16. Danger.

29 2 0
                                    

"Date him!"

"Date him!"

Tuloy pa rin ang sigawan ng mga estudyante sakanilang paligid. Hindi makabuo si Skyler sa kung anong isasagot nya. Sa totoo lang ay sobrang nahihiya na sya nakikita nya pa na maraming kumukuha ng litrato at videos sakanila ni Scott.

"Please, Skyler?"-bumalik ang atensyon ni Skyler kay Scott na kanina pa naghihintay sa kanyang sagot.

"Sorry pero ayoko."-sa wakas ay nakakuha na nang lakas si Skyler para makasagot. Nakita naman ni Skyler ang paglungkot sa mga mata ni Scott.

Sa hindi naman malamang dahilan bigla syang nakaramdam ng awa dito.

Teka...

Sya makakaramdam ng awa kay Scott?!

Impossible.

Pero hindi pwedeng mag padala si Skyler sa paawa effect nito ni Scott.

"Sorry."-madaling paghingi ulit ni Skyler ng sorry kay Scott. Pasalamat pa nga itong si Scott na kung wala nga lang mga tao sa paligid nila baka nasapak nya nanaman ito. Agad na umalis na si Skyler sa gitna ng soccer field.

"Skyler! Hey! Come back here!"-rinig pang tawag sakanya ni Scott pero hindi na ito pinansin ni Skyler na tuloy-tuloy lang na umalis pabalik sa room kung nasaan sya nagpapatuyo ng mga libro nya.

Habang pabalik si Skyler sa room ay ramdam nya ang masasamang tingin ng mga students na nakakasalubong nya lalo na yung mga babae na kung nakakamatay lang ang masasamang tingin ng mga ito sakanya ay malamang kanina pa bulagta si Skyler.

"Psh. Akala mo kung sino kung maka reject kay Scott. Kung ako lang yung inaya ni Scott makipag date ay nako! ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo!"

"Ay true ka dyan sis!"

Narinig ni Skyler ang sinabi nung mga babaeng nakasalubong nya. Gusto sana sagutin ni Skyler na sila na lang makipag date sa ugok na yun. Pero hinayaan na lang nya ang mga ito na tignan sya ng masama.

Nakabalik na si Skyler sa room na sakto naman na kababalik lang din si Lester.

"Uy! Pre bakit mo nireject si Scott?"-salubong na tanong ni Lester sakanya pagkapasok nito sa room.

"Mamaya mo na lang ako kausapin."-seryosong mukha na sagot lang ni Skyler habang nililigpit na ang mga libro nya. Bigla atang sumama ang pakeramdam ni Skyler sa mga nangyayari.

Tutal ilan lang naman ang subject nila sa araw na to uuwi na lang muna sya sa dorm para matulog kahit ilang oras lang para mamaya may energy sya sa trabaho.

At syempre mawala ang nakakahiyang ginawa ni Scott sakanya kanina.

Kinuha na ni Skyler lahat ng gamit nya pati yung hair blower na hiniram nya sa Department nila.

"Aalis ka na? Paano na yang mga libro mo? mukhang basa pa yung ibang pages oh."-pigil ni Lester nung nakita nito na sinuot nya na ang backpack nya.

"Oo, Sa dorm ko na lang to papatuyuin saka pakeramdam ko kasi sisikip lang ang paghinga ko dito sa University sa dami ng masamang tingin ang binibigay saakin ng mga tao dito kaya uuwi na ako."-walang tingin na sagot ni Skyler kay Lester na hinayaan na sya nitong lumabas ng tuluyan sa room.

Dala ang mga libro naglakad si Skyler palabas sa T University. Lahat naman nung mga students na nakakasalubong o kaya mga nakatambay lang sa gilid-gilid ng hallway ay nakatingin sakanya.

At ayaw ni Skyler ng ganun. Na parang sobrang sama nya na at parang kasalanan nya pang ni reject nya si Scott sa alok nitong date.

Eh sa ayaw nga nya eh!

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSWhere stories live. Discover now