12. Angry Morning.

35 1 0
                                    

Pabalibag na sinara ni Scott ang pintuan sa condo na pagmamay-ari nya at kung saan eto ang hangout place nila ni PJ. Ang dahilan kung bakit sya bumili ng condo ay para kapag gusto nya mapag-isa ay pupunta lang sya dito o kaya kapag napag tripan nila mag party sila ng kanyang Bestfriend ay dito ginaganap.

"Ano ba yun Scott? Ginulat mo ko!"-gulat na gulat na sabi ni PJ na nakaupo sa sofa at may babae pa itong kasama. Walang emosyon na tumingin si Scott sa babaeng kasama ni PJ.

"Get out."-utos ni Scott sa babaeng kasama ni PJ. Nagulat naman yung babae sa biglaang pagpapaalis nya dito.

"Hey, Scott she's my visitor. Hindi naman pwede na paalisin mo lang basta kung sino man ang bisita ko."-kunot noong saway sakanya ni PJ. Napahimas na lang si Scott sakanyang mukha at mataman na tumingin sa bestfriend nya.

"Really? Then get out here too. Hindi mo ba natatandaan na ako ang may-ari ng condo na to?"-Pagak na napatawang sabi nya kay PJ na sumeryoso naman ang mukha nitong tumitig sakanya.

Huminga ng malalim si PJ na hindi alam kung ano na naman trip ni Scott saka nalipat ang tingin sa babaeng kasama nito.

"Uhm...I'm sorry. I'll call you later."-may paumanhin na ngiting sabi ni PJ sa babae na tumango na lang at tumayo na sa sofa. Bago umalis yung babae ay binigyan ng masamang tingin si Scott. Hindi naman pinansin ni Scott ang masamang tingin nung babae sakanya.

"Ano bang problema mo, Bro?"- tumayo si PJ at sinundan sya nito maglakad. Pumunta si Scott sa bar area sa condo. Umupo muna sya sa bar stool at kinuha ang bawas na bote ng rum saka nagsalin sa baso.

"Hello? I'm talking here... sagutin mo naman ako."-di parin mawala ang asar sa boses ni PJ. Kaya lumingon na si Scott dito.

"Can you just shut up."-asar din na sabi nya dito at inisang lagok lang ang alak na iniinom nya. Napakamot na lang sa kilay si PJ minsan ay hindi talaga nya mabasa kung anong nasa utak ng bestfriend nya. Pero agad din syang natigilan nung may makita syang sugat sa gilid ng labi ni Scott.

"Wait bro, Ano yang nasa gilid ng labi mo? Sugat ba yan?"-may halong pag-aalala na sabi ni PJ at hinawakan ang baba ni Scott para suriin.

Marahas na inalis ni Scott ang kamay ni PJ na nakahawak sa baba nya at masamang tinignan ito. Biglang nagkaroon ng idea si PJ sa nangyari kay Scott.

"Wag mong sabihin na...

Yung pinahanap mo na totoong Dela Vega yung gumawa sayo nyan? Lalaki nga?"-agad na sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni PJ.

Oo nga pala, Wala pang alam si PJ na nahanap nya na yung taong pinapahanap nya sa pinsan nitong Detective. Hindi nya kasi macontact itong si PJ kaya hindi na nasabi pa ni Scott.

Kaya kwinento lahat ni Scott kay PJ ang nangyari sa pagitan nila ni Skyler. Kung paano sya nireject nito, takasan, kung paano sya nakapag decide na mag-aral ulit sa pinapasukan nitong University para kulitin itong pakasalan sya at suntukin ang gwapo nyang mukha.

Matapos nya mag kwento ay lumingon sya kay PJ at sinamaan nya ulit ng tingin ito dahil tawa ng tawa sa tabi nya.

"May nakakatawa ba?"-walang emosyon na tanong nya kay PJ. Humawak pa to sa braso nya na di parin tumigil sa pagtawa.

"Hahahaha! Wait... ang sakit sa tyan. Hindi ko akalain na magagawa mo lahat ng yun."-hinihingal na sabi PJ matapos nitong tumawa. Napatahimik naman bigla si Scott.

Eh anong magagawa ni Scott? Ang mamanahin nya ang nakasalalay dito. Kaya kahit anong paraan na maisip nya para makuha agad si Skyler ay gagawin nya talaga.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSWhere stories live. Discover now