Chapter 5

7 2 0
                                    

Jassene's POV

Sabay kaming tumayo, ano nga ba ang pipiliin ko? Abortion ba or hindi? Ang hirap naman kasi mamili kasi kung titingnan mo parehong side pareho lang din naman silang may pinag lalaban or point. Pareho din silang may advantages and disadvantages. So kahit alin naman siguro don ay may tama.

"Katawan naman naming mga babae yon, kaya may karapatan kami kung ite-terminate yung pregnancy o hindi" panimula ko, hindi ko alam kung tama bang side ang pinag laban ko pero bahala na.

"Edi parang pumapatay na ng buhay. That's why abortion is illegal." sagot niya.

"What if she was raped or hindi niya kayang buhayin yung bata dahil masyado pa siyang bata at wala pang trabaho o hindi pa tapos sa pag aaral?" sagot ko. Tama naman di ba? 

"E bakit kasi abortion agad ang gagawin o nasa isip mo? But there is another way. You can just give birth to the child and give it up for adoption, right?" Sagot niya.

"Okay, that's enough. Thank you so much to two of you. Next Leo and Kaye. Your topic will be, Should the death penalty be abolished?"

Naka hinga na ko ng maayos. Di ako sure mga sagot ko pero siguro naman gets nila yung pinopoint ko. Hindi ko alam kung tama ba ang side ko o hindi. Basta alam ko walang may mali saming dalawa ni Kian.

"Okay class, thank you for today Class dismissed" agad na ring lumabas si ma'am

Lunch na, bago ako mag punta ng canteen inipit ko na muna yung letter na pinapabigay ni Kimberly sa notebook ni Kian. Ewan ko ba bakit pumayag ako gawin to.

"Ano yang ginagawa mo sa gamit ko?" Para akong aatakihin sa puso ng mag salita siya mismo sa tenga ko.

"H-huh? Wala naman akong ginagawa ah. Tiningnan ko lang yung notebook mo" sabi ko sabay lakad pa layo sa kaniya.

Bumababa na ko ng canteen kasama si Leo pero ang gago iniwan ako pag ka tapos makita si Lianna. Lintik talaga yon lakas ng tama pag dating sa kaibigan ko.

Siksikan naman dito ang init, bat ba kasi sabay sabay yung lunch siksikan tuloy. Tas yung iba pa nag kwekwentohan habang nakapila mainit na nga ang ingay pa.

"Ano ba yan? Bakit kasi nag tutulakan!" Sigaw ko kanina pa ko natutulak dito mag kakapasa ako nito e.

Sige, ipilit niyo siksikan na nga nag tutulakan pa parang mga hayop na ngayon lang nakawala sa hawla nila.

"Hoy! Pumila ka ano ka VIP" sigaw ko.

Pano ba kasi sumingit sa unahan ko si Kiang epal. Kung maka singit kala mo VIP, jusko kahit anak ka pa ng presidente pumila ka pa rin no. 

"Hoy! kanina pa ko dito. Mas nauna pa ko sayo dito kanina no. May tiningnan lang ako!" sigaw niya rin sakin.

"Hoy, wag mo kong sigawan naririnig kita, di ako bingi no. At bat ka kasi umalis sa pila mo" 

"Excuse me, ikaw kaya unang sumigaw. Tsaka may nag tanong sakin kung saan yung cr kaya sinamahan ko" sagot nito sakin.

"Sige dahilan pa. Tsaka di valid yang reason mo noh. Pumila ka don sa likod. Mahiya ka naman saming kanina pa nandito no"

"Ayoko nga kanina pa nga kasi ako dito no. Kahit itanong mo pa dito sa kaibi--" naputol yung sasabihin niya ng bilang may nag salita sa likod ko.

"Kayong dalawa kung mag tatalo lang kayo don kayo sa labas wag dito, nakakaistorbo kayo ng mga mag oorder" galit sabi nung babae sa likod. Kahit kailan talaga tong Kiang epal lagi na lang ako nadadamay dahil sa kaniya.

"Sorry miss" sabi ni Kian sabay hatak sakin palabas ng canteen.

'Kingna ano trip nito at nang hahatak bigla'  tinanggal ko agad yung kamay niya sa braso ko. Kahit kailan talaga epal to.

"Ano ba? Bat ka ba nang hahatak bigla!?" Galit na tiningnan ko siya, Sino ba kasing di magagalit dito? Lakas din ng amats nito eh, bigla biglang nahahatak dito sa labas ng canteen.

"Ikaw kasi ang ingay ingay mo yan tuloy nagalit satin" tiningnan niya ko ng masama na akala mo ako lang may kasalanan kung bat nagalit samin yung babae.

Psh, di ko na lang siya pinansin at pumasok ulit ako sa canteen para bumili ng pag kain ko. Kung sasagotin ko lang siya naku mauubos yung oras ng lunch time.

"Hoy babae! Kinakausap pa kita ah. Bat mo ko tinalikuran?" Pusang gala talaga to oh. Ayaw akong tigilan. Psh bahala ka dyan.

Di ko siya pinansin kahit daldal siya ng daldal sa tabi ko. Mapapagod din yan kakadada. 

"Hi! Good afternoon. Isa nga pong egg sandwich and orange juice" yan na lang kakainin ko kasi kung kakain pa ko ng kanin for sure malalate ako. Epal kasi tong si Kian. 

Inabot ko na yung bayad ko pag kaabot sakin ng order ko. Ngayon ko lang napansin na wala na pala si Kian sa tabi ko. Bahala na siya sa buhay niya. 

Agad akong nag hanap ng bakanteng upuan. Pag kaupo ko ay binababa ko na yung librong hawak ko. Kailangan ko kasing mag review sa Math kasi may quiz kami don. Epal kasing Kian na to inubos yung oras ko kakadada niya. 

"Paupo ako ah. Ano yan? Bat yan lang kinakain mo?" mag papaalam kung kailan naka upo na siya. May choice pa ba ko?

"Naubos kasi oras ko sayong hinayupak ka" sagot ko habang yung mata ko naka focus pa rin sa librong binabasa ko. Wala akong panahon para tingnan yang nakakainis niyang mukha.

"May time pa naman ah. Bat di ka nag rice?" 

"15 minutes na lang tapos na yung time. Wag mo kong kausapin kita mong nag rereview ako diba" dada ng dada. Pag ako mababa lang score ko sa Math lagot ka saking epal ka.

Hanggang matapos yung lunch time ay di na siya nag salita. Nakapag review ako ng maayos. Sabay kami umakyat since mag kaklase lang din naman kami. 

Di ko nga alam kung bat parang wala siyang paki na may quiz kami ngayon sa Math, parang wala lang sa kaniya. Sa bagay kahit di naman to mag review nakakakuha siya ng mataas na score, minsan nga siya pa yung highest sa mga quizzes or exams.

Nag start na yung quiz. Guest what wala pang 10 minutes tapos na agad si Kian. Partida di pa yan nag review.

Pag katapos ng quiz feeling ko naubos lahat ng brain cells ko, ang hirap.

"Ahh ansakit ng ulo ko, ang hirap ng quiz!" Sigaw ni Leo habang nag uunat pa. 

"Gagi, ano sagot mo sa 5?" Tanong ko kasi di ako sure sa sagot ko sa 5 my god.

"13.55. Ikaw ba?" 

"Gago? Anlayo ng sagot ko. 155.13 sagot ko don" 

Ayon ang tanga tawa ng tawa akala mo sure sa sagot niya pag siya mali rin tatawanan ko din siya. Kung makatawa kala mo talaga. 

"Di rin ako sure sa sagot ko sa 5 eh" sabi niya sabay kamot sa batok niya.

Akala ko pa naman sure siya sa sagot kung makatawa.

"Ikaw ba Kian, ano sagot mo sa 5?" Tanong ni Leo kay Kian nakakadaan lang. 

"25.13 bro, bakit? Ano ba sagot niyo"

Malakas akong tumawa sabay turo sa pag mumukha ni Leong di maipinta ang itsura. HAHAHAHAHA kung makatawa siya kanina akala mo talaga tama yung sagot niya. 

"Gago HAHHAHAHAHA" sabay kaming tumawa ni Leo dahil pareho kaming mali. Kanina nag aasaran pa kami tungkol sa sagot sa 5 ngayon pareho naman pala kaming mali.

"Sagot ko 13.55 HAHAHHAHA. Si Jassene malala HAHHAHAHA"

"Ano ba sagot mo Jass?" Tanong niya sakin.

"A-ano, ah 155.13" tanggal angas ko don ah.

"Gagi? San mo nakuha yon? HAHAHHAHAHA baka maling formula ginamit mo or niyo HAHAHAHHA" makatawa naman to grabe.

"Yabang nito" bulong ko

"Hoy! May sinasabi ka ba?" Tanong niya sakin habang yung mga kilay niya parang mag ka dugtong na HAHHAHAHA.

"Ako ba? Ah wala naman akong sinasabi ah" sabi ko habang nakaturo sa sarili ko.

Here we go again, nag walk out na naman siya dat nickname nito 'boy walk out' HAHAHAHHA.

Midnight FellingsWhere stories live. Discover now