CHAPTER TEN

65 2 0
                                    

PALAKAD-LAKAD lang ng mga sandaling iyon si Beatrice. Kasalukuyan siyang nasa silid at abala sa pag-dial sa numero ni Rudny na nanatiling hindi sumasagot.

"Hay naku! bii! nahihilo ako sa pabalik-balik mo. Tigilan mo na nga iyan, turn mo na ohhh!"baling sa kanya ni Penelope na nilagyan na ng alak ang shot glass na tatagayin niya.

"Naiinis na naman kasi ako, hindi na naman sumasagot si Ruru sa calls ko!"anas ni Beatrice na agad inilapag ang wala ng laman na shot glass sa mini table kung saan nakalagay lang naman ang isang bote at bucket ng ice cube roon.

"Akala ko ba ay umiba na ang pakikitungo ng Rudny na iyan sa'yo. Bakit parang wala naman pagbabago,"pansin naman ni Farah na panay lang ang pag-e-scroll na ginagawa nito sa hawak-hawak nitong screen touch na phone.

"O-oo, pero alam niyo na busy lang siya sa mga business nila,"pagkakaila ni Beatrice.

"Kilala kita bii, alam ko kung kailan ka nagsisinungaling. Payong kaibigan lang, tigilan mo na ang paghahabol kay Rudny. Ano ka ba girl, sa dami ng naka-date mo sa States na mas gwapo, mas mayaman at mas matino pero sa isang katulad ni Rudny Aragon na gangster ka mapupunta? My God! hindi yata kakayanin ng self ko na makita kang maging miserable in the future,"nalolokang payo ni Penelope na muling nilagok ang laman ng shot glass.

"Huwag ka naman negative diyan, nakatitiyak ko naman na hindi ako papabayan ni  Ruru. May tiwala ako sa kanya,"puno pa rin ng paninindigan na ani ni Beatrice.

"Bahala ka na nga, sana hindi mo pagsisihan ang pagpapakatanga mo sa lalaking iyan, let's cheer for that!"dagdag naman ni Farah na humahagikhik pa.

Nakasimangot na lang na naiiling si Beatrice at kasabay niyon ang pag-bottom shot nito sa iniinom.

MULING naramdaman ni Rudny ang pag-vibrate ng Smart phone niya mula sa suot na leather jacket. Ngunit pinabayaan niya lang iyon, alam naman niyang si Beatrice na naman ang kasalukuyan tumatawag sa kanya.   Hindi na niya mabilang  kung ilang beses itong tumawag at nagmessage sa kanya ng araw na iyon.

Sa totoo lang ay iniiwasan niya ito, ayaw niyang maging kumplikado pa ang lahat sa paglaon kapag pinabayaan niyang magpatuloy ang ginagawa nito sa kanya na pagdikit-dikit.

Maya-maya ay kita niya ang pagbukas ng front door ng bahay. Isang maluwang na ngiti ang pumunit sa labi niya.

"Tara?"tanong ni Rudny kay Novice na tumango lang, muli nitong ibinaling ang pansin sa bahay na nilabasan nito.

Halos kinse minuto rin silang bumiyahe, bago sila nakarating mismo sa "Heaven's Peek" ang bagong bukas na club nila. Tuluyan niyang ipinarada ang sasakiyan sa VIP parking lot na para sa kanya.

Nang bumaba sila ni Novice at makita siya agad ng mga tauhan nila na nakakalat mula sa labas ng club nila ay agad na tinanguan siya ng mga ito matapos iyon ay ipinagpatuloy ng mga ito ang muling pagbabantay.

Dire-diretso silang pumasok, dahil first opening ay halos hindi mahulugang karayom ang lugar. Maluwang at halos limang palapag ang sakop ng lugar.

Sa pag-upo pa lamang nila ng bestfriend niya sa spot na tanging para sa kanya ay agad na siyang nilapitan ng isang waiter. Agad na idinikta ni Rudny ang order niya.

