Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

CHAPTER 1

132K 5.3K 1.1K
                                    




CHAPTER ONE


IT was another rough day living in del Rio's ancestral house with the people that don't treat her as part of the family.

Marami ang kasambahay doon at maayos naman ang trato sa kanya kahit papano, ngunit ang bagong asawa ng kanyang ama at ang anak na babae ay malupit sa kanya.

Maulan ang gabi at hindi pa nakakauwi ang kanyang ama na siyang nag-aasikaso ng negosyo ng buong pamilya.

Ataliana's father owns del Rio Mining. It is the del Rios family business and was built by her great-grandfather. Del Rio Mining is one of the suppliers of gold and nickels in the country.

Namulat siya sa marangyang pamumuhay at kalaunan ay lubusang natanto na hindi siya ang dapat nakikinabang ng karangyaang 'yon.

Noong nagkasakit ang kanyang ina ay ibinigay siya sa kanyang ama. Simula no'n ay unti unti niyang naintindihan na iba ang takbo ng kanyang pamilya. Hindi normal. Hindi katulad ng iba.

Noon ay nagtataka siya kung bakit hindi magkasama ang dalawa sa iisang bubong? At kung bakit pagdating niya sa ancestral house ay may ibang asawa ang ama niya at may anak na babae na mas matanda sa kanya?

Ataliana was only twelve when she realized that her mother was a mistress of Fausto del Rio. Sekretarya ng kanyang ama ang ina at nagkapalagayan ng loob hanggang sa nabuo siya.

During those time, Fausto del Rio is still married to his first wife. Ilang taon ang lumipas ay pumanaw ang asawa nito.

It was easy for her father to find another wife and after a few years, he married his second wife with a daughter from a past relationship with another man.

"Pumasok ka na dito sa loob, Ataliana!" sigaw sa kanya ng isang kasambahay. "Dito mo na sa loob hintayin si Don Fausto!"

At kahit anak siya sa labas, mahal siya ng kanyang ama. Ang nag-iisang anak nitong lalaki sa unang asawa ay mabuti rin sa kanya at siyang tangi niyang kakampi sa malaking bahay na 'yon.

"Dito lang ako, Minerva! Hihintayin ko ang Papá!"

"Hayaan mo nga siya, Minerva! Napaka-arte ng batang 'yan! Akala mo kung sino!"

Narinig niya ang boses ng ate Dulce niya galing sa loob kaya nilingon niya. Naka halukipkip ito at nakataas ang isang kilay. Maiksi ang bestida at mapula ang labi.

"Baka magkasakit at malalagot ako kay Don Fausto, Dulce." si Minerva na lumapit na talaga sa kanya at may dalang puting roba. "Halika na, Ataliana. Nababasa ka na ng ulan."

Mariin na umiling si Ataliana. Masama ang loob niya dahil sa pagmamalupit sa kanya ni Dulce sa araw na 'yon. At kaya hinihintay niya ang ama ay para magsumbong!

Maghapon ang malakas na ulan at walang tigil kahit na gabi na. Noong umaga ay pinaglaruan siya ng ate Dulce niya at itinapon sa labas ang mga gamit niya sa eskwela hanggang sa mabasa ang lahat ng 'yon.

Sinikap ni Ataliana na kuhanin ang mga libro at notebook sa gitna ng ulan at pinatuyo ang mga 'yon maghapon sa loob ng kanyang silid habang umiiyak.

"Wala kang karapatan maginarte sa pamamahay na 'to, Ataliana! Sampid ka lang dito!" si Dulce sa mga lintanya nitong kabisado niya na.

Sa gitna ng malamig na panahon, kumulo ang dugo ni Ataliana. Nilingon niya si Dulce.

"Anak ako ng ama ko! Ikaw, hindi!" balik na sigaw niya, napupuno na sa lahat ng pagmamalupit sa kanya.

Humakbang si Dulce na para bang mas nagalit dahil sa sinabi niya. Totoo naman 'yon!

"I am legally adopted by your father! Hindi mo ba 'yon naiintindihan?!"

"At hindi mo rin ba naiintindihan na sa papel mo lang siya ama, ate?" patuyang tanong niya. "Hindi ako sampid sa pamamahay na 'to! Kayo 'yon—"

"Anong sampid ang sinasabi mo?" narinig niya ang boses ng asawa ng ama, pababa ito ng hagdan, matalim ang tingin sa kanya.

"Ah, Ma'am Gimena," awat ni Minerva sa nagpupuyos na ina ni Dulce.

"Tumigil ka, Minerva!" dere-deretso ito at hinawi si Minerva upang makalapit sa kanya. "You, kid, you don't have the rights to disrespect me and my daughter! Anak ka lang sa labas ng asawa ko! Wala kang puwang sa bahay na 'to! Kabit lang ang nanay mo!" Idinuro siya nito at ang mga mata ay halos manlisik.

Lumayo si Ataliana upang hindi mahablot sa braso ngunit agresibo ang kilos ni Gimena at bumaon ang matutulis na kuko nito sa kanyang balat.

"Ma'am, tama na ho. Nasasaktan si Ataliana."

Pilit na inaawat sila ni Minerva ngunit wala itong nagawa nang pang lakihan lang ng mga mata ni Gimena at muling hawiin na halos magpatalisod sa tapat na kasambahay.

"''Wag na 'wag ko ng makikita ulit na pinagtataasan mo ng boses ang anak ko! Ako ang makakalaban mo!" Sabay pabalya siyang itinulak ni Gimena hanggang sa mapaupo siya sa maduming sahig na inaabot ng ulan.

Mabilis na nabasa ng ulan ang buong katawan ni Ataliana. Binalot siya ng lamig at galit. Ang paglakas ng buhos ng ulan at ang pagguhit ng kidlat sa madilim na langit ay tila ba nakiki-simpatiya sa kanya.

"Mabuti nga sa 'yo! D'yan ka nababagay! Sa ulanan at putikan!" sigaw sa kanya ni Dulce.

Ataliana gritted her teeth. Gustung-gusto niyang sugurin si Dulce at kalmutin ang mukha nito hanggat kaya niya! Akala siguro ay palagi siyang mabait at hindi lalaban!

Dulce crossed her arms above her chest and watch her in dismay.

Sa mainit na poot na namuo sa kanyang dibdib ay ikinuyom niya ang palad kasama ang putik at walang pag-aalinlangan na ibinato 'yon kay Dulce!

"What—" Hindi nito natuloy ang sasabihin sa pagkabigla ng pagtama ng putik sa pisngi nito na bumaba sa malinis na damit.

"Punyeta ka talagang bata ka!" sigaw ni Gimena at akmang susugurin siya sa ulanan ngunit nahinto.

Nang makita ng mga ito ang ilaw ng sasakyan na paparating, tila naging anghel ang dalawang demonyita sa kanyang harap.

Inaninag ni Ataliana ang pamilyar na 4x4 pick up na kulay itim sa binabaybay ang drive way.

"Si Thiago! Kumuha ka ng bagong tuwalya, Minerva!" utos ni Gimena sa matagal ng kasambahay.

The 4x4 pick up parked just near her. Nananatiling nakabukas ang ilaw niyon at tiyak na kitang-kita ang itsura niya na basang-basa ng ulan at madumi na rin ang bestidang suot dahil sa putik at dumi galing sa basang daan.

Thiago del Rio came out from his car and his eyes were directed at Ataliana. Never mind that he was getting wet because of the rain just to check on his younger sister.

"T-Thiago, nasaan ang Papá mo?" Medyo may pagaalinlangan sa tono ni Gimena nang makita ang madilim na mukha ng panganay na anak ni Fausto.

"What did they do to you this time?" Thiago extended his hand to Ataliana, ignoring Gimena's question.

"Thiago, binato ako ng putik ni Ataliana..." sumbong ni Dulce Kaya umismid siya. Hindi rin ito pinansin ng Kuha niya dahil nasa kanya ang buong atensyon.

Nanliliit ang mga mata ni Ataliana nang sulyapan ang dalawang babae na ligtas na ligtas mula sa pagmamalupit ng panahon. Nakita niya ang takot at pag-aalala sa mukha ng mga ito.

