Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

CHAPTER 4 (SPG)

183K 5.3K 1.3K
                                    

CHAPTER FOUR



MAAGANG bumangon si Ataliana para paghandaan ang lakad nila ni Zarick sa araw na 'yon. Sa sobrang excitement niya halos hindi siya nakatulog.

Hating gabi na siya dinatnan ng antok. At ang buong isipan niya ay binalot ng mga ala-ala kahapon. Pati na rin ang mangyayari mamaya kapag magkasama na sila ng Senyorito.

Mabilis siyang naligo at nagpalit ng damit. She's wearing a white floral summer dress. Lagpas 'yon sa kanyang tuhod at ang manipis na straps ay de-tali. She paired it with white bandana.

Marami siyang bandana na iba't-iba ang kulay at desenyo. Si Ada ang madalas magbigay sa kanya ng gano'n bilang regalo.

Ang sabi ng kaibigan, kapag nakikita siyang naka bestida at nakasuot ng bandana habang nag-aalaga ng baka o kaya ay nakahiga sa damuhan ay para siyang 'yung mga babaeng nakikita nito sa internet na madalas ipakita sa kanya.

A type of girl who loves nature and away from the busy City. A place were aesthetically surrounded with greenery.

Ang Hacienda Guerrera ang nagbigay sa kanya ng panibagong buhay at pag-asa. Bukod sa tunay na maganda ang kapaligiran doon, payapa at simple—ang mga tao ay may mabubuting puso rin.

Naalala niya tuloy ang mga hiling sa kanya ni Ada noong nakaraang linggo.

"Tumakbo ka! Kukuhanan kita ng video! Dali!" utos sa kanya 'yon ni Ada nang maabutan siyang nakahilata sa dayami at nag-aabang ng paglubog ng araw.

"Ayoko, Ada. Kung gusto mo ikaw na lang ang tumakbo at ako ang mag-re-record."

Palagi siyang kinukulit ni Ada sa mga ganyan at i-a-upload daw nito sa Facebook. Hindi naman siya mahilig sa social media. May Facebook siya pero para lang 'yon sa komunikasyon niya sa mga kaklase at propesor.

"Palitan mo na itong profile picture mo. Baka ka ba?"

Natawa si Ataliana sa sinabi ni Ada. Ang profile picture niya ay si Baraka at ang cover photo niya naman ay ang luntiang damo doon na may maliliit na kulay puting bulaklak.

"''Wag mo ng pakialaman 'yang pictures d'yan. Akin na ang cellphone mo at tumakbo ka na doon," sabay turo niya sa unahan nila.

Bumangon na si Ataliana at inayos ang bandana pati na rin ang umaalon na buhok na umaabot na sa kanyang bewang.

"Tingin ka dito, girl." utos sa kanya ni Ada.

At nang nag-angat si Ataliana ng tingin sa kaibigan, umikot ang mga mata niya dahil kinuhanan na naman siya ng litrato. She's Ada's favorite subject in photography.

Naupo si Ada sa tabi niya para ipakita sa kanya ang kuha nito.

"Ang tangos ng ilong oh..." sabay dutdot ni Ada sa ilong niya sa screen ng cellphone. "At likas na mapula ang labi mo. Hindi na talaga kailangan ng liptint."

"Hindi naman talaga ako nagliliptint."

"Kaya nga e! Sana all talaga."

"Akin na 'yan. Pumuwesto ka na do'n, dali!" Kinuha ni Ataliana ang cellphone ng kaibigan.

Nagmamadali naman si Ada na inayos ang off shoulder na bestida at sinuklay din ang makapal na buhok gamit ang mga daliri.

"Kunyari hindi ko alam na kinukuhanan mo ako, ah! Gandahan mo. Ipopost ko 'yan sa Facebook ko."

"Sige!"

Nag-umpisa nang tumalon-talon si Ada sa damuhan habang hawak pa ang laylayan ng bestida. Para itong bola na masayang tumatalbog-talbog.

HG 2: Sounds of SubmissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon