Chapter Ten

7 3 0
                                    

AIKA'S POV

Ano daw ang sabi? Manyak? Manyak daw ako? Gosh.  Hindi ko naman sinasadyang dumulas yung kamay ko malapit dun sa ano niya ah, at saka isa pa hindi ko naman nahawakan yung ano niya! Shems!

Pero nahawakan ko pa din ang abs niya!

Namula ako sa naisip ko kaya naman ay ipinilig ko ang ang aking ulo. Ano ba yung mas nakakahiya?

Yung madapa ang muka ko sa samento at makita ako ng mga tao o yung saluhin ako ng gwapong lalaking yun na nahawakan ko ang abs at dumulas yung kamay ko malapit dun sa ano niya.

Shems!

Kung hindi ako nasalo ng lalaking yun, baka lumapat yung muka ko sa samento at siguradong bangas bangas na yung mukha ko at baka pumutok pa ang labi ko, idagdag pa yung baka pagtawanan ako ng makakakita sa akin. Syempre mas nakakahiya yun. Atleast sa lalaking yun lang ako mahihiya. Mabuti nga at walang nakita sa amin. Hindi ko na naman na siguro makikita siya pagkatapos ng gabing ito.

Natigilan ako ng maalala ko na naman ang gwapo niyang muka. Gosh! Please go away. Lumayo ka sa utak ko.

Ipinikit ko ang mata ko dahil para mawala ang lalaking yun sa isip ko. Nang iminulat ko ang mata ko ay bahagya itong nanlaki ng makita ko si ate na umiinom ng alak at halatang medyo lasing na. Hala? Gosh ate, lagot tayo kina daddy pag umuwi kang lasing. Pinayagan kaming pumunta sa party na ito basta huwag daw kaming uuwing lasing at uuwi kami bago mag twelve am.  Gosh. Lagot kami nito. Dali dali ko itong nilapitan.

"Ate, bakit ka uminom? Lagot tayo kina daddy." Kinakabahang wika ko at saka inagaw sa kanya ang hawak niyang isang baso ng alak. Ipinatong ko ito sa may table.

"Hey, lil sis. Nahihilo ako."

Nakita ko siyang kumapit sa may table para hindi siya matumba. Shems anong gagawin ko? Nakita kong palapit samin si kuya Vien.

"The hell, Aila! Why did you drink?" Bakas sa boses nito ang galit.

"Wala kang pakialam. Hikhik." Tumatawang sabi ni ate pero nangingilid ang luha.

Humarap ako kay kuya Vien.

"Nahihilo daw siya. Uuwi na kami. Pwede pakibantayan dahil tatawagan ko lang si kuya Jun?" Nag aalalang wika ko.

"No, mamaya na kayo umuwi, pumasok muna kayo sa loob. Palipasin muna yung pagkalasing niya ng sa ganon ay mahulasan siya. Wait me here, papauwiin ko na ang mga bisita besides eleven thirty na."

Nanlaki ang mata ko dahil eleven thirty na, Gosh, anong gagawin ko? Pag umuwi kami ngayon at lasing si ate, tiyak papagalitan kami. Non-stop.

Nakalapit ng muli sa amin si kuya Vien. Binuhat niya si ate na pang bridal style. Gosh! Ako ang kinikilig sayo ate. Shems!
Nakita kong medyo malayo na sila, kaya naman ay dali dali kong kinuha ang cellphone ni ate na nasa table at saka patakbong humabol sa kanila.

Kasalukuyan na ngayon na nakahiga si ate sa sofa. Gusto sanang dalhin ni kuya Vien si ate sa guest room ng sa ganon ay maging kumportable daw ang higa nito pero hindi ako pumayag. Sobrang nakakahiya na. Gosh! Bakit ka ba kasi uminom? Pero in fairness binuhat ka kanina ng crush mo at ito ka ngayon nasa loob ng bahay nila.

Nandito ako ngayon sa paanan ni ate, at nakakaramdam na ako ng antok. Gosh, nakakaiingit si ate dahil mukang masarap ang tulog niya. Wala si kuya Vien dito dahil naliligo ito. Wala akong makausap dito kaya naman ay inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalaro ng piano tiles na apps sa cellphone at hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.

Nagising ako dahil parang may nagsisigawan ngunit pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko.

"Fvck! Wala man lang nagbuhat sakin? O kaya nag-gising? Kung hindi pa ako nahulog sa pool, dun sana ako magpapalipas ng gabi sa labas!"

The Gangster Stole my HeartWhere stories live. Discover now