Kailan pa matatapos?
Kailan pa mawawala ang mga unos?Nasa punto na ng buhay,
Na araw-araw ay sumasaklay,Nakakapagod nang humarap,
Sa mga bagay na hindi ko pinangarap,Tila ba ay isang madilim na kwarto,
Patay ang mga ilaw at sarado ang mga pinto,Mga ideya kong nakakalito,
Mga kamay kong nanggugulo,Katawang nagmimistulang masigla ngunit nakalupaypay na,
Nasa impyerno't nagkukubli sa mga maskarang nilikha.
![](https://img.wattpad.com/cover/284563761-288-k554221.jpg)