"Nasaan si Papá, Kuya?" Imbes ay tanong niya at kinuha ang kamay ng Kuya Thiago.

Si Minerva ay dali-daling naglabas ng payong kahit na huli na. May dala rin itong tuwalya.

"Magbihis ka muna," utos ng kapatid sa kanya na kaagad niya namang sinunod.

Nang dumaan siya sa harap ng dalawa ay para itong maaamong tupa na gumilid, tila ba takot na takot magkamali sa harap ni Thiago.

"Isusumbong pa rin kita kay Papá at Kuya!" banta niya kay Dulce at binangga ito sa baliikat bago nilagpasan!

Nasa hagdan na si Ataliana nang marinig niya ang pag-uusap ng mga ito.

"May parte ng minahan na gumuho kanina," si Thiago, kaya napahinto sa paghakbang si Ataliana at ibinalik ang tingin sa mga ito.

"A-ano? P-paano na 'yan? Ang mga ginto, nasaan? Sayang ang mga 'yon, Thiago." Nag-aalala ang tono ni Gimena.

When Thiago noticed Ataliana stopped on her track, he sighed and motioned her to go and change her clothes. Pero hindi niya magawa dahil sa narinig.

Kaagad na pumasok sa isip niya ang mga tao na nagtatrabaho sa minahan at kung kumusta ba ang mga ito? May nasaktan ba? Sana ay wala.

"Kuya, kumusta ang mga tao sa minahan? Ayos lang ba sila?" tanong ni Ataliana, nag-aalala na rin.

"We'll talk about this once you're done. Go and change, Ataliana." Instead, Thiago said.

Mabilis na umakyat si Ataliana sa kanyang silid at nang matapos ay bumalik sa malawak na sala para makasama sa usapan tungkol sa pagguho ng minahan ng mga del Rio.

Mapusyaw na asul, makintab na puti at mala-ginto ang kulay ng langit sa araw na 'yon. Nakikita ni Ataliana ang pagsunod sa kanila ng anino ng pick up na sinasakyan nila papunta sa mansyon ng mga Guerrera.

Nasa likod sila nakasakay at ang pang umagang sikat ng araw ay sumasakto sa kanilang direksyon. Hindi pa naman iyon masakit sa balat at bitamina rin 'yong maituturing.

Sa tabi ni Ataliana ay si Ada. Sa harap naman nila ay tatlo pang kasama nila. Ang nanay ni Ada at dalawang kumare. Na kapwa naninirahan sa malawak na lupain ng bakahan kaya kilala niya rin.

"Balita ko ay may gaganapin na naman na party sa mansyon sa susunod na linggo. Sana ay maimbita tayo, ano?" si Aling Betchay na ina ni Ada.

"Naku, 'nay, asa ka pa! Pang mayayaman lang ang party ng mga Guerrera, pwera na lang kung birthday ng isa sa kanila at iimbitahan talaga nila ang mga empleyado sa buong Hacienda." segunda ni Ada.

"Ang pagkakatanda ko ay kaarawan ni Don Patricio." Sabat naman ni Aling Tess.

"Kapag ganyan, tiyak na iimbitahan tayo ng mga Guerrera."

"Kung gano'n, maghahanda na ako ng susuotin ko!" Halos mapapalakpak pa si Ada sa excitement.

Habang abala ang mga mata ni Ataliana sa mga tanawin na nadaaanan, tumatakbo rin sa isip niya ang mga ala-ala ng nakaraan. Kaya hindi niya tuloy napansin na nakatitig sa kanya ang kaibigan, kung hindi pa siya bahagyang siniko.

"Ano na naman ang iniisip mo, girl?"

"Ikaw Ataliana, 'wag ka munang magboyfriend, ha?" Ang ganda ganda mo. Para kang manika. 'Wag kang papaloko sa mga lalaki," bilin sa kanya ni Aling Tess.

"'Wag mong gayahin 'to si Ada, naniwala agad sa lalaki na mahal siya kaya ibinigay kaagad ang sarili. At nang mabuntis hindi pinanagutan ng gago na 'yon." dugtong naman ni Aling Betchay.

"Nay naman, hindi maka move on." Ngunguso-nguso si Ada.

May dalawang taong gulang na babae na anak si Ada at wala itong asawa. Hindi pinanagutan ng dating kasintahan. Ataliana witnessed Ada's heart being broken and how stressed her friend was during those time.

At bilang matalik na magkaibigan sila, nananatili siya sa tabi ni Ada. Minsan ay tumutulong siya sa pagbabantay o kaya ay bibilhin niya ng biscuit o gatas si Adela. Isa rin siya sa Ninang kaya tuwang-tuwa siya.

She realized that love can also be deceiving. Love can be faked. It was easy to say that you love someone but it's hard to prove it.

Other says that; 'when you love someone, you must sacrifice for them.'

Maybe it really happened to some love stories. But to some? Love is not always about sacrificing, it's about learning to lose the grip if it's already too much and if it only gives you pain that you don't really deserve.

Bakit tayo nananatili sa isang bagay kung hindi na iyon nagbibigay ng kasiyahan sa atin?

Bakit tayo kumakapit sa isang sitwasyon na pilit inilalayo na sa atin?

Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit na hindi na dapat?

Siguro ay dahil sa kabila ng sakit at kalungkutan, naniniwala pa rin tayo na sa dulo ay may ligaya, may ngiti at may pag-asa.

Na pagkatapos ng pagkabigo, may tagumpay.

Na hihilom ang sugat na natamo kalaunan.

Hindi man naging mabilis ang paghilom, ang mahalaga ay umuusad.

At sa lahat ng kwentong pag-ibig na nasaksihan niya, ang kwentong pag-ibig sa pagitan ng kanyang ama at ina ang pinaka malungkot para sa kanya. Iyon din ang klase ng kwento na hindi niya nanaisin na mangyari sa kanya kaluanan.

"Hindi pa magboboyfriend 'yan. May ibang gusto na 'yan." Sabay hagikhik ni Ada nang panlakihan niya ng mga mata.

"At sino naman ang nagugustuhan mo, Ataliana? Kung may naniningalang-pugad na sa 'yo ay ipakilala mo sa amin at nang makilatis." Si Aling Tess na tunay na concern sa kanya kagaya ng ibang Nanay sa lugar nila.

"Wala pa po, Aling Tess," marahan na sagot niya at inirapan si Ada nang sundutin siya sa tagiliran.

"Sus, kunyari pa. Crush mo nga 'yon, eh."

"Tumigil ka." Sabay pasimpleng kurot niya sa tagiliran din ng kaibigan na tumawa lang. "Hindi ko 'yon crush, Ada."

Hindi niya kailanman sinabi kay Ada na gusto niya si Zarick at hindi niya alam kung bakit gano'n ang tingin ng kaibigan.

At hindi niya rin maisip na magugustuhan nga siya ng isang Zarick Guerrera. That's unbelievable and it's beyond her imagination.

She's aware that a girl on her age or girls older than her, adored and admired Guerreras men—Zacariel, Zarick and Zacarias, but what they can only do is to fantasize these men.

They are wealthy, influential, and honorable. They won't just pick a girl that does not belong to their circle.

These men in their town or in Hacienda is out of reach. They are unreachable. Kaya kahit yata sa pangarap ay hindi niya papangarapin masungkit ang isa sa mga ito dahil imposible na magkagusto nga sa tulad niya.

Ilang pang sandali ay nakarating na sila sa mansyon ng mga Guerrera. Malaki 'yon at nakakalula sa lawak. Di hamak na mas malaki kumpara sa ancestral house ng mga del Rio ayon sa kanyang pagkakatanda.

The mansion has a touch of Spanish old-style design. The wall is more white with a combination of beige. The roof is in color dark brown and the glass windows are custom shaped.

Sa kabilang panig ay makikita ang hilera ng kwadra at mga kabayo doon. Mahaba naman ang drive way galing sa mataas na gate at sa gitna ng hardin ay ang water fountain na may mga nakapalibot na puting anghel.

Sa kanyang gilid ay nasulyapan ni Ataliana ang pagkamangha ni Ada habang tinatanaw ang harap nila. Madalang silang mapadpad sa mansyon kaya gano'n na lang paghanga nila doon.

