Dalawampu't -lima

72 5 0
                                    

Dalawampu't-lima

"Do you have any questions?" Tanong nito nang kumalma na ako sa pag-iiyak.

He remained there while watching me cry. Alam kung gustong-gusto niyang lumapit pero pinipigilan niya lang ang sarili niya. I appreciate his effort, tho.

Kahit na alam ko ang ginawa niya at ang mga nagawa niya ay di ko pa din mawala sa isip ko ang mga sinabi niya n'ong gabing iyon. Di ko alam kung mawawala pa ba iyon sa aking isip.

Then a thought struck me. Did he do it for his revenge? Ginawa niya din ba iyon para makapaghigante sa akin. Iniisip niya ba na mas babalik at mas lalapit ako sa kanya pag nalaman ko ang ginawa niya?

There's no other reason than that. Wala akong naiisip na ibang rason kung hindi iyon lang. Ginawa niya iyon para maghigante. Itong mga ginagawa niya ngayon ay parte pa din ng paghihiganti niya. Lahat ng mga sinasabi niya.

Ang layo ng narating niya para sa paghihiganti niya. Ganoon ba talaga siya kagalit sa akin para gawin iyon? Para pag-aksayahan ako ng oras? Ganoon ba talaga kasama ang ginawa ko? Ginawa ko lang naman iyon dahil pinapalayo ako ng ina niya.

Wala na ba talaga akong kwenta? Bakit ganito? Lahat lang talaga ba ng tao ay paglalaruan ako?

"M-masaya ka ba sa ginawa mo?" Di mapigilang tanong ko sa kanya. Pilit kong binubuo ang boses ko kahit na parang may nakabara sa lalamunan ko.

Nanantiya ang tingin niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

"M-masaya ka ba sa mga ginawa mo?" Ulit na tanong ko sa kanya nang hindi niya sagutin ang tanong ko.

His jaw clenched at my question.

"As long as I'd give justice to you, then I'm good."

Pagak akong ngumite sa sinabi niya.  Hanggang sa natawa nalang ako ng sarkastiko. Really? Give justice?

"Eh sa paghihigante sa akin? Masaya ka ba?" Di mapigilang saad ko.

Kita ko ang pagdaan ng gulat sa kanyang mga mata. Gulat ka na alam ko? Gulat ka na may nakaalam ng plano niyo ni Katelynn?

"What the fuck are you saying?" He snapped darkly. I smirked at him.

"Too bad, nalaman ko ang plano niyo ni Katelynn. Plano mong maghigante sa akin diba? And you use my damn virginity para makapaghigante ka. Are you satisfied? Nasatisfied naman siguro kita diba?" I snapped at him.

"Although, di mo naman kailangang gawin iyon. Pinag-aksayahan mo pa talaga ng panahon si Mr. Chiong para magamit lang sa paghihigante sa akin. Ganoon ka ba talaga kagalit sa akin? Di mo na kailangan n'on. Dahil kung gusto mo akong madurog, gusto mo akong masaktan. Ito na durog na durog na ako." Nakangiti kong sabi sa kanya kahit na tumutulo na ang mga luha ko.

"Durog na durog na ako. Wala nang natitira pa. Nong gabing iyon? Narinig ko ang usapan niyo ni Katelynn. Alam kung nagbago na ang lahat pero di ko makapaniwala na ang dating minahal ko ay nagbago na din. Nong gabing iyon, binigay ko ang sarili ko sa'yo dahil mahal kita. Limang taon na ang lumisan pero mahal pa din kita. Pero alam ko kung ano ang napagtanto ko, na paghihigante lang pala ang lahat. May plano pa ba kayo? Ito na, durog na durog na."

"Fuck it. I did it because I love you. Hindi ko ginawa iyon para paghigantihan ka. Ginawa ko iyon dahil mahal kita."

Napalingon ako sa sinabi niya. He looked hurt while looking at me. Siya pa ang may ganang masaktan? Ang galing niya din ah. Ang galing niyang magpanggap.

"Bullshit. I call bullshit on that. Rinig na rinig ko ang mga sinabi mo. Rinig na rinig ko ang tawagan niyo ni Katelynn. Wag mong sasabihin na mahal mo ako. Narinig ko, narinig ko ang lahat. Kaya wag kang mag-maang-maangan dahil alam ko na."

Gentle in Whispers (Isla de Amore Series 2)Where stories live. Discover now