Chapter 3

160 7 0
                                    


Azi's POV

Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa gilid ng building ng kagami empire. Naghihintay lang ako ng tamang tiempo para makapasok ng walang maghihinala.

Mahigpit kasi ang security nila at hindi ka makakapasok kung hindi ka dadaanan sa proseso ng kagami member.

Pinag-aralan ko na ng mabuti ang pasikot-sikot sa loob ng building para kung sakaling magkaproblema hindi ako sasabit.

Maraming security ang nakapaligid sa bawat sulok ng entrance. Kaya kong papasok ka ng hindi handa para ka lang nagpakamatay ng maaga.

Buti sana kong malakas ang  koneksyon mo at maimpluwensiya kang tao dahil tatanggapin ka pa nila ng buo. Kung hindi naman wag mo nalang pangarapin dahil malulupit sila sa lahat ng bagay.

Hindi naman ako takot sa kanila siguro sa bigboss takot na takot. Bigboss 'yung babanggain mo kaya kilabutan kana. Hindi madaling maging bigboss dahil nakasasalay sayo lahat ng kapangyarihan at responsibilidad.

Kailangan mong maging pantay sa lahat kahit pa sa mga kalaban. Member nga lang ng kagami hindi na basta-basta, bigboss pa kaya. May ranking kasi silang lahat sa kagami at hindi na kasali ang bigboss 'dun dahil siya lang ang nakakataas sa lahat. Labas na 'din doon ang major holder ng kagami empire.

Hindi ko 'din alam kong sinu-sino ang nasa ranking kaya susubukan kong alamin ngayon.

"Shit! Anak ng adik!" Mura ko ng makita kong pumasok si Theo sa loob. Pagkakataon nga naman naman Theo pinapaboran akong patayin ka. Hindi ka pa nakakabayad sa lahat ng ginawa mo kay boss. Kaya humanda ka!

Nakita kong naglalakad papunta sa direksiyon ko ang isang tauhan niya kaya nagpanggap akong may sira sa pag-iisip. Hindi 'din niya naman mapapansin dahil nakabihis pulubi ako.

"Ito barya! Wag ka dito ang dumi-dumi mo. Alis!" Pagtataboy niya sa akin habang hinagisan ako ng barya. Tssk! Aanhin ko ang barya niya?

Umatras pa ako para pasunudin siya at dahil gwapo ako nabakla si gago sumunod naman. Kaya hinablot ko siya agad at sinandal sa pader at sinakal gamit ang buong lakas ko.

Nang mawalan na siya ng malay, kinuha ko agad ang I.D sa leeg niya at ang name template niya sa dibdib. Sa pagkakabasa ko sa I.D niya siya si Demrick Salaso isa sa bodyguard ni Theo kanina.

Hindi lang pala siya basta-bastang bodyguard lang dahil sa nabasa ko sa nameplate niya. Siya ang isa sa mga katiwala ni Theo na sinakal ko lang ng ganun-ganun lang ka simple.

Hinubad ko na ang suot kong pampulubi at inayos ang sinapaw kong suit. Inayos ko muna para formal akong tignan saka ko sinuot 'yung I.D sa leeg ko at nilagay sa dibdib ko naman 'yung nameplate.

Pagkatapos 'nun kalmado akong naglakad sa harap ng building at walang kahirap-hirap na nakapasok ako sa loob. Hindi 'rin nila kasi ako mapapansin dahil ginaya ko ang hitsura ng lalaki kanina.

Pagkarating ko sa dulo ay may nakita akong tatlong lalaki na sa tingin ko'y sila ang kikilatis sa bawat taong pumapasok ng kagami.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa direksyon nila saka ako kinilatis. Iniscan lang naman nila 'yung suot kong I.D at nameplate sa may dibdib ko.

"Tumuloy na po kayo, sir. Hinihintay na kayo ni master. Hindi niyo naman kailangan ng ganito dahil kilala na namin kayo." Sabi ng isa sa kanila na tinanguan ko lang. Kaya tumuloy na ako sa paglalakad ng nakangisi.

Pagkakataon nga naman pinapadali ang trabaho ko.

Nagtungo agad ako sa 26th floor kung nasaan ang opisina ni Mr. Chua. Siya ang una kong bibisitahin dahil napag-alaman ko na siya pala ang major holder ng kagami empire. Kaya nakakatiyak akong may ranking list siya ng kagami member.

New Life With The Mafia Boss [ONGOING]Where stories live. Discover now