8. You Can Run.

39 3 0
                                    

Hindi makagalaw si Skyler sakanyang kinatatayuan at nanlalaking mga matang nakatingin sya sa naka ngising Scott.

Bakit nasundan sya ni Scott Dela Vega?

Hindi kaya...

Nakita nito yung plate number ng bus na sinakyan nya at sinundan iyon?

Parang gustong tumakbo ulit ni Skyler paalis.

Nagsisimula na rin syang kabahan dahil sa lalaking to. Inaamin nyang duwag sya saka ayaw nya ng ganitong feeling na parang nasa isang silang thriller movie.

Si Skyler yung hinahabol samantalang si Scott naman yung parang multo o ang mas malala serial killer. At hindi kayang lumaban ni Skyler dito sa tangkad ba naman ni Scott.

"Pa..paano mo ko nasundan?!"-hindi pinapahalata ni Skyler na takot sya dito.

"I have my ways, Darling."-ngising sagot sakanya ni Scott at kinindatan pa sya nito. Lalo tuloy kinabahan si Skyler.

"Eto na yung tel-- Ay, Sir. Scott! Nandito pala kayo."-napalingon si Skyler kay Ms. Elaine na bumalik na at biglaang nag bow kay Scott.

Parang may malaking question mark ngayon sa tuktok ng ulo ni Skyler. Hindi nya alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Go on. Ituloy nyo lang yan. Don't mind me here."-sumenyas pa si Scott Dela Vega na ituloy daw nila kung ano mang business ang ginagawa nila ni Ms. Elaine.

Tapos parang siga na umupo itong si Scott sa sofa na nasa gilid o kung tawagin ay waiting area ng boutique.

Hindi maiwasang lumingon ni Skyler kay Scott at hindi makapaniwala sa nakita nya. Sinampa kasi nito yung dalawang paa sa lamesita na nasa harapan ng sofa at chill na umupo habang ngumiting nakatingin eto kay Skyler.

Umiwas agad ng tingin si Skyler at tumapat na sya kay Ms. Elaine.

Makaakto kasi si Scott ay parang ito yung may-ari ng boutique. Napa isip tuloy si Skyler... Ganito ba talaga ang ugali ng mayayaman?

Kasi wala talagang kaalam-alam si Skyler dahil laki lang naman sya sa hirap at lahat ng mga nakakasalamuha ni Skyler ay mga ordinaryong tao lang kagaya nya. Hindi katulad nitong Scott Dela Vega na ito.

Sa ibang planeta ata nanggaling.

"Ah...Sige po Sir."-ngiting sagot ni Ms. Elaine kay Scott saka nalipat ang tingin nito kay Skyler.

"Uhm... By the way, Eto yung mga tela. Meron kaming Blue, Green, and Maroon."-nilapag ni Ms. Elaine isa-isa yung mga telang nakuha nito. Tinignan naman isa-isa ni Skyler yung mga tela.

"Kung gusto mo ng ibang kulay pwede namin ideliver sayo."- focus parin sa mga telang tumango si Skyler habang nakikinig sa sinabi ni Ms.Elaine. Nahihirapan syang pumili ng tela magaganda kasi at halatang matibay ang mga ito.

"Magkano po isang yarda nito?"-umangat ang tingin ni Skyler kay Ms. Elaine.

"Nasa 6,000 pesos ang isang yarda."-ngiting sagot ni Ms. Elaine . Literal na napanganga si Skyler ng marinig nya kung magkano ang presyo ng isang yarda.

Seryoso ba ito?

Parang ilang yarda na ng tela ang mabibili ni Skyler sa halagang 6,000 pesos kapag sa mumurahin na tindahan ng mga tela sya bumili.

Pero sige... Hindi naman na sya magtataka dahil nga mahal talaga ang mga tela dito. Dapat pala ay mas hinanda nya ang kanyang sarili sa presyong maririnig nya.

"Eh eto po."-turo naman ni Skyler ang silk na kaninang pinakita sakanya ni Ms. Elaine. Babagay daw ang silk cloth na eto sa sketch nya.

"8,000 isang yarda. Organic silk ito kaya mahal talaga."-sagot ulit ni Ms. Elaine.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSWhere stories live. Discover now