17. The Mafia Boss.

24 1 0
                                    

"Bakit nyo sya sinuntok ha? Inutos ko ba sainyo na saktan nyo sya? Diba hindi?"

"Kinagat nya kasi ako Boss kaya hindi ko sinasadyang masuntok sya."

"Paguntugin ko kaya ang mga ulo nyo ano?"

"Sorry Boss, Di na po mauulit."

Nagising si Skyler sa ingay na naririnig nya. Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata.

Agad din syang napapikit ng masilaw sya sa liwanag na nanggaling sa kisame.

Nasa langit na ba sya?

Napadaing si Skyler nung maramdaman nya ang kirot sa sikmura nya. Bigla nyang naalala yung dalawang malalaking lalaki na humabol sakanya kanina tapos bigla syang sinuntok sa tyan nung isa sa mga lalaki.

Dahan-dahan na umupo si Skyler habang hawak ang tyan na kumikirot. Pagkaupo nya ay nalaman nya na nasa sofa sya nakahiga at laking gulat din ni Skyler na nasa ibang lugar sya.

'Nasaan ako?'

Tanong ni Skyler sakanyang isipan at nilibot ang buong paligid.

"Finally! You're awake."-napalingon si Skyler nung may biglang mag nagsalita.

"Scott?!"-gulat na bulaslas ni Skyler ng makita nya si Scott sakanyang harapan.

"Surprise, darling!"-masayang sabi ni Scott sakanya nung nakalapit na ito ay pumantay ito kay Skyler na nakaupo parin sa sofa.

"Ba...Bakit ako nandito?"-kunot noong tanong nya kay Scott lalo naman lumawak ang mga ngiti nito sa labi na pinagtataka ni Skyler.

"Sinabi kasi ng bestfriend ko na...

Kung hindi kita makukuha sa santong dasalan eh di sa santong paspasan na lang. Kaya eto... pinakuha kita para makadate ka."-ngiting sagot ni Scott. Hindi naman makapaniwalang napatingin si Skyler dito.

Talaga bang hindi sya titigilan nito?

Ilang beses na ba nyang pinakita kay Scott na hindi sya interesado sa kung anong larong gusto nito.

At di aakalain ni Skyler na hahantong pa ito na ipakidnapped pa sya. Akala pa nga ni Skyler mafia boss ang nag padukot sakanya.

Grabe kaya ang kaba nya kanina.

"Hindi mo ba naiintidihan na ayoko ngang makipag date sayo?"-galit na tanong nya dito.

"Hindi naman kita ipapadukot kung umoo ka lang agad saakin."-napatawa ng pagak si Skyler at di makapaniwala na sya pa ang sinisisi ngayon ni Scott kung bakit sya kinidnapped nito.

"Aalis na ako."-poker face na sabi ni Skyler sabay na tumayo sa kinauupuan nya. Mabilis naman na hinawakan ni Scott ang wrist nya kaya napatigil si Skyler sa pagalis.

"Hey, Isang date lang naman Skyler. Gusto ko lang ipakita sayo kung gaano kita kagusto At para makilala mo ako ng lubusan."-pigil sakanya ni Scott at nagmamakaawa nanaman itong nakatingin sakanya.

"Hindi ako interesadong makilala ka. At sa tingin mo natutuwa ako sa pinag gagawa mo sakin? Isusumbong talaga kita sa pulis. Kidnap tong ginawa mo sakin! Tapos sinikmuraan pa ko nung isa sa mga tauhan mo!"-nanlilisik na mga matang nilingon nya si Scott.

"Eh di magsumbong ka. Gusto mo samahan pa kita."-biglang palit ng expression ni Scott na kung kanina ay nagmamakaawa ang mukha nito sakanya na parang inaapi na tuta kanina ngayon naman ay naka ngisi na.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSWhere stories live. Discover now