{35} UNPREDICTABLE TAETAE

208 18 32
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Nasaan na ba si Jeon? Nakakahiya naman kay Taehyung kung mauuna pa sya sa mall." Sabi ni Seokjin habang inaayos ang salamin nya sa mata. Di naman mapakali sina Jimin at Hoseok sa pagtext at pagtawag kay Jungkook na hanggang ngayon ay wala pa.

Napag-usapan nilang ngayong araw gawin ang pagkikita nila pati na ang pang-ti-treat ni Taehyung sa kanila. Ngayong araw din ibibili ng regalo ni Taehyung si Jungkook para sa graduation nito dalawang linggo na ang nakakaraan.

Magkikita-kita sina Jungkook at ang mga hyung sa unit ni Jimin dahil iyon ang pinakamalapit sa location na ibinigay ni Taehyung. Alas-tres ang usapan nilang pagkikita pero mag-aalas-tres y kinse na ay wala pa rin si Jungkook.

"Ilang beses ko na ngang tinawagan at tinext pero wala pa rin. Ikaw ba, hyung?" Tanong ni Jimin kay Hoseok na nasa tenga pa rin ang cellphone. "Hindi rin sumasagot. Nasaan na ba yun?" Napapakamot ng ulong sabi ni Hoseok.

"Kahapon ko pa yun huling nakausap at nasa unit nya lang naman sya. Nakakapagtaka namang late yun ngayon? Sya yung pinaka-excited na makita si Taetae, ah?" Hirit naman ni Namjoon.

"Malayo kasi ang unit nya dito. Baka kapag pinuntahan natin sya ay magkasalisi lang." Sabi naman ni Suga. "Nakakahiya kay Taehyungie. Baka mamaya ay nandun na yun sa tapat ng SB." Nakangusong sabi ni Jimin.

"Lalatayan ko talaga sa mukha si Jeon kapag dumating yun." Sabi ni Seokjin na parang ni-re-ready na ang kamay na ipananampal kay Jungkook. "Subukan nyong tawagan. Tatawagan ko na lang din si Taehyungie para sabihing male-late tayo." Sabi ni Jimin na sinunod naman ng mga hyungs.

Bahagyang lumayo si Jimin at tinawagan ang number ni Taehyung na mabilis naman nitong sinagot. "Taehyungie.." Pagtawag nya dito.

"Jimin-ssi!! Nasaan na kayo? Kanina pa'ko nandito sa tapat ng Starbucks." Sabi ni Taehyung na kinapikit ng mariin ni Jimin. Ilang beses nya na yatang minura sa isip nya si Jungkook dahil sa hiyang nararamdaman.

"Y-Yun nga, kaya ako tumawag." Sabi nya na kinatahimik nito. "Di kayo makakapunta?" Tanong nito sa dismayadong tono.

"N-No--I mean, makakapunta kami pero male-late lang." Sabi ni Jimin. "Bakit? May emergency ba? Pwede naman nating ipagpaliban to kung ganun." Sabi ni Taehyung sa nag-aalalang tono.

"Uhh, hindi. Wala pa kasi dito si Kookie. Di rin namin sya ma-contact. Hihintayin pa namin sya ng konti pero kapag di pa sya dumating ay pupuntahan na namin sya sa unit nya." Paliwanag ni Jimin.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Where stories live. Discover now