PANANDALIAN

27 3 0
                                    

Ilang ulit pa bang sasaktan?
Ilang ulit pa bang dadagdagan?
Hindi pa ba sapat ang inalay?
Para sa pagmamahal na walang humpay.

'Wag nang aalalahin,
Kung ako'y bibigay,
Masakit mang isipin,
Hindi na kayang mag-antay.

Minsan lalayo,
Pero 'di hanggang dulo,
Pagmamahal na masakit,
'Wag nang ipilit.

Nagpaka-tanga man,
Hindi na masusundan,
Wala nang alinlangan,
Aalis na nang tuluyan.

Paalam sa pagmamahal na panandalian.

solitudeWhere stories live. Discover now