Kabanata 10

1.8K 245 55
                                    

Ilang minuto nga lang ay nakarating na rin kami sa kabilang Isla. Tulong-tulong nga ang lahat sa pagbaba ng mga gamit. Kanya-kanyang dala ng mga tent bawat Pamilya. Ang dala ko naman ay ang maliit na cooler na may mga bottled water.

"Kaya mo ba? Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Charry.

Nginitian ko lang siya at pinakitang kaya ko na. "Okay na ako, thank you."

Nauna na nga ako sa paglalakad dahil medyo mataas pa nga ang lalakarin namin. Ngayon lang ulit ako makakapaghiking. Puro kwentohan at tawanan lang ang lahat. Mayroon silang sari-sariling mundo. May mga naguunahan pang maglakad.

Inopen ko ang camera ko para nga makuhanan ko ng view ang paligid.

"Ang ganda, no?"

Mabilis akong napatingin sa nagsalita sa tabi ko. Malawak ang ngiti ni Capt. Hunter habang nakatingin sa akin.

"Oo naman," sabi ko at napapikit pa sa simoy ng hangin.

"At ang ganda mo rin," sabi niya na ikinahinto ko.

Nag-iinit naman ang pisngi ko sa sinabi niya kaya hindi na ako nagsalita at binilisan ko ang paglalakad.

"Teka naman, ang bilis mo naman!" Tawa niya at kaagad naman siyang nakasunod sa akin.

Binagalan ko nga ang paglalakad ko hanggang sa magkasabay na kaming dalawa. Malawak parin ang ngiti niya.

"Ako na magbuhat niyan," mabilis niyang inagaw sa akin iyong dala 'kong cooler kaya naman napaawang ako.

"Kaya ko naman, e." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"Tingin mo sa akin mahina?" Inirapan ko siya.

Tumawa lang siya. "Mas lalo kang gumaganda pag nagsusungit ka, ano?" Kinagat niya ang labi niya kaya naman umiwas ako ng tingin.

Pero ang hindi ko inaasahan ay nagkasalubong kami ng tingin ni Attorney Zavier. Nakakunot ang noo niya at madilim ang mga mata niya. Para siyang galit na hindi ko maintindihan. Nakagat ko tuloy ang labi ko at naalala iyong nangyari kanina. Galit ba talaga siya sa akin? Hindi ko naman sinasadya.

"You love nature?"

Napakurap-kurap ako ng magsalita si Capt. Hunter. Kaagad ko namang itinuon ang atensyon ko sa kanya.

Tumango ako. "Oo naman,"

"I love nature too," he winked.

Hindi ko alam kung anong trip niya. Napapansin ko kanina pa siya nakadikit sa akin. Mula sa resto hanggang dito.

"Ang sabihin mo, you love girls!"

Napatingin naman ako sa umakbay sa kanya.

"Gago," bulong ni Capt. Hunter at mabilis na lumayo kay Ceo Silas.

Napabuntong hininga nalang ako at nauna ng maglakad. Pakiramdam ko ay mas lalong mapapagod ako kapag nakadikit sila sa akin.

"Sancha, hintayin mo naman ako!" Sigaw ni Capt. Hunter at halos takbuhin niya na ang paglapit sa akin.

Palihim akong napairap. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sila pa mismo ang lumalapit sa akin. Pero ngayon ay nakakaramdan ako ng pagkairita.

Kwentohan. Tawanan. Tigil sa paglalakad para magpahinga. Kakain tapos tuloy ulit sa paglalakad. Nang makahanap kami ng magandang pwesto ay doon na nga tumigil ang lahat. Kanya-kanyang pwesto bawat Pamilya. Pasapit narin ang hapon kaya naman nagtatayo na sila ng kanilang mga tent. Hindi ko naman na kailangan tumulong sa pagtayo ng aming tent kasi kaya naman ng mga kasama ko. Naupo lang ako sa may putol na kahoy. Napabuntong hininga ako at napapikit. Mabuti nalang at kinaya ko kahit masama lang ang pakiramdam ko kanina.

Umiinom ako ng tubig ng tumabi sa akin si Ceo Silas.

"Nililigawan ka na ba ni Hunter?" Kaagad niyang tanong.

Kumunot ang noo ko at pinunasan ang labi ko gamit ang palad ko.

"Friend na kami ngayon ni Captain, he's not courting me. Hanggang kaibigan lang." Sagot ko.

Alam 'kong trip niya lang yung mga ginagawa niya. Tsaka that's impossible if he want to court me. Agad-agad? Kakakilala lang namin kagabi tapos liligawan niya na ako?

"Ang cute mo," ngumiti siya at inayos ang nagulong buhok ko.

Natulala ako. Mas lalong lumalabas ang kagwapohan niya habang nakangiti. Hindi ako makapag salita.

Tumawa siya. "Speechless? Don't worry, I'm just saying the truth. And uh, i like your hair." Hinawakan niya muli ang buhok ko at hinahaplos ang dulo nito. Para siyang bata na tuwang-tuwa at nilalaro ang buhok ko.

"T-thank you," nauutal 'kong sagot at pinapanood siyang laruin ang buhok ko.

But suddenly i stopped. He was already braiding my hair. Ngumiti lang siya sa akin at patuloy lang siya sa ginagawa hanggang sa matapos siya. My hair is already braid into two. Inayos niya ito at inilagay sa harap ko ang buhok ko. Nagmistulang bangs naman ang maiksing buhok ko sa harap.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Gusto 'kong magsalita pero ayaw bumuka ng bibig ko.

"You look perfect, para kang si Moana." Sabi niya at kumindat pa. "Yun nga lang, maputi ka." Tumawa siya.

Pilit akong ngumiti. Grabe parin ang kabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Kinikilig ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Kumikinang ang mga mata nito na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

"Y-you know how to braid?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Nawala ang ngiti niya at napalitan ng lungkot ang mga mata nito.

Huh?

Tumango siya at pilit na ngumiti. "Yes, i was doing it when my sister is still alive."

Umawang ang labi ko. "Sorry, hindi ko sinasadya... hindi ko alam." Paghingi ko ng tawad.

Doon naman na muli siya tumawa at umiling-iling. "It's okay. I was already moved on, but when i saw someone na naka braid ang hair i really missed her so much." Ngumiti siya sa akin at muling hinawakan ang buhok ko. "You have the same hair color as her, so i braid your hair baka sakaling makita ko siya sayo."

Hindi ako nagsalita. Nanatiling nakatitig lang ako sa kanya. Nagsimulang mag-ingay na ang paligid pero nakatuon lang ang atensyon ko sa kanya. Parang ayaw umalis ng paningin ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Anyway, can i get your number?" Tanong niya.

Napakurap-kurap naman ako at tumikhim. "Para saan?"

Hindi ko alam kung way niya lang ba yung pagdadrama niya para makuha ang number ko. Sabay ganon, e?

"Don't worry, I'm single. Ayos lang ba na kunin ko? Wala naman sigurong magagalit?" Tumaas ang kilay niya.

Napansin niyang hindi parin ako sumasagot kaya tumikhim siya at umayos ng upo.

"Para may kausap ako if i need someone to talk to." Sabi niya.

Inilabas niya ang cellphone niya at inabot sakin. Bumuntong hininga ako at inilagay nalang ang cellphone number ko roon.

Malawak na naman ang ngiti niya. "Hindi ko pa kasi nahahanap yung babaeng magpapatibok ng puso ko." Sabi niya at tumayo na.

Kumunot naman ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Huwag niyang sabihin na ngayon ay nakita niya na? Pshhhh bulok na 'yang ganyan.

"Balik muna ako sa mga kasama ko, talk us later? About life, and uh... love life?" Tumawa siya at nagsimulang iwanan na nga ako.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa paligid. Hindi ko namalayan na nakagawa na pala sila ng mga bonfire. Padilim na pala kaya naman tumayo na ako para hanapin si Charry. Pansin ko ang tingin sa akin ng mga nandito kaya naman kaagad akong nailang.

Sana naman ay huwag nilang bigyan ng malisya ang mga nakikita nila.

IVS 1 Lost In Pleasure Where stories live. Discover now