10. Punch.

39 2 1
                                    

| 3 Hours Ago bago pumasok si Scott sa T University |

Bumaba si Scott sa engrandeng hagdan ng kanilang mansion. Pagkababa nya ay agad nyang nakita si Detective Theo na hindi mapakali sa kinatatayuan nito. Tumingin muna sa paligid si Scott kung may ibang tao ba bukod sakanila bago sya lumapit ng tuluyan kay Detective Theo.

"Anong balita?"-seryosong tinignan ni Scott si Detective Theo. May kinuhang brown envelope si Detective Theo mula sa likuran nito at ibinigay kay Scott. Tinanggap naman agad nya iyon at kinuha ang laman nung envelope.

"Nandyan lahat ng schedules ni Skyler Perez mula umaga hanggang gabi."-bulong ni Detective Theo kay Scott habang binabasa ang nakasulat sa papel. Lumaki ang ngisi sa mga labi ni Scott.

Kahapon ay sobra syang nag enjoy sa hide and seek na laro nila ni Skyler. Pinagbigyan nya ito.

Kahit na nabadtrip sya dahil nireject ni Skyler ang proposal nya dito.

Pero ngayon ay hindi na sya papayag na takbuhan at taguaan na lang sya basta ni Skyler.

"May nalaman ka naman kila Grandma and dun sa Private investigator nito?"-umangat ang tingin ni Scott kay Detective Theo. Huminga muna ito ng malalim saka umiling.

"Wala akong nasagap. Pero kahapon nakapasok ako sa kwarto at office ni Donya Stephina. Naglagay na ko ng bug na hindi nito mapapansin. For sure maririnig mo na nga paguusapan nila."-sagot agad ni Detective Theo. Tumango-tango naman si Scott at tinapik ang balikat ni Detectetive Theo.

"Good job. Basta bantayan mo lang ang bawat kilos nila."-bulong ni Scott nakita nyang may mga parating na mga tauhan sa paligid nila.

"Thanks for this."-inangat nya ang hawak nyang envelope at ngumisi sya kay Detective Theo na maliit na ngumiti lang ito.

Kailangan na bilisan ni Scott ang kilos nya para umayon na ang lahat sakanya. Kailangan nya din malaman kung si Skyler ba talaga ang totoong Dela Vega. Dapat ay mai-DNA test nya eto.

Kaya ang plano ni Scott ay lumapit pa lalo kay Skyler.

*Bzzt. Bzzt.*

Kinuha ni Scott ang cellphone nya sa bulsa ng pantalon nyang suot. Nag reply na sakanya ang Principal ng T University kung saan nag aaral si Skyler. Kagabi kasi ay kinuha nya ang number nito para ipagpa-alam dito na mag-eenroll sya sa nasabing University.

Agad na nag response sakanya ang mismong Principal at tuwang-tuwa na ang T University ang napili ni Scott para bumalik ulit sa pag-aaral. Pero ang hindi nito alam na kaya lang naman sya mag-aaral ulit ay dahil kay Skyler.

Nag enroll sya mismo kung saan ang Department nabibilang si Skyler. Mabuti na lang ay pinanganak syang talented at marunong mag painting at drawing kaya pasok parin sya sa Fine Arts Department.

Binasa ni Scott ang reply sakanya ng Principal. Maayos na daw ang mga dokumento nya at pwede na syang pumasok sa T University. Iba talaga kapag sobrang yaman sa isang iglap lang ay nakukuha na agad kung ano man ang gugustuhin.

Kaya hindi papayag si Scott na makuha lang ni Skyler ang lahat ng nasakanya.

Gagawin nya lahat kahit ilang beses pa syang mag propose dito.

-♡♡♡♡♡-

| Present Time |

"Totoo bang fiancé ka ni Scott Dela Vega?"

Nakadukdok parin ang mukha ni Skyler sa lamesa nya. Kanina pa sila nakabalik galing sa auditorium kung saan pinag kalat ni Scott na 'Fiancé' daw sya nito kahit hindi naman talaga.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora