✨ Ikalawa ✨

765 9 1
                                    




✨✨✨

"Congrats Jonas! Hindi mo naman ako inimbita sa bachelor's party mo!" Gegewang gewang na bati ni Stef sa kaniyang pinsan pagka entrada niya pa lamang ng events place. Naroon din ang iba pa niyang mga pinsan at pati ang mga kuya niya. May hawak pa itong bote ng alak at itinungga ito.





"Stef. . ." Mabilis na lumapit sa kaniya ang Kuya niyang si Nathan ngunit hinawi niya lamang ito palayo sa kaniya. Hindi ito ang target niya, kundi ang pinsan niyang si Jonas na nalalapit na ang itinakdang kasal.









"Nakakatampo naman kayo, hindi niyo ko inimbita!" Muli itong lumakad at sa maliit na stage ang direksyon nito kung nasaan ang iba pang mga bisita.







"O baka naman kasi doon ako invited sa bridal shower ng mapapangasawa mo, no?" Nakangiti ito bagkus ay may pait sa kaniyang mga salita. Itinoast niya ang kaniyang hawak na bote sa mga bote rin na hawak naman ng mga bisita ni Jonas. She is really drunk, hindi na niya alam ang ginagawa niya.








"Stef, not now!" Galit na pahayag ni Nathan. Ngayon lamang nila nakita ang kanilang kapatid na mula pa sa London. They didn't expect na darating ito sa araw mismo ng bachelor's party ng kanilang pinsan. That's why they are all shocked. Walang imik na nakatingin sa kaniya ang lahat. Animo'y siya ang groom sa bachelor's party na iyon.








"Not now, kuya? E kailan?" Peke itong tumawa habang tuluyan nang nakalapit kay Jonas. Inakbayan niya ito na ikinaiwas ng binata. Hindi naman kasi sila ganoon ka-close ni Stef para dikitan siya nito.







"Proud ako sa'yo Jonas. Sobrang proud ako sayo!" Sigaw nito na may pagpiyok pa. Pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng kaniyang luha. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya dahil ikakasal na ang pinsan niyang Engineer.








"Hahahahaha!" At muli itong tumawa na wala man lang kahit na anong emosyon. Hinablot niya ang mikropono mula sa isang emcee. Pinukpok niya iyon gamit ang palad niya upang i-testing kung gumagana ito. Nang mapagtantong bukas ito ay inilapit niya ng kaunti sa kaniyang labi ang mikropono at saka nagsimulang magsalita.








"All of you!!!" Sigaw nito sa mikroponong hawak niya. Nag echo ito dahilan para mabingi ang lahat ng naroon. Ang iba pa nga ay tinakpan ang kani-kanilang mga tainga. Pilit niyang inaagaw ang atensyon ng mga tao.








"This guy!" Duro niya kay Jonas. "My cousin, Jonas is getting married! Woooohhh!!!" At pumalakpak siya. Pumalakpak siyang mag isa. Muli siyang nilapitan ni Nathan at sinubukang agawin ang mikropono. Ngunit inilayo iyon sa kaniya ni Stef. Ramdam na nito ang tensyon sa pagitan ng dalawang mag pinsan kaya pumagitna na siya.









"Stop kuya!" Namumula na ang mukha nito sa kalasingan. Pagdating pa lamang niya kasi sa airport ay alak agad ang hinanap niya. Wala ni isa sa pamilya niya ang sumundo sa kaniya because she wanted to surprise them.











Pero siya pala ang masosorpesa.











"Tama na 'yan Stef. Nakakahiya sa mga bisita. . " Napailing siya habang natatawa. Nagsimula ng tumulo ang luha niya na hindi niya alam kung sa anong dahilan ba siya naiiyak. She is hurting inside. Pakiramdam niya ay sinasaksak ng paulit ulit ang puso niya.












"Nakakahiya?" Tumingin siya sa paligid. Tinignan niya isa isa ang mga taong naroon kahit pa nanlalabo na ang kaniyang mga mata.











Seduced By A Lesbian: StefanieWhere stories live. Discover now