"Nakakatulala ang mansyon nila. Nagkakasalubungan pa kaya sila sa loob?" tanong ni Ada sa kanya at sa sarili na rin.

"Hindi ka pa nakapasok sa loob kailanman, Ada?"

"Hindi pa, Ataliana. Kahit noon ay hindi ko pa naranasan."

Tumango-tango siya. Kahit papano ay naranasan niya naman ang mamuhay sa karangyaan at kaagad din naputol. Ngunit ang karangyaan na nasa kanyang harapan ay tila sobra.

"Dito!" Narinig nila ang boses ni Lupita, kinawayan sila.

Lupita is wearing a navy blue housemaid's uniform. Naghihintay ito sa isang tinayong tent doon. May mga monoblock na upuan at mahabang lamesa rin para sa kanila.

"Magandang umaga, Lupita," bati ni Aling Betchay nang makarating sila.

"Magandang umaga rin. Lima kayo?" Inisa-isa silang tingnan ni Lupita at huminto ang mga mata sa kanya.

Kimi na ngumiti si Ataliana. Magkakilala na naman sila ni Lupita ngunit sa tuwing titingnan siya nito ay para bang may iba itong iniisip at hindi niya alam kung ano.

"Oo. Lima lang ang bilin ni senyorito Zarick," sagot ni Aling Tess.

"Kanina lang nabanggit ni senyorito Zarick na kailangan ng mag-aayos sa library." Sabay balik ng tingin sa kanya ni Lupita.

"Ah, gano'n ba? Saan ba kukuha ng mag-aayos, Lupita? Pwede kaming magpatawag ng tao sa bakahan para gawin ang trabaho sa library," suhestiyon ni Aling Nora naman.

Umiling si Lupita. "Si Ataliana na lang tutal at mga libro naman 'yon."

Napaawang ang bibig niya.

Sabay-sabay naman siyang nilingon ng apat na kasama niya at ang nanunudyong ngisi ni Ada ang nauna niya pang nakita. Lalong umusog ang kaibigan malapit sa kanya at tahimik siyang binangga ng balakang.

"Baka nasa library room din si senyorito Zarick." Parang babaeng bubuyog na bulong sa kanya ni Ada.

"Ayos lang ba sa 'yo, Ataliana?"

Mabilis siyang tumango sa tanong ni Lupita. "Ah, opo. Wala pong problema."

Tumango naman ito na para bang nabunutan ng tinik sa pagsang-ayon niyang magtrabaho sa library room sa araw na 'yon.

"Oh siya, maiwan na namin kayo. May kasambahay na magdadala ng meryenda at pananghalian mamaya rito," bilin ni Lupita at tinignan siya para sundan na ito.

"Kwentuhan mo ako, ha?" Pahabol ni Ada na inilingan niya lang at sumunod na kay Lupita.

Sa backdoor sila dumaan dahil mas mabilis doon kesa iikot pa sa pinaka mayor na pinto ng mansyon.

Maging ang likod na bahagi ng mansyon ay malawak. May malalaking puno at ang mga tuyong dahon ay nagbabagsakan kasabay ng pagihip ng hangin. May ilang bahagi ng lupa na mamasa-masa pa dahil sa pagulan noong isang araw.

The smoke white marble floor has a golden texture. Kulang na lang ay hubarin niya ang tsinelas na suot huwag lang madumihan ang tinatapakan niya.

Ataliana was about to remove her slippers but Lupita stopped her from doing so.

"Ayos lang. May maglilinis mamaya."

Nag-aalangan pa siyang sumunod ngunit nang nginitian siya ni Lupita ay napanatag siya. Nauna itong tumapak sa hagdan, habang siya ay naiwan ang tingin sa kabuuan ng mansyon.

Hanging at the center of the wall is the large family-framed photo of Guerreras.

Doña Zarita and Don Patricio were sitting formally, while their children stood behind them, powerfully and elegantly.

Pinag-gigitnaan si Senyorita Zakia at Zalanna ng tatlo nilang kapatid na lalaki. Sina Senyorito Zacariel, Zarick at Zacarias.

The men were wearing a tuxedo and the women were in their long midnight gowns. Elegant and radiant. They looked like royal blood. Their family is really powerful.

Guerreras are the epitome of a perfect family who seemed like to have everything that every family needs in this world.

The admirable relationship between Doña Zarita and Don Patricio proved to her that if love was pure, it will last even for a lifetime.

Maging ang limang anak ng mga ito ay hindi kailanman nabalita na naging malupit sa mga tao na mas nakakababa sa kanila. Guerreras siblings are kind-hearted and they are loved by the people in Hacienda and their town.

Para bang perpekto ang mga ito. At ang isipin na magkakagusto sa kanya si Zarick Guerrera ay isang kahangalan at isang pangarap na mananatiling pangarap lamang.

"Ataliana?"

Ang boses ni Lupita sa itaas ang pumukaw sa kanya.

Nagmamadaling umakyat si Ataliana sa hagdan upang maabutan doon si Lupita na napapailing, marahil ay naabutan siyang namamangha sa paligid niya.

Even the staircase is grand. It is in golden texture and carpeted. There are also expensive paintings hanging on the wall of the hallway.

Nakita niya si Lupita sa bandang dulo na binubuksan ang sa palagay niya ay library room. Kaagad siyang nakasunod sa kasambahay nang mabuksan nito ang silid ng 'yon.

Though the library room was neat, she can still see some dust that needs to be cleaned. Ang ibang libro sa rack ay hindi rin maayos ang pagkakasalansan kaya iyon muna ang gagawin niya.

"Ikaw na ang bahala dito. Papahatiran kita ng pagkain mamaya. May gusto ka bang meryenda?"

Nilingon niya si Lupita na kanina pa siya tila pinagmamasdan ng palihim.

"Wala naman. Kung ano ang meryenda nila Ada, gano'n na rin ang sa akin, ate Lupita."

"Sigurado ka?"

Tumango siya at ngumiti. "Opo."

"Okay. Maiwan na kita."

When Lupita left, Ataliana started to do her job for that day.

Gano'n nga ang ginawa niya. Habang binabasa niya ang mga title ng libro ay pinupunasan niya rin bago isalansan ng maayos. Marami ang libro doon at madalas ay tungkol sa pag-aaral sa pamamahala ng isang negosyo ang nakikita niya.

After Ataliana was done with the first bookshelf, she transferred to another.

Hindi niya alam kung ilang minuto na ang lumipas na magisa siya doon at tahimik, nawala lang siya sa konsentrasyon nang bumukas ang pinto at pagtingin niya ay pumasok ang lalaking laman ng isip niya kagabi.

Zarick Guerrera is on his white cotton long-sleeves and khaki pants. Looking so fresh despite the darkness in his eyes as he stares intently at her.

Maingat na naibaba ni Ataliana sa lamesa ang aklat na hawak. Ang pamilyar na tibok ng kanyang puso kapag nariyan si Zarick ay nag-umpisa na namang mamayani sa kanyang dibdib.

He visited her yesterday and she can't forget what he told her.

Gusto ng Senyorito ang kanyang ngiti. Kabaligtaran sa inaakala niyang hindi nito gusto 'yon. Ngunit ang tunay na umukit sa kanyang isipan at halos hindi nagpatulog sa kanya ay nang sinabi nitong kakagatin ang kanyang labi.

Uminit ang pisngi ni Ataliana bigla nang maalala na naman 'yon.

Tahimik na sinaway niya ang sarili at napalunok upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan.

"Senyorito..." she whispered, but he only raised his brow.

"What did you call me?" There was a private smile on his lips, then he started to take steps forward.

Napangiwi siya nang maisip ang napagkasunduan nila kahapon. Hindi niya ito tatawagin na 'Senyorito' kapag silang dalawa lang.

Zarick put down the tray of orange juice and her snacks above the table near her. Ito pa talaga ang naghatid ng meryenda niya?

Now that they are just inches away, she can smell him... he smells so good, as always.

"Zarick..." aniya, tapos ay nag iwas ng tingin dahil hindi kinakaya ang titig sa kanya ng Guerrera sa harap.

