15. Date him.

28 1 0
                                    

Nandito ngayon si Skyler sa extra room ss kanilang Department nakiusap pa sya sakanilang President na kung pwedeng makihiram muna sya ng kwartong walang tao at saka hair blower na din para patuyuin isa-isa ang mga kawawa nyang libro.

At buti na lang mabait ang kanilang President at agad naman na pinahiram ng extra na room si Skyler na sobrang pinapasalamat nya.

Ang nakakalungkot lang ay hindi sya nakapasok sa klase nila kanina dahil sa nangyari sakanya. Gusto pa nga syang tulungan ni Lester pero hindi sya pumayag dahil pati ito ay madadamay pa sa pag absent nya kaya inutos na lang ni Skyler kay Lester na ipagpaalam na lang sya nito sakanilang Professor at wala ng nagawa si Lester kundi sundin na lang ang gusto nya.Sobrang bad trip na bad trip na si Skyler ng dahil kasi sa Scott na yun ay na bu-bully na sya.

Gigil na nilipat nya sa next page ang lahat ng libro nya at tinapat ang hawak nyang blower. Kanina pa asar na asar si Skyler dahil sinisisi nya lang naman si Scott. Dahil kung hindi sya naging trip nung walanghiyang rich kid na yun ay sa malamang tahimik ang kanyang buhay.

For the first time talaga nangyari ito kay Skyler. Ang ma bully sya... Kaya lalong nagagad-dagan ang asar ni Skyler para kay Scott.

Saka anong oras pa kaya sya matatapos sa pagpapatuyo ng mga libro nya? May part time job pa sya mamaya. Lalo naman na bawal sya umabsent sa trabaho nya dahil baka makakaltasan sya ng sahod at ayaw mangyari ni Skyler yun.

Kaya dapat ay bilisan nyang patuyuin ang mga libro nya.

"Kamusta ka na Skyler?"-napaangat ang tingin ni Skyler sa dumating. Si Lester lang pala na mukhang kakatapos lang ng kanilang klase. Malungkot na huminga muna ng malalim si Skyler bago sumagot sakanyang kaibigan.

"Eto. Baka 10 years pa bago ko to mapatuyo."-poker face na sagot ni Skyler kay Lester na napailing-iling na lumapit sakanya.

"Wala ka ba talagang gagawin sa gumawa nyan sayo? o hanapin man lang?"-kunot noong tanong ni Lester. Bumalik naman ang tingin ni Skyler sa ginagawa nya.

"Hindi na. Ayoko ng mag-aksaya ng oras at panahon sa mga taong walang magawa sa buhay."-sagot ulit ni Skyler saka nilipat ang page ng kanyang librong pinapatuyo.

"Tsk. Bakit ba ang bait mo Skyler? Kung nangyari saakin yan malamang pinagsasapak ko na lahat ng taong nakasalubong ko dito sa campus para lang hanapin yung walang hiyang nag basa ng libro ko."-halata ang asar sa mukha ni Lester. Natawa na lang si Skyler sa itsura ni Lester. Na parang mas apektado pa kaysa sakanya.

Hindi naman mabait si Skyler ayaw nya lang talagang hanapin kung sino man ang nambasa ng locker nya. Ayaw na rin ni Skyler na gumawa ng eskandalo sa mismong Universtiy nila at iniisip din ni Skyler na hindi naman ganun ka big deal ang nangyari sakanya kaya ang mas mabuti ay patuyuin na lang nya ng mabuti ang kanyang mga libro.

"Bakit hindi mo isumbong kay Scott?"-agad na napatigil si Skyler sa pag blower ng marinig nya ang tanong ulit ni Lester. Umangat ulit ang ulo ni Skyler saka masamang tumingin kay Lester.

"Bakit ko naman gagawin yun?"-asar na balik na tanong ni Skyler sa kaibigan.

"Eh diba sya naman dahilan kung bakit ka nabully ngayon? Sa malamang walang alam si Scott sa nangyari sayo. Kapag sinumbong mo kay Scott ako nag sasabi sayo ililigtas ka nun sa lahat ng mananakit sayo."-sagot ni Lester. Napangiwi namang napatingin si Skyler dito.

"Parang ganito..."-pinanuod lang ni Skyler si Lester na biglang nagbago ang expression nito parang naging action star.

"Sino ang bumu-bully sa bebe ko?! Subukan nyo lang saktan ang bebe ko kung di hindi nyo na masisilayan ang araw."-tapos na acting ni Lester. Hindi makapaniwalang nakatingin lang si Skyler sa baliw nyang kaibigan na mukhang hindi nanaman nakainom ng gamot.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSWhere stories live. Discover now