MBT Season 2

12 1 0
                                    

TULUYAN ikinabit sa mata ni Beatrice ang itim niyang sun glass. Inalis na rin niya ang pagkakaseatbelt ng anak niyang si Jaxx Rube.

Isang stewardess ang lumapit sa kanilang dalawa ng anak niya.

“Thank you,” maiksing sabi lang niya matapos na kuhanin sa kamay niya ang ilan mga laguage na dala niya.

Nasa isang vip seats sila sa airplane na iyon. Ito rin ang unang flight nila ng anak niya mula ng umalis siya ng Pilipinas.

Sa pagtapak pa lang ng paa niya mula sa arriving area ay nakaramdam na si Beatrice ng kakaibang pagkasabik.

“Welcome back Bea!” Salubong sa kanya ng kuya niyang si Novice.

“Thank you kuya!” magiliw niyang sagot. Nagkayapan na muna sila nito at nagkamustahan ng ilang segundo.

Maya-maya ay agad bumaling ang pansin nito sa anak niya.

“Sa 'yo rin little Jaxx, welcome home!”

Napatitig ito kay Novice at inungusan lang siya.

“Naku! ganyan ka ba bumati sa Tito Novice mo hmmm... Aray!” Saka ito napatitig sa kamay na pinalo ng pamangkin niya.

Jaxx!” Saway ni Beatrice pinanlakihan pa niya ng mata ang anak. Ngunit inirapan lamang siya nito at tuluyan itong naglakad palayo sa kanila.

Pagpasensiyahan mo na ang pamangkin mo kuya. Mukhang masama lang ang mood niya," paumanhin ni Beatrice na tinulungan na sa pagbubuhat ng mga laguage nila.

“Okay lang sa ngayon ay kailangan na natin makauwi at makapag-pahinga kayo bago mo puntahan si Dad sa ospital,” wika ng nakatatandang kapatid.

Tumango lang din si Beatrice, hindi na siya nagkomento dahil sa totoo lang ay labis-labis siyang nag-aalala para sa kalagayan ng sariling ama. Inatake itong muli sa puso, ipagpasalamat na lang nila dahil hindi fatal ang nangyari rito.

Sa limang taon na hindi siya umuwi ng bansa ay hindi sumagi sa isip niyang magbakasyon sa bansang sinilangan.

Tanging ang Dad niyang si Don Vicenti at kapatid niyang si Novice ang bumibista sa kanya sa States.

Tuluyan kinuha ng kapatid niya ang mga laguage na dala-dala nila ng makarating sila sa kotse nito ito na ang kusang naglagay sa compartment.

Pumasok na sila sa loob ng kotse pagkatapos.

“Grabe ang init pa rin dito sa pinas,” nasabi ni Beatrice na nagpupunas ng tissue sa mukha.

Sinabi mo pa,” sagot naman ni Novice matapos na makapasok at tuluyan ini-start ang vehicle.

“Bakit ba kasi umuwi-uwi pa tayo rito!” inis na banggit naman ni Jaxx Rube na matalim na nakatitig mula sa labas. Kung saan kitang-kita ang napakabigat na daloy ng traffic.

“Baby, ayaw mo ba niyon bibisitahin natin si Lolo,” nasabi naman ni Beatrice.

“Bibisitahin? o mag-e-stay na tayo rito for good. Be honest mommy, totoo ba na hindi na tayo babalik sa States!” Mataas ang tinig na sabi ni Jaxx Rube.

Hindi naman nakapagsalita si Beatrice dahil tama ito.

“Bakit hindi ka magsalita Mom, totoo diba?” nagdaramdam na saad ng bata.

Wala na tuloy nagawa si Beatrice kung 'di magsabi ng totoo rito. Kilala niya ang anak ayaw na ayaw nito ng nagsisinungaling.

“Y-yes, kailangan na kasing asikasuhin ni mommy ang business natin dito. Can you please understand that ijo.” Pagpapaintindi niya sa bata.

Mafia Boss Trapped (Season I) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon