✨ Ikalima ✨

422 9 3
                                    


✨✨✨

"Room 135." Sabay na napalingon sa isa't isa ang dalawang bagong bisita ng Anawangin beach resort. Hindi nila alam kung bakit pareho ang binanggit nilang numero ng cottage.



"Excuse me? That's my room." Napataas ang gilid ng labi ni Maris at pinakatitigan ang kausap mula ulo hanggang paa. Psh! Hanggang sa pagbabakasyon niya ba ay kakausap pa rin siya ng englishera?




"But, that's my room!" Inilapag nito ang brochure na ibinigay sa kaniya ng HR. Pabagsak niya itong ipinakita sa harap ng kausap at ng receptionist kung saan nakasulat nga doon ang numero ng kaniyang cottage. Malinaw na sa Room 135 nga ang tutuluyan niya.





"Kaya Miss. Pakibigay na sa akin ang susi." Inilahad nito ang kamay sa harap ng receptionist para makuha ang susi ng cottage. Gusto na rin kasi niyang mahiga at magpahinga dahil galing pa siya sa night shift bago siya bumyhae patungo sa beach na iyon.




"But I have my proof here." Itinapat nito ang screen ng kaniyang mamahalin at bagong modelong cellphone at doon nga nakalagay ang room number niya at parehas na parehas ang numero sa brochure na mayroon siya.




"And this is already paid." Where in, Catrice really paid for that room. Hindi para sa kaniya kundi para sa kanila sana ng bago niyang nobyo. Kinuha lamang niya ang dalawang visitor's pass na iyon para makasama siya sa joiners ng tour na sinalihan ni Catrice at nobyo nito.




Paano'y nakakalat lamang ang visitor's pass sa ibabaw ng bed side table ng matalik na kaibigan. At sakto namang gusto niyang magpakalayo at mapag isa kaya hindi niya na ipinaalam na kukunin niya ang mga iyon.




"Teka Miss, parang may mali yata dito?" Nakasalumbabang tinapunan ng tingin ni Maris ang babaeng receptionist na tila ba nag panic sa pagtaas ng boses ng dalaga sa kaniya.




"Alam mo, Miss. Huwag ka ng magpatalo kasi bayad na nga 'to oh! Hindi katulad nung sa'yo, umaasa lang sa libre ng kumpanya mo!" Umayos ng postura si Maris at tila narindi sa sinabi ng maangas na kausap.




"Excuse me?" Matinis nitong sambit. Nararamdaman niya na ang pag pintig ng ulo niya, bukod kasi sa puyat siya ay malapit na siyang mainis sa mayabang na tomboy na 'to!




"Uhm, please calm down mga ma'am." Ang receptionist na ang nagputol sa masamang titigan nilang dalawa.




"Ichecheck ko lang po dito sa system namin dahil baka nagkaroon lang po ng glitch regarding sa reservation ng mga rooms nila." Kalmado nitong sambit kahit na parang may kaharap siyang dalawang tigre na malapit ng magkagatan.




"Oo miss, paki check ha gusto ko na kasing magpahinga." Sabay irap nito. Hindi naman sana siya magsusungit kung hindi lang siya inaantok at napagod sa mahabang biyahe.




"Anong klaseng pahinga?" Natatawang sambit ni Stef. Mas lalo niya pa itong gustong asarin dahil nakikita niya ang pagkairitable nito. Naaalala niya tuloy si Norien na hilig niyang asarin noon at pagkatapos ay lalambingin niya dahil hindi na siya nito papansinin pagkatapos nitong mapikon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seduced By A Lesbian: StefanieWhere stories live. Discover now