Chapter 6

2 1 0
                                    

Jassene's POV

After mag walk out ni Kian. Dumating na rin yung susunod na teacher. Pag katapos niyang bumati samin agad na rin siyang nag turo.

Di ko matuon yung atensyon ko sa tinuturo ni Miss. Nakatulala lang ako sa bintana ngayon, nag mumuni muni lang.

Sunod sunod na ang naging klase hanggang sa matapos na ang buong araw ng klase. Nakakapagod pero masaya naman dahil may bago kaming natutunan.

Nag kita kami nila Abby and Kian sa library para pag usapan yung about sa group project namin.

"I suggest na kami na lang ni Kian bumili ng materials and then dadalhin na lang namin sa bahay niyo. Since masama naman pakiramdam mo" she said while smiling.

We agreed about her suggestion. Nag ambag na lang ako para sa materials and sinabi ko na rin yung address namin. After that umalis na rin ako sa library.

Agad akong nag text kay Lianna na hindi muna ako makakasabay sa kaniya dahil for sure gagala muna siya before umuwi ayoko munang gumala ngayon dahil medyo masama ang pakiramdam ko at may group project pa kong gagawin.

Ellice Jassene Pineda
Lianna, hindi muna ako makakasabay sayo ngayon ha. Medyo di kasi okay yung pakiramdam ko ngayon and may group project din kong gagawin ngayon. For sure gagala ka pa bago umuwi. Bawi na lang ako sayo tomorrow. Bye, ingat ka Lianna!

Lianna Nicole Gonzales
Okay then. Mag pahinga ka muna bago kayo gumawa ng group proj na yan ha. Para bukas pwede na tayo mag mall, hahaha just kidding. Bye, ingat ka rin Jassene!

After kong mabasa yung text agad ko na ring tinext si Kuya Jones para sundoin ako. Ayoko munang mag jeep ngayon and nandyan naman yung family driver namin para sundoin ako.

Kung lagi kasi akong mag papahatid at mag papasundo sa kaniya sayang lang yung gas and malapit lang naman yung school.

Nang makarating ako ng bahay agad akong pumunta sa office ni Mommy para icheck siya kung nandon nga siya. Nakita ko siya na seryosong nakatuon sa kaniyang computer. I'm sure about na naman yan sa work niya.

"Hi ma" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"How's school, Jass?" Nakaharap na siya sakin ngayon sa mukha niya mukhang pagod na siya. Siguro ay kakauwi niya lang din.

"Same as always ma. Medyo nakakapagod lang. Where's dad?" Umupo muna ako sa sofa at hinubad ko na yung sapatos ko para deretso na ko sa kwarto ko.

"He's out of the country right now on a business trip." nakatuon na ngayon siya sa computer niya.

"Okay mom. I'm going upstairs na. Mag papahinga lang po ako. Baba na lang po ako before dinner. And my, may mga classmate akong pupunta ha. Gagawa po kasi kami ng group proj" pag katapos kong sabihin yon lumabas na ko ng office ni mommy at agad na rin akong umakyat. Nahihilo na ko sa antok. I don't why.

Pag kapasok ko agad na rin ako nag linis ng katawan at gumawa ng assignment para mamaya after kong mag dinner wala na kong proproblemahin pa.

After kong gumawa ng assignment agad na rin akong nahiga di ko alam pero feeling ko pagod na pagod ako ngayong araw. Oh dahil sa quiz sa math kaya pagod na pagod ako, naubos ata braincells ko don.

Nag check muna ako ng social medias account ko, pang paantok lang. Hanggang di ko na namalayan na naka tulog na pala ko.

"Anak, gising na. It's already dinner'' pag mulat ko ng mata ko agad kong nakita si mommy tiningnan ko agad yung wall clock. It's already past 8 pm. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Midnight FellingsWhere stories live. Discover now