Dalawa

109 6 0
                                    

Dalawa

I sighed deeply when I go out of my room. Malayo pa lang ang rinig na rinig ko na ang boses ni Madam Gebs na parang may kausap. Napatigil ako sa paghakbang nang makilala kung sino ang kausap niya ngayon.

"Mr. Chiong, please give me one month. I can pay it in just one month. Just don't report me to the police. I can pay you. I promise," desperadang paki-usap ni Madam Gebs sa isang businessman na intsik. Kilala ko ito dahil ilang beses ko na din itong nakita. Ito ang pinagkautangan ni Madam Gebs para maitayo itong bar.

"I always give you one month. But you didn't pay me. You liar. You scam." Kahit na hirap na hirap mag-english, ay nagawa pa rin ito ni Mr. Chiong. Base sa boses niyang tumataas, alam kung galit na galit na ito.

"I promise Mr. Chiong. I will pay you." Lumabas na ako pinagtataguan ko dahil baka malate pa ako kapag patuloy ako sa pakikinig nang usapan nila Madam Gebs. At nag-iisip rin ako kung saan ako pupunta kung maisasara ang bar. Siguradong balik sa kalsada na naman ako kung mag kataon.

Kita ko ang pagtingin ni Mr. Chiong sa akin nang lumabas ako. Ang kaninang mabangis niyang mukha ay naging maamo. Si Madam Gebs naman ay matalim na mata kaagad ang ipinukol sa akin.

"Magandang umaga, Mayen," nakangiting bati sa akin nang instik na kahit hirap na hirap magtagalog ay pinipilit niya pa rin ang sarili niya. Tumango lang ako sa sinabi niya at agad na umalis. Pero hindi nakatakas sa pandinig ang sinabi nang instik.

"I have a preposition for you, pag natuloy ito. Mawawala lahat ng utang mo. Just do this."

Napailing nalang ako at umalis. Pagdating sa eskwelahan, ay walang pinagkakaiba. Ganoon pa rin ang trato nila sa akin. As if naman, may magbabago. Napatigil ako sa paglalakad nang humarang sa dadaan ko sina Julia at Ely. Isa sa mga sikat na babae sa paaralan. Alam ko kung ano na naman ang kailangan nito. Tinuturing silang mga ‘queen bee' kono sa paaralan. Magaganda at mayayaman ang babaeng ito, pero kung ano ang ikinalaki nang mga pocket money nila, ay ganoon naman ang ikinaliit ng mga utak nila. In short, bobo.

"Ang prosti of the year, nandito na naman." Si Julia. Tumingin ako sa kanya, at agad na itinaas ang kilay ko.

"Nagsusungit si prosti akala mo naman ay pretty." Binuntunan pa nang tawa ni Ely ang sinabi niya. Hindi nalang ako umimik sa sinabi ni Ely at akmang aalis nang hawakan nito ang sleeve nang damit ko. Kita ko ang pagkapunit nito, dahil sa tindi nang kapit nito. Nanlalaking matang napatingin ako sa kanya.

"Oh, why so luma na. Galing ba sa baul nito lola mo to? At isang hatak ko lang ay punit agad," pangu-ngutya ni Ely. Nauligan ko agad ang tawa sa paligid. Marami na palang mga estudyante na nandito sa corridor kung saan ako hinarangan nang dalawang ito.

Hindi ako nagsalita at aalis na sana nang hawakan niya muli ito. Mas lalong napunit ang damit at sa puntong iyon ay kitang-kita na ang bra ko. Rinig ko ang pagsipol ng mga lalaki sa gilid may ilan pang palihim akong kinukunan ng litrato. Lumingon ako sa dalawa, kita ko ang paglunok nila nang makita ang nanlilisik kong mata.

"Ano bang problema mo?" singhal ko habang lumalapit sa kanila. Kita ko ang paghakbang paalis ni Julia kaya agad kong hinatak ang buhok niya para humarap sa akin. Tumili ito nang hawakan ko ang buhok niya, rinig ko rin ang singhapan sa paligid.

"Kinakausap pa kita kaya wag mo akong talikuran." Ako, habang hinahatak ang buhok niya.

"Ouch, my hair. Mahal ang pa salon ko. Oh my gosh. I swear bitch you're gonna pay for this," tili nito habang pinipilit na hatakin ang buhok niya pabalik. Naramdaman ko nalang na may humatak sa buhok ko. Nakita ko agad si Ely na pilit akong sinusunggaban.

"Let go of her hair. Ano ba," sigaw nito habang sinasabunutan ako. Sinabunutan ko rin gamit ang isang kamay ko, habang ang isang kamay ko ay nakahatak sa buhok ni Julia. Pinagtutulungan nila ako habang ang mga estudyante sa paligid ay di alam ang gagawin, kung magsusumbong ba sa principal or manood na lang.

Gentle in Whispers (Isla de Amore Series 2)Where stories live. Discover now