CHAPTER 1✨

319 7 0
                                    

Anica's POV

"Dika pa uuwe?"

"Mauna kana,may kukunin lang ako sa locker"

"Samahan nalang Kita para sabay na Tayo"

"Di na, antayin mo nalang ako sa parking" ngumiti siya at tumango saka tuluyan nang lumabas Ng room

Nang tuluyan ko nang maimis Ang lahat Ng gamit ko ay lumabas na din ako Ng room at naglakad patungong locker. Pag karating ko ay inilagay Kona sa locker Yung mga libro ko, pampa bigat Lang kase sila sa bag ko Kaya kapag kailangan Lang saka ko sila inuuwi.

Habang naglalakad ako sa corridor ay natanaw ko Ang isang lalaki at kung hindi ako nag kakamali ay si Wayne iyon Ang taong kinaiinisan ko at mukang kaaway niya Yung taong kausap Niya sa phone. Hindi kona lang siya pinansin pa at nag patuloy nalang ako sa paglalakad mas naiinis Lang kase ako tuwing nakikita ko ung pagmumuka Niya tyaka nakaka rindi Yung boses Niya may pa sigaw sigaw pang nalalaman, kawawa naman Kung Sino man ung kausap Niya siguradong mabibinge Yun sa lakas ba namn Ng boses netong lalaking to tss.

Pababa na ako Ng hagdan Ng bigla siyang mag salita "HOY, BABAE!" Hindi ko siya pinansin at nag patuloy Lang ako sa Pag hakbang sa hagdan. Nagulat ako ng bigla Niya Kong hawakan sa braso at sabay kaladkad saken pababa ng hagdan

"ANO BA BITAWAN MO NGA AKO!" pilit akong kumakawala sa pagkaka hawak Niya sa braso ko pero Wala paren di Kaya Ng powers Ang higpit higpit kase, Kaya Ang ending nagpa kaladkad nalang ako hanggang makababa kame at doon Niya Lang ako binitawan.

"ANO BANG PROBLEMA MO HA!?" Pasigaw kong sambit sa kanya habang hawak ko yung braso ko na pulang pula at ang sakit. Pano ba naman grabe higpit ng hawak netong lalaking to gusto ata akong pilayan eh...

"Problema?" Tinaasan niya ko ng kilay. "Ikaw, ikaw Ang problema ko!" Aba, Eh wala nga Kong ginagawa sa kanya tas ako pa problema Niya bwiset to ahh

"At ano Naman Ang nagawa ko para maging PROBLEMA mo hah!?" Diniinan ko talaga Yung word na problema. Hindi niya ko sinagot bagkus ay tinalikuran at nag lakad na siya palayo sakin, nakakainis talaga siya kahit kailan.Wala na akong nagawa pa kundi mapa buntong hininga nalang sa inis baka kase dina ako makapag pigil pa sa lalaking yun pag di ako kumalma.

------

"Oh bat Ang tagal mo Naman ata?" sambit ni zyrus nang maka lapit ako sa kanya dito sa parking "oh napano yang braso mo bat ang pula?" agad niyang hinawakan ang braso ko
at tila inoobserbahan kung anong nangyari habang kunot ang noo. Agad ko namang binawi sa kanya ang braso ko sabay iling habang nakangiti

"Ah Wala to nadali lang kanina nung nag cr ako pagka galing kong locker" muka namang napa niwala ko siya kase tinanguan niya nalang ako at dina nag tanong pa

"Sa susunod mag iingat ka kase" napa buntong hininga nalang siya saka inabot sakin yung isang helmet. Nginitian ko siya at saka kinuha na yung helmet at isinuot.

Malapit na kame sa bahay ng maaninag ko ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay namen inalala ko ng mabuti kung kanino yung kotse-ng yun at kung hindi ako nagkakamali parang kay tita Anne iyon.

"Mukang may bisita ata kayo nics" sambit ni zyrus andito kame sa labas at napagtanto ko ding kay tita anne nga talaga yung kotse

"Si tita anne ata,ano tara na nagugutom na ako eh" natawa naman si zyrus sa sinabi ko inilingan ko nalang siya saka hinili na para maka pasok na kame sa loob. Kumatok muna ako at ilang saglit lang naman ay pinag buksan na kame ni mama.

"Oh buti naman andito na kayo, halika pasok" Nag mano muna kaming dalawa kay mama bago pumasok "kanina kapa namen Anak inaantay ng tita anne mo andon sila ng anak niya sa may sala"

I Love You Mr.SungitWhere stories live. Discover now