{48} MONTHS OF WAITING

251 11 40
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Tito, pwede bang itulak mo na yung kaluluwa ni Jungkook pabalik sa katawan nya? Wala na yatang balak gumising yung kunehong yun, eh. Pwede bang pakihanap sya at pakiusapan mong bumalik na? Ilang buwan na kaming naghihintay sa kanya at nag-aalala na'ko, pano kung wala na pala syang balak na bumalik? Waaahh!! Tito!! Kausapin nyo yang Jeon Jungkook na yan!" Pagkausap ni Taehyung sa puntod ni Raxius.

Nakatabi ito sa mismong puntod ng asawa't anak nito. Imbis na patayuan ng sarili nitong museleyo ay hinayaan na lang ni Taehyung na kasama ito ng ibang puntod. Alam nyang mas gusto nitong simple lang pero kasama ang pamilya nito.

Ilang buwan na ang lumipas matapos nitong mamatay. Pinabagsak na lahat ng mga galamay nito pati na ang emperyo nito na si Taehyung sana ang magpapatakbo. Matapos rin ang pangyayaring yun ay binuwag na rin ang emperyo ng Jeon maski ang mga Kim. Ayaw na nilang magkaroon muli ng gulo sa pagitan ng mga emperyo, masyadong kumplikado.

"Tito, napanaginipan kita. Nakakatakot ka naman, Tito, parang gusto mo na'kong isama sa panaginip ko, eh." Natatawang sabi nya habang inaayos ang bulaklak sa vase nito. Inayos nya rin ang pagkakaupo nya sa damuhan at pinakiramdaman ang simoy ng hangin.

"Tito, wag nyo 'kong tinatakot sa panaginip ko. Paano na lang kung bangungutin ako? Naku, di pa kami kasal ng kunehong yun. Pabalikin nyo na kasi sya." Sabi ni Taehyung habang nakangiti.

"Ang dami ng nagbago pagkatapos mong mawala. Hays, masaya ka na ba dyan, Tito? Sana." Sabi nya saka tinitigan ang pangalan nito. Napaigtad sya nung tumunog ng malakas ang cellphone nya. Ilang mura pa ang lumabas sa bibig nya habang nakatingin sa malawak na sementeryo.

Nagsisi tuloy syang dumalaw syang mag-isa, nasa gawing dulo pa mandin ang puntod ng Tito nya.

"Ikamamatay ko na yata ang pagiging magugulatin. Bakit ba napakalakas ng ringtone ko? Nasa sementeryo pa mandin ako, ubod ng tahimik." Pagkausap nya pa sa sarili habang kinukuha ang cellphone nya.

Napairap sya nung makita ang pangalan ni Jimin. Videocall ang gusto nito. "Ano na naman yun, Mochi?" Tanong nya. Narinig nya ang pagtawa nito sa kabilang linya. Hindi na nya binuksan pa ang camera para mas mabilis silang makapag-usap.

"Mukhang masaya kang makausap ako, ah? Anong gusto mong pasalubong?" Tanong nito na kinakamot nya sa noo nya.

"Nasaang bansa ka ba?" Tanong nya dito. "Hawaii!! Nasa Hawaii kami ng baby ko dahil sa trabaho nya. Uuwi na kami mamaya kaya magsabi ka na lang ng pasalubong na gusto mo." Sabi ni Jimin kaya napaisip si Taehyung.

SEALED PROMISES (TAEKOOK FF) [COMPLETED]Where stories live. Discover now