CHAPTER SIX

78 1 0
                                    

SPG ALERT BEWARE ⚠️⚠️⚠️ READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗

AGAD na ipinarada ni Rudny ang dalang sasakiyan sa isang banda ng parking lot ng condominium building niya pagkarating pa lang niya sa naturang lugar. Pasipol-sipol pa siya habang naglalakad papunta sa main entrance ng building.

"Goodevening Sir Aragon, siya po pala may tatlo hong babae ang dumating. Sinabi ng isa na kilala mo raw sila kaya pinapasok ko na, ipinakita rin niya kasi ang duplicate key ng condo niyo Sir,"magalang na pag-iimporma ng security guard na nasa harapan.

"Yes, thank you sa pag-aasikaso!"maiksing wika lang ni Rudny. Tinapik niya sa braso ang binatang security na hindi nalalayo sa edad niya.

"Sige po sir, akyat na kayo mukhang mapapalaban kayo ngayong gabi,"biro pa nito.

"Hindi naman business porpoises lang ang ipinunta ng mga iyon,"tugon lang niya. Naglabas siya ng sigarilyo. Agad naman sindihan ng security guard iyon gamit ang sariling lighter nito.

"Naku! sir noong isang araw lang ibang babae na naman ang naparito. Mukhang hindi kayo nauubusan,"dagdag pa nito.

Ngumiti lang si Rudny, tuluyan na siyang naglakad papunta sa elevator. Pinindot niya ang fifty five floor kung saan naroroon ang condo niya. Madiin niyang idinikdik sa trash bin na naraanan ang sigarilyo matapos niyang lumabas sa loob ng sinakyan na elevator.

Akmang hahawakan at ipipihit niya pabukas ang door knob ng pinto. Nang kusang bumukas iyon,  kasabay ng paghila sa kanya papasok nina Steph at Hailey na humahagikhik pa.

"Bakit ang tagal mo hmmm,"malambing na anas ni Steph na agad lumingkis sa matitipuno niyang dibdib.

"Sorry to keep you waiting, inihatid  ko pa kasi sina Bea,"maginoong paumanhin nito. Saglit niyang pinalayo ang mga ito upang tanggalin ang suot niyang leather jacket.

"Siya ba iyong brat na nanabunot kay Cleo."si Hailey na minamasahe pa ang balikat ng binata na tuluyan naupo.

Pasado alas-onse na pero nanatiling gising na gising ang diwa ni Rudny. Paano ba naman hindi siya gaganaan ngayong gabi, tatlong magagandang babae ang tiyak niyang makakasalo niya sa condo unit niya! At sobra na siyang excited para roon.

"Shut up Hailey! badtrip na nga ako inungkat mo pa!"inis na baling ni Cleo na panay ang lagok sa red wine. Nakialam na pala ito sa mini bar na naroon.

Agad naman tumayo at tumabi sa kinaroroonan na stool ni Cleo si Rudny.

"Easy sweety, don't stress yourself. Remember narito kayo sa place ko para mag-enjoy right?"Kasabay niyon ang pag-akbay niya sa babae. Nakasilver tube ito kaya malaya niyang nahihimas ang bilugan at malasutla na braso ng babae. Nag-umpisa na tuloy siyang libugan sa mga sandaling iyon.

"Of course Rud, so please make sure na mag-e-enjoy ako at ang mga sister ko sa performance mo kung 'di alam mo na ang mangyayari. Lalo at sinira ng babaeng iyon ang gabi ko, by the way sino ba iyon at basta-basta na lang nanunugod?"usisa ni Cleo na sumimsim sa basong hawak-hawak.

"Sorry for that, don't worry hindi na mauulit dahil pinagsabihan ko na siya. Don't mind her Cleo sweety, she's just the sister of my best friend Novice. Attention seeker lang siya kaya ganoon,"iyon na lang ang paliwanag niya sa babae. Para ito na ang kusang tumigil sa pagtatanong. Sa totoo lang ay napapagod naman na siya sa kaka-explain kung sino ba si Beatrice sa buhay niya sa ibang babae.

Halos limang taon na rin itong panay ang  habol ang ginagawa. Kung hindi lang niya inaalala ang pinagsamahan nila ni Novice ay tiyak niyang hindi niya kukunsintihin ang pinaggagawa ni Beatrice.

Mafia Boss Trapped (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora