11. Courting.

33 2 0
                                    

Pero dun nagkakamali si Skyler.

"Welcome Ma'am and Sir!"-ngiting bati ni Skyler sa mga bagong dating na costumers pero nawala din ang ngiti nya sa mga labi at nanigas sa kinatatayuan ng makita nya kung sino yung isa sa mga pumasok sa Samgyupsal shop na pinag pa-part time job nya. Walang iba kundi si Scott at may mga kasama pa ito na hula nya ay mga kaklase nito.

"Teka... Tama ba yung nakikita ko o malabo na ang mga mata ko? Si Scott Dela Vega yung kakapasok lang na costumer diba?"-rinig ni Skyler sa katabi nya sa counter na si Kurt. Hindi makapaniwala na isang sikat na model at sobrang mayaman na tao ang magiging costumer nila ngayong gabi.

Naalala bigla ni Skyler na hindi pa alam ni Kurt ang nangyari sakanya kaninang umaga dahil wala itong klase. Sa malamang kapag nalaman na ni Kurt ang pagkalat ni Scott na fiance daw sya nito ay baka asarin din sya ng bestfriend nya. Mas malakas pa naman mang-asar si Kurt kaysa kay Lester.

"Feel free to order sa kahit anong gusto nyo. It's my treat."-ngiting sabi ni Scott sa mga kasama nya at pinakita pa ang black credit card na hawak nito. Lahat naman ng mga kasama ni Scott ay nag cheer nung malaman na libre daw nito. Nagkatinginan silang dalawa at nilakihan lang sya ng ngisi ni Scott.

Huminga ng malaiim si Skyler saka umiwas ng tingin dito.

"Ano pong order nyo?"-poker face na tanong ni Skyler at tinuon na lang nya ang kanyang atensyon sa screen na nasa harapan nya. Kung saan dun nya ilalagay ang mga oorderin ng kanilang costumers.

Naramdaman ni Skyler na lumapit si Scott sakanya at saka sinandal pa nito ang mga bisig sa counter.

"Pwedeng ikaw?"-kita ni Skyler sa peripheral vision nya na nakangisi na naman eto sakanya. Gusto nya na sanang suntukin ulit eto kagaya nung ginawa nya kanina sa cafeteria. Pero nasa trabaho sya at ayaw nyang matanggal ng dahil lang sa siraulong lalaking to.

"Sir, Hindi po kasali ang karne ng tao sa tinda namin kaya ayusin nyo po order nyo."-sarcastic na sagot nya dito. Tumingin sya kay Scott at saka binigyan nya ito ng plastic na ngiti.

Napalitan ang ngisi ni Scott ng ngiti. Kitang-kita ni Skyler na nasasayahan eto sa ginagawang pang-aasar sakanya. Samantalang sya kanina pa badtrip simula umaga hanggang ngayon.

"Okay... Okay... I surrender. Ganyang ka kalakas saakin."-malalim na boses na sagot ni Scott sakanya at nagulat sya ng hawiin nito ang bangs nya sakanyang noo kaya mabilis na umiwas sya dito.

At talagang feeling close na ito sakanya?

"U-Umorder na po kayo."-nanlalaking mga matang sabi nya ulit kay Scott. Lumingon naman eto sa mga kasama nya at nagtanong kung ano ang mga order ng mga ito.

At sa wakas ay umorder na ng matino si Scott. Pagkatapos umorder ng mga ito ay naghanap na ang mga kasama ni Scott ng mauupuan.

"Wait nga lang..."-pinigilan ni Kurt ang paglakad ni Skyler papuntang kitchen room para sana kunin ang order ng kanilang costumers.

"Bakit?"-takang tanong nya sakanyang kaibigan.

"Tama ba yung nafe-feel ko kanina dun sa counter...Nakikipag flirt ba sayo si Scott Dela Vega?"-kunot noong balik na tanong sakanya ni Kurt. Kumurap-kurap na tumingin sya dito.

"Imagination mo lang yun."-agad na sagot nya kay Kurt at saka iniwan na ito na nagtataka parin.

Kinuha nya sa kitchen room yung mga order nila Scott at ng mga kasama nito. Mga fresh beef at pork meat saka mga lettuce.

Paglabas nya sa kitchen room ay naglakad na sya papunta sa table nila Scott. Kita nyang nagtatawanan sila Scott at nung mga kaklase nito. Na parang ang tagal na nitong estudyante sa T University samantalang kaka-first day lang nito kanina.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSWhere stories live. Discover now