us3 ' l, hs. ♡

54 1 0
                                    

extension to us3 [lee heeseung]

— ♡

"today.. is the day."

tinungga ni adley ang basong puno ng soju, habang mag-isang nakaupo sa pinaka dulo sa samgy resto kung saan siya kasalukuyang nandun. pagkatapos tunggain, padabog niyang nilapag ang baso sa lamesa at mahigpit itong hinawakan.

tumingin siya paligid, at tahimik na pinagmasdan ang mga tao..

puno ng masasayang tao ang loob ng resto, abalang umiinom ang iba, habang ang iba ay kumakain, na masayang nakikipag tawanan at kwentuhan sa mga kasamahan. iba at malayong malayo sa kasalukuyang nararamdaman ni adley, at ng puso niya.

"it's your death.. anniversary, daddy." mariing napapikit si adley, kasabay ng mabilis na pag tulo ng mga luha sa magkabila niyang mga mata.

"i miss you everyday, dad.. so much." sa pag lipas ng panahon, ni katiting na sakit simula nung araw na 'yon ay hindi iniwanan si adley. pakiramdam niya ay kakambal na niya ang sakit na naramdaman niya when her dad died.

hindi ito nababawasan, hindi 'to lumilisan dahil sa pag lipas ng araw, buwan at taon, mas nararamdaman niyang wala na sa kahit anong lugar ng mundo ang presensya ng dad niya. na tanging kasama niya, na tanging pamilya niya.

tahimik na umiyak si adley sa dulong pwesto na 'yon, at tahimik niya ring hinayaan ang patuloy na pag tulo ng mga luha na 'yon.

matagal na.. pero hindi parin siya sanay. hindi siya masanay sanay, at hinding hindi masasanay.

muli niyang tinungga ang basong pinuno niya ng soju, gamit ang pangatlong bote ng soju sa table ng pwesto niya.

"dad.. it's hard living here.. all by myself.." sa pag pikit niya ng mga matang basa dala ng luha, bumalik sa alaala ni adley lahat ng oras, at araw kung saan niya sinubukang tapusin ang lahat.

but she never succeeded, even once. thinking maybe her dad was with her the whole time, trying to stop her, whispering those words saying that she have to survive, she need to live for him.. just for him.

kaya if she can't be with him, and need to live for him..

"dad, please.. if i can't be with you for now, just give me someone.. someone na makakasama ko sa araw araw ng buhay ko.."

"i can't stand it anymore. living this life, alone.. i can't, anymore.." she continued sobbing as she quietly leaned on her table.

she was just silently drinking when suddenly, a man sat infront of her.

pilit inaninag ni adley ang lalakeng nakaupo sa harapan niya sa mga oras na 'yon. medyo nakakaramdam na kasi siya ng pagkahilo, ramdam niya narin ang pag init ng buong katawan niya.

"oh? mas lalo kang pumanget sa paningin ko, ethan lee." hindi naman mapigilan ni heeseung ang tumawa dahil sa kilos at way ng pananalita ni adley.

"kahit lasing, inaaway niya parin ako." napailing nalang si ethan sa nakikita, habang tahimik na pinapanuod ang lasing na si adley.

"pumunta ko dito para sana asarin ka pero.. umiiyak ka na agad." nagpalitan ang dalawa ng tingin. at sa mga oras na 'yon ay kitang kita ni heeseung ang lungkot sa mga mata ni adley.

"anong sabi mo?" hee started thinking kung bakit mag isa si adley sa lugar na 'yon, mag isang umiinom, wearing that skirt na sobrang ikli.

"hindi ba siya naiilang? pinapanuod na siya ng mga lalake kanina pa. tsk." gustuhin man niyang bigyan si adley ng pang takip, wala naman siyang mabibigay dahil tanging tshirt lang at simpleng pants ang suot niya sa mga oras na 'yon.

"𝕋𝕌𝕋𝕆ℝ" ʲᵒⁿᵍˢᵉᵒⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon