Chapter Three

17 4 1
                                    

AIKA'S POV

Nakarating na kami sa mall. Si kuya Jun ay nagpaiwan sa sasakyan. Dumiretso na kami sa store ng school supplies. Wala naman akong masyadong kailangan, mga notebook, ballpen, at papers lang meron pa naman kasi akong stock sa bahay. Nakita ko si ate Aila na madaming kinukuhang envelope at ng iba pa. Sabagay college student siya.

Natanawan ko ang National Book Store. Lumapit ako kay ate Aila. "Ate pupunta lang akong National Book Store." Pagpapaalam ko.

Tiningnan ko si kuya Aldrin na nag ce-cellphone lang. Si Alviz naman ay ganon din samantalang si Aira naman ay abalang abala sa pagpili ng mga notebook.

"Kuya, hindi ka ba mamimili? Ikaw din Alviz?" Tanong ko sa kanila kasi naman ay nag ce-cellphone lang sila.
"Bibili. madali lang kaming pumili ng gamit. Kayong mga babae ang matagal." Sagot naman saakin ni kuya.

"Aika, anong sabi mo kanina? Pupunta kang National Book Store? Wait, Sama ako sayo." Inaabot Niya kay Manang Neli ang kanyang basket. Ibinigay ko na din kay manang yung sa akin.

"Manang, punta lang kaming national book store. Na kay kuya po yung ATM card ni mommy. " Tumango naman ito.

"Kuya, si Aira at Alviz ha. Punta lang kaming national book store. May ipabibili ka ba dun?" Tanong ko sa kanya.

"Muka ba akong mahilig sa libro?" Nakasimangot na sagot niya sa akin.

Tumawa na lang ako. Kailan nga ba siya nahilig sa libro? pero matalino siya. He is now a 4th year College at kailanman ay hindi niya napabayaan ang pag aaral niya. Syempre Siya ang panganay. Siya ang magiging katuwang nina mommy at daddy sa pag papatakbo ng negosyo. "Si Alviz at Aira ha." Pagbibilin ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Ate, tara." Pag aaya ko.

Naglakad na kami papuntang national book store. Nakapasok na kami, ngiting ngiti pa nga yung guard. May tumawag sa cellphone ni ate kaya naman ay humiwalay ako sa kanya. Kasalukuyan akong namimili ng libro ng may isang libro ang nakaagaw ng pansin ko. Tungkol ito sa love story ng isang babae at ng isang gangster. Hmm, Interesting. Sabi nila ay nakakatakot daw ang mga gangster. Nanakit, nambubugbog at minsan ay pumapatay. Hindi ko sila ayaw pero hindi ko din naman sila gusto. Siguro naman sa panahon ngayon ay wala ng mga gangster.

"Syempre, pupunta ako. Hindi pwedeng hindi. I think meet in the parents na kyahhh!"

Napatingin ako kay ate. Rinig na rinig ko ang tili nya. Siguro tungkol sa crush niya na naman yun.

Kinapa ko yung bulsa ko para tingnan ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Nalaglag pa ata." Bulong ko.

"Oh, ano? May napili ka na ba?" Tanong sa akin ni ate. Tumango na lamang ako. Binayaran niya na ang pinamili namin.

"Thank you ma'am. Please come again." Sabi nung guard at may pagkindat pa. "Sure tatay."

Tinawag ni ate na tatay yung guard. Sumimangot tuloy ito. Mukang good mood si ate samantang ako hindi ko magawang ngumiti dahil Shems! yung phone ko nawawala.

Bumalik na kami sa store ng school supplies tapos na din sina Alviz mamili. "Let's eat, I'm hungry." Pag aaya ni Aira kaya naman ay kumain kami sa isang restaurant dito sa mall. Hindi ko naintindihan yung pangalan nung restaurant dahil lutang ang isip ko. Kumain na kami. Maya maya lang ay natapos na ako at tiningnan ko naman sila. Hindi pa sila tapos.

Tiningnan ako ni ate Aila.

"Oh, are you already done?" Tanong niya saakin. Tumango naman ako. Kinuha ko yung take out para kay kuya Jun. "Ate, dadalhin ko na ito Kay kuya Jun, nawawala kasi Yung phone ko baka naiwan ko lang dun sa sasakyan." Pagpapaalam ko.

The Gangster Stole my HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora