Siyam

94 4 0
                                    

Siyam

Naguguluhan akong napatingin sa kanya. Nakangiti ito habang nakatitig sa akin. Halos marinig ko na ang bulungan sa paligid. Kahit nangingig ay tinanggap ko ang kamay niya na nakalahad sa harap ko. Mas lalong lumaki ang ngiti niya ng makita ang ginawa ko.

Dinala niya ako sa gitna. Yumuko nalang ako para itago ang hiyang nararamdaman ko. Kahit sa maingay na musika, sa mga nag-uusap na tao ay rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko, na sa sobrang lakas ay aakalain mong lalabas na sa dibdib ko. Natigil ang lahat sa pagsasayaw ng biglang umiba ang musika.

Isang nakakahalinang melodiya ang sumabog sa aming mga tenga. Kita ko agad ang paghahanap ng mga kapartner ng mga nakasabay naming sumayaw.

Binibini

Alam mo ba kung paano nahulog sa'yo.

Naramdaman lang bigla ng puso.

Aking sinta, ikaw ang nagparamdam nito.

Kaya sabihin mo sa akin.

Ang tumatakbo sa isip mo.

Kung mahal mo na rin ba ako.

Di ko alam kung paano sabihin ngunit hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Palakas ng palakas ang kalabog ng dibdib ko. Halos manlambot na din ang tuhod ko sa intensidad ng pagtingin ni señorito sa akin. Normal pa ba ito?

Isayaw mo ako.

Sa gitna ng ulan mahal ko.

Kapalit man nito'y buhay ko.

Gagawin ang lahat para sa'yo.

Alam kung mahal mo na rin ako.

Pilit kong iwinakwaksi sa isip ko ang meaning ng kanta. Di ko alam kung bakit ganoon ang piniling kanta. Parang, masyado atang akma sa nararamdaman ko ngayon. Nang magsimula ang bagong lireko ng kanta ay agad niya ang akong pinaikot. Hindi ko alam ang ginagawa ko pero sumabay nalang ako sa kanya. Kita ko ang paglitaw ng multong ngiti sa labi niya. Para siyang namamanghang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero napangiti nalang din ako sa kanya.

Napatigil ako sa pag-ikot ng may maramdaman akong munting tulo sa mga braso ko. Napasinghap ako ng makitang umaambon pala. Hindi naman ito masyadong malakas kaya hindi pa ako nababasa. Napatingin ako sa kasayaw ko ngayon na hindi ata alintana ang ambon.

"Umaambon señorito," sabi ko sa kanya at akmang hihilahin siya para makasilong kami. Ngunit hinawakan lang nito ang kamay ko.

"Hayaan mo, mawawala din iyan pag umulan na." Nakangising sabi nito. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Ano daw?

"Parang tanga. Sumilong muna tayo." Kumbinse ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig. Buti nalang at hindi pa gaanong malakas. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hatakin at ikulong sa bisig niya.

"S-señorito," nauutal kong sabi. Nakakulong pa din ako sa bisig niya. Hindi ko alam kung may tao pa ba sa paligid namin pero isa lang ang nasisiguro ko. Hindi ito maganda para sa puso. Nagsisimula na naman itong kumalabog ng malakas.

"Shh, let's cherish the moment." Malumanay na sabi nito habang yakap pa rin ako. Di ko alam kung anong espirito ang pumasok sa akin pero nakita ko nalang ang sarili kong yumakap pabalik sa kanya. Hindi na talaga ito maganda.

Habang umaambon ay patuloy lang kami sa pagsasayaw. Naging marahan ang galaw ng aming mga katawan. Sumasabay sa saliw ng tugtugin. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napasandal sa kanya habang nakayakap siya sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang tibok ng puso ko.

Gentle in Whispers (Isla de Amore Series 2)Where stories live. Discover now