Chapter One

38 6 0
                                    

AIKA'S POV

Nagising ako sa lakas ng katok ni Nanay Mareng. " Ayaka, bumangon kana diyan. Dalian mo't tumatawag ang mommy mo."

Tiningnan ko Kung anong oras na at nang Makita Kong alas otso na ay dali dali kong binuksan ang pinto at inabot naman ni Nanay Mareng ang telepono.

"Hello dad, good morning. Bat Po ang aga nyo napatawag?" Magalang kong tanong kahit alam ko na ang sasabihin niya.

[ "Aika, it's time to go home. Nakakahiya na kina Manang. Almost one week ka nang nandyan sa kanila. And tanghali kana gumising, Hindi ka ba nahihiya kay Manang?"]

"Dad, ngayon lamang po ako natanghali ng gising dito dahil napasarap ang kwentuhan namin ni Nanay Mareng kagabi."

["Magbihis kana, dahil susunduin kana dyan ng kuya mo. And Aila told me na mamimili kayo Ng gamit para sa darating na pasukan."]

Thursday ngayon at sa lunes na ang pasukan. I'm now a grade 10 student. To be honest tinatamad pa akong pumasok. Hindi ko na Kasi makakasama ang mga kaibigan kong sina Saffiera, Lleigh, and Rhein dahil nag transfer ako sa FENRIR UNIVERSITY dahil dun nag aaral sina ate.

Natapos na yung usapan namin ni Dad kaya naman ay nagbihis na ako at nag ayos. Actually kaya ako nagmamadali kanina ay dahil tanghali na, syempre nahihiya din naman ako kina Nanay Mareng. Si Nanay Mareng kasi dati ang nag aalaga saamin tuwing wala sina Mom and Dad Kaya lahat kaming magkakapatid ay malapit sa kanya.

Lumipas na ang oras at Maya maya lang ay dumating na si kuya Aldrin. "Nanay Mareng, alis na po kami. Salamat po." Nakangiti Kong Sabi habang nagpapaalam sa kanya. "Kayu muna'y kumain." Pag aaya Niya.

"Hindi na po. Sa bahay na lamang po. Nag iintay na po kase si mom e." Nakangiting sabi ni kuya. "And uh, I almost forgot may pinabibigay nga po pala sina mom."

May kinuha siya sa kotse na fruits, vegetables, medicine, groceries, and cash.

"Naku Naman ay bat nagdala pa?" nahihiyang sabi ni Nanay Mareng.

"Tulong daw po sa asawa nyo at sa inyo." Lumapit si kuya kay Nanay Mareng at kunwari'y bumulong pero malakas naman ang pagkakasabi. "At pati nang makabawi naman daw po sa abalang ibinigay sa inyo ni Aika." At nagtawanan sila.

"Kuya pakinig ko yun ha!" Nakasimangot na Sabi ko.

"Nakung Batang to, kahit Sino sa inyo ay pwedeng tumuloy dito. Hindi kailanma'y magiging abala saakin." Nakangiting Sabi ni Nanay Mareng.

Nagpaalam na kami, at ngayon nakasakay na kami sa sasakyan. Maya maya lng ay nakarating na kami sa bahay. Unang bumungad saamin ay si Manang Neli. "Iha, dumiretso na kayo sa may kusina. Kanina pa kayo iniintay Ng mommy niyo."

Sinunod ko naman agad ang sinabi ni Manang Neli. Nakita Kong nakaupo na Sina Mommy, ate Aila. Ang pangalawa  saming magkakapatid. Si Alviz, Ang pang apat saming magkakapatid at si Aira Ang panglima saamin. Umupo na din si kuya Aldrin, ang panganay sa amin.

The Gangster Stole my HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant