Chapter 4

7 3 0
                                    

Jassene's POV

Papunta na kami ngayon sa bahay nila Lianna, yes po kasama ko si Leo nabaliw na baliw kay Lianna shuta parang tanga eww. Bitter na kung bitter pero yuckk.

Bago kami pumasok sa iskinita nila Lianna bumili na muna kami ng street foods. Sure akong matutuwa tong si Lianna, favorite niya kasi yung street foods. Masarap naman talaga kasi di lang masarap super sarap kaya.

Nagd door bell na kami kayla Lianna, tagal buksan ng pinto ng gaga ano ba kasi ginagawa non? May sakit kaya siya? Sana naman ay wala.

"Leo, tingin mo may sakit si Lianna or tinatamad lang pumasok?"

"Tingin ko, tinatamad lang yon" sagot niya habang nakatingin pa rin sa gate, antagal naman kasing buksan.

Bumukas na yung gate, tapos lumabas ng unti yung head ni Lianna alam niyo yon pag may tao sa labas basta ganon na yon.

"Hello, bat kayo nandito?" Mukhang bagong gising pa ang gaga.

"Wow, yan agad bungad mo saamin? Talaga ba Lianna, yan talaga? Di mo man lang kami aalukin pumasok?" Sunod sunod na sabi ko.

"Ayy hehe, sige pasok kayo" shuta what if di ko sinabi sa kaniya napapasukin kami, so di niya talaga kami papasokin kung di ko sinabi.

Yinaya niya muna kami sa sala nila para maupo syempre ano pa nga ba gagawin don psh, hinanda niya muna yung dala namin tas nag timpla na rin. Inalok ko siya na tulongan ko na siya pero ang sabi niya 'ano ka ba kaya ko na to, bisita kaya kayo dito. So feel at home hahaha'

Dumating na si Lianna dala yung meryenda namin whoo ansarap, cookies tas orange juicee suree ako binake niya to.

"Bakit ka umabsent, Lianna?" tanong ko habang may kagat kagat pang cookies agad naman tong tumingin at nag type sa cellphone niya.

Agad tumunog yung cellphone ko, kaya binuksan ko agad at binasa ko yung message niya 'Nag away kasi sila mommy kagabi kaya napuyat ako di ako nagising kanina.'

"Ano, ikaw ba nag bake nito, Lianna? tanong ni Leo habang may laman pa yung bibig niyang cookies.

"Ahh oo, bago kayo dumating nag bbake na ko. Ibibigay ko sana sayo Yumi kasi baka mag tampo ka kasi di ako nakapasok" habang yung tingin niya ay nasa baba

"Gaga, bat naman ako mag tatampo? May reason ka naman and di naman ako magagalit kahit ano pa yan as long as you're safe" after I said that I hug her.

Pag katapos ng kwentohan namin umuwi na rin kami ni Leo, baka hinahanap na ko nila mommy.

They were, as usual, way overreacting. For example, it was like 5 a.m. when I was home. Do you know what they did? They called a police detective to find me. How come that they are my parents? They so overreact.

"Hi mom" bati ko kay mommy na nag didilig ng halaman, as always (plantita).

"Hi honey, bakit late ka umuwi?" Tanong niya, ayan na naman po siya.

"Ah, dumaan po kasi ako sa bahay nila Lianna. Absent po kasi siya kanina so binisita ko po" I answered honestly.

Umakyat na ko sa taas kasi dadami naman yung tanong niya, bago ako pumasok sa kwarto ko dumaan muna ako sa kwarto ni lola.

"Hi La, I'm home na po. I really miss you La" I said na para bang nandito pa rin si Lola.

Pag katapos ko dumaan sa kwarto ni Lola, pumasok na rin ako sa kwarto ko para mag pahinga.

Bago ako humiga sa kama nag palit na muna ako ng damit ng biglang tumunog yung cellphone ko kaya agad kong kinuha yon, akala ko si Lianna pero yung malas lang pala.

Kian Jaxon Dixon sent you friend request

Gago? Anong trip nito?

May nag pop up na message galing sa kaniya, ang kapal talaga ng apog nito.

Kian Jaxon Dixon
Hii, baka gusto mo kong iaccept?

Kingina, halata talagang nang gago. Agad akong nag reply sa kaniya

Ellice Jassene Pineda
Ang kapal naman talaga ng apog mo no?

Kian Jaxon Dixon
Bakit may magagalit ba?

Di ko na lang siya pinansin at denecline yung friend request niyang kingina niya. Nakakairita shutangina.

Binitawan ko na yung cellphone ko at nag isip isip ng kung ano ano hanggang sa kainin na ko ng antok.

"Good morning Jassene" bati nung mukong na epal. Ang aga aga mang bubuwiset na naman to.

"Walang good sa good morning nung ikaw ang una makikita" tarantado kong sagot.

"Ouch, ang sakit mo naman mag salita babe" sabi niya may pahawak hawak pa sa puso na akala mo talaga at ang gago babe daw, tarantado talaga.

"Babe your face, ang pangit mo umalis ka nga sa harap ko" mataray kong sabi. Kasi naman nakakairita to. Bakit ba ang aga nito pumasok ngayon?

"Hoy, dito kaya ako nakaupo at wala ako sa harap mo nasa tabi mo kaya ako" pabalang na sagot nito. Nang gago talaga.

Kaysa sa masira buong araw ko ako na lang umalis, pupunta na lang ako sa cafeteria tutal di pa naman ako nag bre-breakfast.

"Hi ate, paorder naman po ako ng S1. Thank you po" agad kong inabot yung bayad ko. Date di ko kayang ubusin yung S1 ngayon mukhang kaya ko na.

"Ms. Jassene" tawag ni ate

"Thank you po ate" agad ko na kinuha yung order ko, gutom na talaga ako. May 20 minutes pa naman before mag start yung class.

"Hi, can I seat here? Kasi wala ng vacant e" Ang lambing naman ng boses nito, nakakahiya naman sakin.

"Sure" nginitian ko siya. Wala naman akong kasama kaya pinaupo ko na rin siya and patapos na rin naman ako.

"Ahm, hi. Diba classmate mo si Kian?" Tanong niya. Sabi na e may kailangan to e.

"Ah, oo. Bakit?"

"Ahm, pwedeng favor paabot to naman  sa kaniya. Please" sabi niya sabay bigay ng papel na nakatupi.

"Ah sige" tama ba tong pinasok ko?

"Omg, thank you so much and your name is?" Kung maki favor akala mo kilala na ko.

"I'm Ellice, and you?" Sagot ko sabay lahad ng kamay ko. They called me Jassene if we're close or family member. But if strangers nagpapakilala ako gamit yung 1st name ko.

"I'm Kimberly" sabi niya at inabot yung kamay kong nakalahad, mabait naman siguro siya pero malabo ang mata sayang ka kung mapupunta ka sa hinayupak na yon.

"Nice to meet you Kimberly, but for now I have to go. May klase pa kasi ako and makakarating to kay Kian. Again it's nice to meet you" pag tingin ko sa relo ko malapit na mag klase kaya agad na kong tumakbo paakyat.

"Good morning class, debate for today. So Jassene and Kian kayo ang mauuna. Ang topic niyo is about abortion"

___________
A/N: My works aren't edited yet but soon I will revise it, I'm still learning how to write properly so please bear with me. I'm trying to do my best.

Midnight FellingsWhere stories live. Discover now