lang 'to naisip na gawin? Sana pala matagal ko na itong ginawa kung naisip ko lang sana ng Maaga. Tumingala nalang ako sa langit saka pumikit.

"Lord, tulungan niyo po sana kami na mahanap si boss kong totoong buhay pa nga siya. Boss Z bumalik kana kailangan ka ng mag-ina mo, kailangan ka grupo at kailangan ng buong organisasyon para matigil na ang lahat ng gulo." Hindi ko man lang namalayan na tumulo na pala 'yung luha ko. Hindi ko lubos maisip na hihingi ako ng tulong sa kaniya. Hindi kasi ako naniniwala sa kaniya dati pero 'nung ilang beses niyang niligtas ang buhay ko nawala lahat ng pag-aalinlangan ko. Lalo siyang tumitibay araw-araw.

Ace's POV,

Nagmamaneho na ako pauwi ng bahay ng biglang tumawag si boss.

"Ace, report to my office. ASAP!" Bungad niya sa kabilang linya.

New Life With The Mafia Boss [ONGOING]Where stories live. Discover now