Ikinahihiya niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. Halos marinig niya 'yon dahil tahimik doon at walang ibang tunog na pumapasok galing sa labas.

Maybe if she opens the window, they can hear the whispers of the wind and the horses' neighs?

Nang magangat ulit siya ng tingin kay Zarick, naabutan niyang nakatitig pa rin ito sa kanya at tila naghihintay lang na sulyapan niya ulit.

Napanguso siya. Natahimik dahil hindi alam ang eksaktong sasabihin.

Though she liked his presence there, he was also a distraction. She can't focus on her duty if Zarick is around.

"Salamat pala sa pagdala ng meryenda," nasabi niya nang makita ulit ang pagkain sa gilid nila. "Akala ko ay nasa planta ka, hindi kasi kita nakita kanina noong dumating kami."

"I roamed around with Fuerte."

Fuerte is the name of Zarick's brown horse.

She's wondering how would it feel to ride above Fuerte with Zarick behind her.

"Ah, nangangabayo ka ba tuwing umaga?"

"If I have extra time, yes." Zarick faced her, while she was leaning against the table. "Would you like to roam around with me?"

Ataliana's eyes widened a bit. It was very tempting. At nasa isip niya lang 'yon kanina at pwede palang magkatotoo 'yon?

"Talaga? Pwede akong sumama sa 'yo? Pwede akong sumakay kay Fuerte?" halos mapaahon siya, hindi na maitago ang excitement.

"Uh-huh," Zarick nodded his head, amused with her reaction. "Tomorrow then?"

"Sige!" Mabilis na tumango si Ataliana. "Anong oras?"

Zarick cocked his head to the side. "What time are you free?"

Inisip niya pa kung anong oras siya pwede bukas at dahil bakasyon pa naman, maluwag ang trabaho sa bakahan.

"Pwede ako bukas. Maghapon."

"Okay then. Susunduin kita."

Mabilis na umiling si Ataliana. Isipin niya pa lang na susunduin siya ni Zarick sa bahay nila at sasakay sa kabayo nito, para bang umiikot ang sikmura niya. At ang magiging reaksyon ng mga kapitbahay nila ay kaagad na umukit sa isipan niya.

Zarick Guerrera going to their small house to pick her up there is not a good idea.

Tiyak na pag-uusapan siya sa lugar nila at ayaw niya 'yon. Alam niya ang isip ng mga tao, mabibigyan lang ng malisya ang pagkakaibigan nila ni Zarick kapag hinayaan niya itong sunduin siya.

"What?" He urged her to speak because she almost cut him off with the way she shook her head.

Kinagat ni Ataliana ang labi, bago nagsalita.

"Uh, magkita na lang tayo bukas. 'Wag mo na akong sunduin."

"Magkita?" Ulit nito na para bang hindi makapaniwala o parang hindi gusto ang suhestiyon niya. "Saan kung gano'n?"

"Sa... uh, sa gubat... malapit sa ilog."

Zarick arched his brow as if someone just offended him.

"Do you want us to see each other secretly?"

Napanguso ulit si Ataliana. Parang gano'n na nga. Magkikita sila pero sekreto lang. Magkikita sila pero hindi dapat malaman ng mga kapitbahay niya.

Maybe Zarick Guerrera doesn't like that kind of set up? He's a Guerrera after all. Girls should be proud of being with him.

Kung ibang babae ang inaya nitong mangabayo kasama ito, sigurado na ipinagkalat na ang balita sa buong Hacienda.

"U-uh, kung ayaw mo—"

"Then I'll see you in that forest," Zarick cut her off.

Nang magangat siya ng tingin sa Senyorito ay nakatingala ito, mariin na nakapikit at napapabuntong hininga. Mukhang nabigyan niya pa yata ng problema.

"Bukas, ha?" patuloy niya sa malamyos na boses.

"Yeah," Zarick muttered huskily, staring at her face this time. "I'll see you again tomorrow, baby."

Her cheeks burned because of his endearment. This was the second time he called her 'baby'. And honestly, she low-key liked it.

HG 2: Sounds of SubmissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon