Chapter 15: Not Today

268 11 8
                                    

Calista's POV

Halos mabingi ako ng katahimikan, nasa biyahe ako kasama si Maverick nang sunduin ako nito biglaan sa bahay.

Bilang mag-isa lang naman ako sa bahay, sumama na ako. Huminga ako ng malalim at nilingon si Maverick.

Seryoso ito sa pagmamaneho, hindi masyadong mabilis, hindi rin masyadong mabagal. Kung tutuusin hindi ko pa masyadong kilala si Maverick.

"Wag ka tititig sakin, baka mamatay ako", nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Maverick.

Natawa ako sa sinabi ni Maverick. Bakit ba parang may obsession to sa salitang 'patay' ?

"Patay agad? Alam mo sa tuwing ibubuka mo yung bibig mo pag magkasama tayo palaging may salitang kamatayan, ang weird mo",saad ko rito.

Maging si Maverick ay natawa sa sinabi ko, "Nagbibiro lang ako hahaha, pero wag mo ako titigan, baka may magalit", sabi nito.

Sa sinabi nito aaminin ko na may pangalang nag-pop out sa isip ko. I gulped as I fix my posture.

"Sino naman? haha", tanong ko.

"Sino ba sa tingin mo?"

"K-Kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko alam-"

"Aminin mo man o sa hindi, We both know that his name popped in your head" ,sagot ni Maverick at pasimpleng nang-aasar.

Si Jax...that's the name that popped in my head immediately.

Ano ba naman to'? Pakiramdam ko tuloy ang init init sa loob ng kotse. Nakakailang...

Nilingon ko yung bintana, "Pwede ko bang buksan ito?", nagbabaka sakaling makabawas sa pagkailang ko.

"Nope"

"Bakit hindi?"

"Baka bigla ka mamatay--"

"Maverick ano ba?! Ang morbid neto",natatawa kong sagot.

Dumapo yung mata ko sa speaker ng kotse, "Let's turn on the radio", saad ko.

"Sira din yon..."

"Tapon mo na kotse mo",wala sa sariling nasabi ko.

"Hahahaha bukas na pag wala ka na sa passenger seat", sagot nito.

Wala ding kwenta makipagbiruan dito sa mokong na toh.

Nagulat ako sa reply ni Jaxon sa tweet ko. Ngunit naalala ko na may binigay nga pala itong playlist.

Binuksan ko ang Spotify at binuksan ang link na sinend ni Jaxon.

Halos lumundag ang puso ko sa mga pamagat ng mga kanta na andito, maging kapag pinaghalo-halo na sila.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Bullets & RainbowsWhere stories live. Discover now