Chapter 4

164 7 0
                                    


Azi's POV

"Azi, wake up! It's 9:45 already. Tama na 'yang tulog mo. Tara na!" Ang ingay naman ng babaeng 'to. Natutulog pa 'yung tao. Tinakpan ko nalang ng unan 'yung tenga ko dahil wala talaga siyang balak na tumigil.

Ano bang problema niya? Kinuha niya ang unan na pinangtakip ko sa tenga ko. Naiinis na ako sa babaeng 'to. Kaya bumangon ako at hinablot ang kamay niya.

Panay piglas pa siya pero dahil lalaki ako talo siya. Hay ganito lang pala ang gagawin sa mga babaeng sobrang daldal.

"Azi, ano ba hindi kana nakakatuwa?" Yinakap ko nalang siya saka nagtulog-tulogan. Siniksik ko pa ang katawan ko sa kaniya pero inilayo ko na 'rin dahil panay piglas ang ginagawa niya. Ano bang problema ng babaeng 'to. Gabi na dapat matulog nalang siya.

"Umayos ka, Azi. May asawa kana at may boyfriend na ako. Kung makalandi ka feeling single lang. Saka okay lang naman kung matulog tayo, dumistansiya ka nalang sa akin. Doon ka sa sofa, dito ako sa kama ko." Pinagpag niya pa ang kama saka pati na rin ang mukha ko. Sa gwapo kung "to gaganunin niya lang.

Tumayo na ako ng magsalita ulit siya na kinatigas ng katawan ko.

"Kung wala kang balak gawin 'yung plano mo, okay fine. Sakto na dapat ngayon kasi nakaalis na sila Mr. Chua at Theo. Kaso ang sarap ng tulog mo kaya sige matulog ka nalang, total hindi naman kita magising kanina kaya matulog kana ulit." Mahabang sabi niya na kinasapo ng mukha ko. Bakit kasi ngayon niya lang sinabi sa akin?

"Hindi mo kasi ako dineretso kanina. Nakalimutan ko tuloy. Sige na lalakad na ako." Saka ko inayos ang sarili ko. Sinuot ko ulit 'yung suit ko kasi nakasando lang ako ngayon.

Pipihit na sana ako sa pinto ng humabol siya. Nahiya pa sa akin! May pa sermon-sermon pa sa akin kanina, tapos ngayon mahihiya siya na parang bata.

"Sasama ako sayo. Sorry kanina!" Tumango lang ako sa kaniya. Nagngitian pa kami bago siya lumabas ng kwarto niya. Siya muna ang pina-una ko para siguruhing wala ng makakasagabal sa plano ko.

Naghintay lang ako ng ilang minuto ng bumalik siya. Sinenyasan niya lang akong sumunod kaya tahimik akong nakasumod sa kaniya. Tamang-tama nga lang kami sa oras dahil wala na masyadong tao na palaboy-laboy sa dinadaanan namin.

Nakatapat na kami ngayon sa opisina ni Mr. Chua. Binigay lang sa akin ni Meshika ang susi saka umalis dahil magbabantay 'daw siya sa tawag ni Mr. Chua.

Malapit na kasi ang big day na gaganapin dito sa kagami. Lahat ng kasali sa underground businesses ay kasali. Yun ang araw na allow kaming makakapasok na walang maghihinala.

Pumasok na agad ako sa opisina ni Mr. Chua at bumungad sa akin ang malaking larawan niya malapit sa desk niya. Wala na akong sinayang pa at agad kong tinungo ang lugar na sinabi sa akin ni Meshika. Hindi ko akalaing may hidden secret pala ang malaking larawan ni Mr. Chua.

Agad kong inikot ang larawan at bumungad sa akin ang malalaking cabinet na naglalaman ng iba't-ibang impormasyon. Kaya pala mahirap patusin itong si Mr. Chua dahil may tinatagong kakaibang estratehiya.

Sino naman kasing mag-aakala na nandun lahat ang hahanapin ko. Kung iba siguro mahihirapan pero dahil kay Meshika madali nalang sa akin ang lahat. Agad kong binasa ang mga kahon na naglalaman ng mga files. Kinuha ko lang 'yung importante syempre nag-iingat ako na magmukhang hindi ginalaw. Ayaw ko din naman na mapahamak si Meshika dahil sa akin.

E buwis buhay na nga 'tong pagtulong niya sa akin ngayon. Nang makuha ko na lahat ng kailangan ay lumabas na ako ng opisina ni Mr. Chua at naglakad ng kampante.

Wala namang makakakilala sa akin dahil bukod sa nakashades ako. Nasa akin ang I.D at nameplate ni Demrick Salaso na ginaya ko. Kaya kahit sino maloloko. Sumakay na ako sa elevator hanggang umabot sa ground floor.

New Life With The Mafia Boss [ONGOING]Where stories live. Discover now