Pinag-enjoy na muna niya ang sarili sa mga babaeng nagsasayaw sa stage habang naghihintay sila sa pagdating ng mga alak at pulutan.

Imported ang mga alak na isine-served roon, maski ang mga babaeng nagsasayaw sa entablado ay iba't iba ang presyo. Ang pinakamababa ay nasa sampung libo. Habang ang pinakamahal na babayaring babae ay bumibilang lang naman ng half Million o mas higit pa dependi sa magiging usapan ng manager nina Rudny at magiging client ng babae.

Dahil purong mayayaman at may masasabing tao sa lipunan na ginagalawan nila ang mga nagpupunta roon ay hindi naman kinuwe-kwestyon kung bakit ganoon kamamahal ang mga babae roon.

Sabay na itinungga nina Novice at Rudny ang hawak nilang beer.

"Ikaw Novice, pumili ka na ng ita-take out mo tonight, treat ko na. Hayaan mo ipapahiram ko sa iyo ang vacant na condominium ko sa may Roxas," panghihimok ni Rudny sa kaibigan.

Sumimsim naman kapagdaka si Novice sa alak na hawak. Marahan nitong inilibot ang tingin sa paligid, maingay ang lugar dahil na rin sa malakas na tugtugin na nagmumula sa malaking stereo. Nakakabuhay din ng dugo ang magagaslaw at makikinang na ilaw na nagmumula sa stage. Maging ang mga babae na nagsasayaw roon na halos hubad na ay nakakaaliw . Magkagayunman ay wala siya sa mood na tumugon sa suhestiyon.


"Oh! bro bakit natahimik ka riyan. Huwag mong sabihin na mag-iinarte ka ngayon. Look! pare andaming magagandang chicks na nakakalat!"pangungumbinsi pa rin ni Rudny.

"I don't know why pare pero. . ."alangan na saad ni Novice.

"Pero ano, si Shaina ang nasa isip mo. Wow! bro bumaligtad na ba ang mundo? mukhang nalulusaw na iyang matigas mong puso oh!"kantiyaw pa ni Rudny.

"Siraulo! manahimik ka nga!"naiiling na sagot ni Novice. Ngunit hindi maaalis sa labi nito and isang matamis na ngiti.

Nagtatawa naman si Rudny. Mukhang lumambot na nga ng tuluyan ang matigas na damdamin ng kaibigan.

"Kahit hindi mo sabihin, kilalang-kilala kita bro. Man, natutuwa naman ako sa wakas! hindi mo talaga totohanin ang binabalak mo. . . "tukoy ni Rudny sa kaibigan.

Bigla naman nawala ang ngiti ni Novice mataman itong nag-isip.

"Oh bakit mukhang may iniisip ka? ayaw mo bang totohanin na lamang na pakasalan si Shaina?"tanong ni Rudny.

Matagal bago hindi nakaimik si Novice, mataman pa rin nitong pinag-iisipan ang dapat sabihin sa kaibigan. Nagsindi muna ito ng sigarilyo at marahan na bumuga ng usok.

"Hindi ko alam Rud, nagugustuhan ko actually ang nararamdaman ko especialy kapag nagkakalapit kami ni Shaina. Kaso. . ."natigilan si Novice. Maang naman siyang pinakatitigan ni Rudny.

"Kaso ano?"naguguluhan na tanong ng kaibigan kay Novice.

"Ayaw kong magpatalo sa plano ni Dad. G-gusto kong patunayan na mali ang pakikialam niya  sa buhay ko na hindi magiging successful ang mga balak ng magaling kong Ama!"gigil na bigkas ni Novice.

"Ikaw pare desisyon mo iyan. Anuman ang kahihinatnan ng pagpili mo, huwag kang mag-alala I'm always at your back bro, kami ni Lawrence..."tugon ni Rudny.

Sa sinabi nito ay napayapa ang loob ng binata.

"Let's cheer for that bro. sa ngayon mag-celebrate tayo sa malapit na pagtatapos ng pagiging bachelor mo. Oh man! ako na lang pala ang maiiwan na binata sa grupo!"natatawang anas ni Rudny. Agad itong nilapitan ng dalawang sexy na babae.

AGAD na iginala ni Beatrice ang sarili ng mga sandaling iyon. Nasa Heaven's Peek lang naman siya, bilib din siya sa class at designs ng buong lugar. Ayon na rin sa kasama niyang si Rodjun na nagpunta roon.

Ito ang nakuhanan niya ng impormasyon kung saan naroon ang kapatid nito. Tipsy na siya ng sunduin siya nito mula sa mansyon nila. Nag-alangan pa nga ito na isama pa siya at magpunta sila sa nagbukas na club ng mga Aragon ngunit nagpumilit si Beatrice. Sa huli'y ay walang nagawa si Rodjun.

"Tara ate Bea tiyak kong nasa fifth floor si Kuya dahil naroon ang table spot niya,"yakag sa kanya nito.

"Okay Rod, saka huwag mo na akong alalayan, kaya ko,"tugon niya ng akmang hahawakan siya nito sa braso nginitian niya lang naman siya ng binata at nauna ng naglakad papunta sa may elevator.

Manaka-naka niyang ikinikiling ang ulo, panay buga na rin siya ng hangin sa bibig niya dahil tila umiikot na ang paligid niya. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay sinundan na niya si Rodjun, dahil nauuna  ito sa dalaga. Biglang nabunggo nito ang likod ng binata dahil sa pagtigil nito.

"B-bakit?"tanong ni Beatrice.

"W-wala ate, mukhang nasa ibang floor si Kuya. Tara baba tayo!"Hindi na nakuhang magsalita ng babae dahil iginiya na siya ni Rodjun muli sa may elevator.

Inakabayan nito si Beatrice.

"Hey! lumayo ka nga!"iritang taboy nito.

"S-sorry,"paumanhin nito pagkatapos na lumayo ito sa dalaga matapos na sumarado ang pinto ng elevator.

Ibinaling ni Rodjun sa ibang panig  ang pansin niya. Ginawa lang niya iyon para hindi nito makita si Rudny na may mga kasamang babae na halos hindi na magkandaugaga sa pakikipaghalikan sa babaeng nagta-trabaho sa bar nila.

Ayaw niyang makita ni Beatrice iyon, dahil natitiyak niyang masasaktan ito ng labis.

Tinapik na nito ang balikat ng babae na nakasandig na gilid at nakapikit na ang mata.

"Kung hindi mo na kaya ihatid na lang kita pauwi?"suggest ni Rodjun.

Umiling lang si Beatrice at bahagiyang nangiti."Huwag ka ng mag-worry kaya ko pa kahit mag-isang bucket pa tayo ng San Mig,"tugon niya tuluyan siyang dumiretso pagkabukas pa lang ng pinto ng elevator ay nagpatiuna na ito sa paglabas.

Naiiling naman na sinundan ito ng binata. Agad na nakilala ito ng isang waiter kung saan kumuha ng order nila. Dahil San Mig ang pinili ni Beatrice ay iyon na talaga ang ipinakuha niya.

Dinaldalan lang ni Rodjun si Beatrice para hindi nito maalala ang Kuya niya na siyang pakay nito sa lugar na iyon. Sa totoo lang ay hindi niya gustong pumunta roon, pero hindi naman niya matiis na hayaan lang ang babae na magpuntang mag-isa roon.

"Okay ka pa ba ate?"tanong ni Rodjun nang makita niyang lumupaypay na si Beatrice sa may lamesa.

Nang hindi ito sumagot ay tuluyan na itong nilapitan ni Rodjun tinitigan niya ang mukha nito. Sa tingin niya ay payapa na itong nakatulog.

"Kaya hindi ka rin maiwan-iwan ni Kuya dahil maganda ka,"bulong ni Rodjun.

Akmang bubuhatin na niya ito nang biglang dumiretso ng tayo ang babae. Naniningkit na ang mata nito at kumukurap na rin iyon dulot ng kalasingan nito.

"N-nasaan ang bathroom?"tanong ni Beatrice.

"Sa  banda roon ate."Turo ng binata.

Tuluyan naman naglakad ang babae.

"Samahan na kita,"habol ni Rodjun.

Umiling lamang si Beatrice. Nagdiretso na nga ito sa palikuran,  natagalan pa siya roon dahil halos gumewang-gewang na siya at hindi na niya nakokontrol ang katawan.

"Your a mess Bea, your a loser,"bulong niya habang pinagmamasdan niya ang sariling repleksyon mula sa salamin. Bigla ang pagtulo ng butil ng luha sa pisngi niya.

Ang totoo nakita na niya si Rudny kanina, kasama ng ibang mga babae nito. Parang sinaksak ang puso niya habang kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano ito magpakasaya sa mga babaeng mumurahin! Dahil ayaw niyang mapansin iyon ni Rodjun ay nagkunwari siyang walang nakita. Tao lang din naman siya, napapagod ng mapahiya sa ibang tao dahil lang naman sa ginagawa niyang paghabol kay Rudny.

Kinuha na niya ang pulang lipstick at nilagyan niya ang labi. Pinusod niya rin ang mahabang buhok para hindi nakasabog sa mukha niya matapos niyang mahimasmasan at makapaghilamos. Kahit paano ay nawala ang pagkalasing niya.

Kalalabas niya lang sa CR at naglakad na siya papunta sa table nila ni Rodjun nang harangin siya ng isang lalaki.

"Hai miss, magkano ka?"tanong nito habang sinipat-sipat siya mula ulo hanggang paa.

"E-excuse me! hindi ko pinagbibili ang sarili ko!"galit niyang sabi rito. Itinulak niya ito nang akma siyang hahawakan nito.

tatakbo na sana siya ng bigla siyang sabunutan nito.

"Shit! ouch! let go of my hair!"Tili ni Beatrice.

"Ang kapal mo na i-turn down ako. Hindi mo ba ako kilala?"gigil na wika ng lalaki na nanatiling nakahawak sa buhok niya.

"Sandali po, nagkakamali kayo hindi po siya kasali sa mga babaeng binebenta rito,"pagsabad ni Rodjun na inawat ang lalaking nanakit kay Beatrice matapos nitong makalapit sa kanila.

Tuluyan naman binitiwan nito ang babae at hinarap si Rodjun.

"Pwedi ba huwag kang makialam, kung ayaw mong butasin ko bungo mo!"Kasabay niyon ang paglabas ng baril at itinutok iyon sa binata. Nagulat at natigilan naman ang binata kinabahan na siya dahil mukhang seryuso ang lalaki. Si Beatrice naman na nakakapit sa braso nito ay nag-umpisa nang manginig sa tensyon.

Akmang ikakasa ng lalaki ang baril ng makarinig sila ng alingaw-ngaw ng  putok ng baril na tumama sa paanan ng lalaking nanutok ng baril kay Rodjun.

"Sige subukan mo pang manggulo at saktan sila at ang kasunod na bala na ang tatapos sa buhay mo Mr. Lee!"Sigaw ni Rudny na madilim na madilim ang mukha. Mukhang hindi ito nagbibiro, ang ilang tauhan ng mga ito ay nakatutok na rin ang baril sa lalaki na agad nagbaba ng hawak nito.

"Hindi mo ba kilala kung sino ang tinutukan mo ng baril huh! siya lang naman ang kapatid ko. At ang babaeng sinaktan mo kapatid siya ng kaibigan ko. Hindi ko alam kong mapapalagpas ko ito, pero kung aalis ka na ngayon baka magbago pa ang isip ko! Sige na alis! huwag ka ng aapak pa sa kahit na anong teritoryo ng mga Aragon!"babala ni Rundy. Sunod-sunod naman tumango ito at agad na nagtatakbo paalis sa harap nila.

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
Mafia Boss Trapped (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt