Kabanata 6

2.3K 281 11
                                    

"A round of applause to Family Fuentavilla! A Family of Engineers, and also..."

Taimtim akong nanonood sa event. I took some pictures and videos. Pero nang magsalita na muli ang emcee ay napahinto ako at tutok na tutok sa sasabihin niya.

Napuno ng palakpakan ang lahat ng tumayo ang Family Fuentavilla kuno na binanggit ng emcee.

"Syempre, ang nag-iisang Abogado sa kanilang pamilya..."

Halos mabingi na ako sa hiyawan ng mga tao habang ako naman ay nakakunot ang noo habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng emcee.

"Atty. Zavier Nicos Fuentavilla!" Sigaw ng emcee.

Muli 'kong ibinalik ang tingin sa Family Fuentavilla at nakagat ko ang labi ko ng makitang marami sila. At halos magkaka mukha pa sila. Lahat sila Engineer? At si Attorney Zavier Fuentavilla ang naiiba sa kanila? How come? Bat umiba siya ng landas?

Halos matawa ako sa naisip. Napailing nalang ako at kinuhanan nalang sila ng litrato. Wala akong ginawa kundi ang kumuha ng mga pictures. Palipat lipat ako ng pwesto hanggang sa may lumapit sa aking lalaki.

"Excuse me, Miss?" Kuha niya sa atensyon ko.

Tinignan ko siya at kumunot ang noo ko. Isa sya sa mga Family Fuentavilla!

"I'm Engr. Zalde Fuentavilla," inilahad niya ang kamay sa akin.

Ngumiti ako at nakipag shakes hand naman sa kanya. Sabi na nga ba at isa rin siyang Fuentavilla! Magkapatid ba sila ni Attorney Fuentavilla? Magkahawig kasi sila, well, halos lahat naman sila.

"May kailangan ka po ba? Comfort room ba? Nasa may gilid--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ng kaagad siyang natawa at nailing.

"Actually, no," natawa na naman siya kaya naman palihim akong napairap. Happy yarn? "Seems like you're the one who's taking a picture around, if you don't mind can you take a photo of me?"

Mabilis naman akong tumango. "Seryoso ka ba Engineer?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Do i look like I'm joking?" Tumaas ang kilay niya kaya naman nataranta ako at kaagad nang inayos ang camera ko.

"S-sure!" Tumikhim ako at inumpisahan na nga siyang kuhanan ng litrato. Nang makatatlong shot ako ay tinignan ko ang nakuha ko.

"Wow, ang gwapo..." Wala sa sariling sabi ko.

"Nice shot!"

Napatalon ako sa gulat ng magsalita siya sa tabi ko at nakatingin na pala sa camera ko. Nanuot pa sa ilong ko ang pabango niya.

"You're a great photographer," ngumiti siya ng pagka gwapo-gwapo at halos manlambot ang mga tuhod ko.

"T-thanks, Engineer!" Sabi ko at ginantihan siya ng pagkatamis-tamis na ngiti.

Kakaiba talaga ang karisma ng isang Fuentavilla. Si Attorney Zavier at Engineer Zalde palang ang nakikilala ko pero grabe na ang pagkamangha ko. Paano pa kaya kapag silang lahat na?

"What's your name again?" Tanong niya sabay ayos sa kanyang buhok.

"I'm Sancha Vxy Saavedra," pagpapakilala ko.

Kumunot ang noo niya at parang may iniisip. "Saavedra?" Nagtatakang tanong niya.

Tumango naman ako. "Yes,"

"So, Yselley Saavedra is your?" Tumaas ang kilay niya.

Nawala ang ngiti ko ng banggitin niya si Yselley. "She's my cousin," sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya. I guess kilala na siya na ng Family Fuentavilla.

Tumango naman siya at magsasalita na sana ng biglang may lumapit sa kanya.

"Kuya Zalde,"

It was Attorney Zavier Fuentavilla.

"Yes, Zav?" Sagot ni Engineer Zalde at umakbay ito sa kanya.

Hindi naman sumagot si Attorney at nanatiling nakatingin ito sa akin. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.

"Oh, great, well, andito kana rin naman." Lumapit sa akin si Engineer Zalde at hinawakan ang braso ko kaya napaigtad naman ako. Umawang ang labi ko at gulat na tumingin sa kanya. "This is Sancha Saavedra," pagpapakilala niya sa akin without knowing na kilala na ako ni Attorney. Well, kung hindi pa niya ako nakakalimutan.

Kumunot ang noo ni Attorney habang nakatingin sa braso ko na hanggang ngayon ay hawak parin ni Engineer Zalde. Tumikhim siya at ngumiti na para bang wala lang.

"Nice to meet you, Sancha." Seryosong sabi niya at niyuko kaunti ang kanyang ulo.

Umawang ang labi ko dahil sa ginawa niyang 'yon. Look like he's pretending that we didn't know each other yet.

"He is Zavier Nicos Fuentavilla, siya ang nag-iisang Abogado sa Family namin. Well, kung hindi mo tatanungin, he is single." Tumawa si Engineer Zalde at umakbay ito kay Attorney. Nag init naman ang pisngi ko dahil doon.

"Kuya," siniko siya ni Attorney.

Tawang-tawa naman si Engineer Zalde. "Wala ka pa bang boyfriend? Asawa?" Tanong niya sa akin.

Mabilis naman akong umiling at natawa sa tanong niya. "I'm single," sagot ko.

"Gusto mo sa Abogado? Nandito naman kapatid ko!" Sabi ni Engineer Zalde at walang tigil sa kakatawa.

Napatingin naman ako kay Attorney na parang naiinis na sa pinagsasabi ni Engineer Zalde.

Tumikhim ako. "Mangingisda ang gusto ko," wala sa sariling sabi ko at yumuko.

Kumunot ang noo ko ng biglang tumahimik ang paligid. Si Engineer Zalde ay hindi na tumatawa at halos hangin nalang ang naririnig ko sa paligid. Nang mag angat ako ng tingin sa kanilang dalawa ay seryoso na ang mga mukha nila.

"Y-you what?" Hindi makapaniwalang tanong ni Engineer Zalde.

"Mangingisda ang gusto ko, hindi Abogado." Seryosong sabi ko. "Excuse me," mabilis akong umalis at iniwan sila doon na puno ng pagtataka ang mukha nila.

Napahinto ako nang makitang nasa harapan ko na si Charry at nagtatakang tumingin ito sa akin.

"Oh? Bat nakabusangot yang mukha mo? Anong nangyari?" Tanong niya at lumingon kung saan ako galing.

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Sila Attorney 'yon, ano?" Siniko niya ako at kinikilig pang ibinalik ang tingin sa dalawang magkapatid. "Anong ginawa nila sayo? Inaway ka ba?" Nag aalalang tanong niya ng mapansing hindi ako umiimik.

"Tinanong kasi ako ni Engineer Zalde kung gusto ko ba ng Abogado," sabi ko sa kanya.

"Anong sabi mo?" Tanong niya.

"Sabi ko ayaw ko," sagot ko.

Kumunot ang noo niya at hinampas niya ang braso ko. "Ano?!"

"Sabi ko mangingisda ang gusto ko, hindi Abogado." Pilit akong ngumiti kay Charry.

"Puta," mura ni Charry at napahawak sa kanyang ulo. "Kaibigan ba talaga kita?" Pinanlakihan niya ako ng mata at parang gusto niya akong sabunutan pero nagpipigil lang siya.

IVS 1 Lost In Pleasure Where stories live. Discover now